Hindi naman makapaniwala ang lahat ng mga tao mapalabas at mapaloob ng bayan ng Vera nang makita nila ang isang batang tumulong sa nanay ni Nina habang ito'y inatake ng dragon, at lalo pa nilang ikinabigla ang pagputol nito sa paa ng dragon.
"Imposible, nagawa nang batang iyan na putulin ang paa ng dragon ng mag-isa, nahihirapan na nga ang mga kabalyero, kahit na nga yong 12 Royal Knights ay nahirapan din sila na harapin ng mag-isa ang dragon"sabi ng isang mayamang lalaki habang namangha sa ipinakitang kabayanihan ni Aries.
"Nakakamangha talaga ang batang iyan"puri nila kay Aries.
Samantala, kahit pinutulan na ni Aries nang isang paa ang dragong umatake sa labas ng bayan ng Vera, hindi parin iyon umalis sapagkat lalo pang nainis ang dragon kay Aries kaya bigla siyang pinuntirya ng dragon.
"Iho! Mag-ingat ka!"sigaw ng nanay ni Nina dahil nakita kasi niya nang biglang umatake ulit ang dragon.
Walang takot na hinarap ni Aries ang dragon kaya nang umatake ito sa kanya, agad niyang nailagan ang pag-atake ng natitirang paa nito. Nakahawak pa si Aries sa paa ng dragon kaya nadala siya sa himpapawid ng dragon. Nagsitingan naman ang lahat ng mga tao kay Aries na kung saa'y nakasakay lang siya sa dragon habang hindi natatakot sa mangyayaring masama sa kanya.
"Nakakamangha talaga ang batang iyon"puri ng lahat habang sila'y nakatingala sa himpapawid habang pinagmamasdan ang nakasakay na si Aries sa dragon.
Samantala. Habang nag-eensayo ang mga estudyante sa loob ng Academy, agad naman nilang napansin sa himpapawid ang dragon na umatake sa labas ng bayan ng Vera, pero habang sila'y nakatingin sa dragon nabigla sila nang may nakita silang taong nakasakay sa dragon.
"Tingnan niyo may taong nakasakay sa dragon"turo ng isang estudyante sa dragon.
"Oo nga noh!"
"Imposible paano nangyari iyon? Wag mong sabihing alaga niya ang dragon?"
"Imposible naman na alaga niya ang dragon, tingnan niyo nang mabuti ang dragon, putol na nga ang isang paa niyan"sabi ng isang estudyante.
Nakatingala ang lahat ng mga estudyante, pati na rin ang mga gurong kabalyero sa Academy habang pinagmamasdan ang pagsakay ni Aries sa dragon. Hindi kasi sila makapaniwala na may nakakasakay sa dragon, sa tagal-tagal na nilang nakakita ng mga dragon ngayon pa lang talaga yan nangyari.
"Sino naman ang malakas na loob na taong iyan na nakapatong sa dragon?"tanong ng mga gurong kabalyero habang nakaturo ang daliri kay Aries.
Matapos ang ilang segundo na pagdaan ng dragon sa tuktuk ng barrier ng Academy, maingat namang nilapitan ni Aries ang ulo ng dragon para mapuntirya niya ang mga mata nito kaya nang nagawa niyang makalapit ay agad niyang itinaob ang espada niya sa isang mata nito, sapagkat sa pagtaob niya'y agad namang nakaramdam nang paggalaw ng mabilis ang dragon kaya muntikan nang mahulog si Aries kung kaya'y nagawa niyang makahawak sa espada niyang itanaob niya sa mata ng dragon.
Patuloy na gumagalaw ang dragon dahil hindi na kasi makakita ang isang mata nito hanggang sa natanggal ang espada nito na nakataob sa mata kaya nahulog si Aries. Sa sobrang galit at sakit na nararamdaman ng dragon ay bigla niyang inatake si Aries sa ere. Sa pag-atakeng ginawa ng dragon, nagawa namang makailag ni Aries sabay hawak sa isang paa ng dragon kaya inpinwersa niya ang sarili niya upang makatalon siya sa dragon.
Kaya nang makatalon na siya ay agad pinuntirya ni Aries ang pakpak ng dragon kaya nagawa niya itong naputol, sinundan naman siya ulit ng pag-atake ng isang paa ng dragon kaya nahirapan nang makailag si Aries dahil sa lapit niya kaya natamaan ang damit na suot niya at tuluyang napunit, masuwerte namang di nakaabot sa katawan niya ang kuko ng dragon kaya hindi siya natamaan. Habang nahuhulog si Aries, agad niyang itinusok sa malaking kahoy ang espada niya kaya napahinto ang paghulog niya. Dahan-dahan siyang bumaba sa malaking kahoy hanggang sa nakatakap siya ng ligtas sa lupa.
BINABASA MO ANG
Myself in Another World (Completed)
FantasyAfter Aries Alefen reincarnated from another world, he didn't remember his past life so he tried everything to live until the world treated him unfair. This is the journey of Aries trying to survive by himself... He will be able to defeat the Dragon...