(Vol. 5) Chapter 54: Life

117 20 5
                                    

Nang isinilang si Mellia sa mundo ay laking ngiti ng mga magulang niya nang makita nila ang pag-iyak niya, di talaga mawala ang ngiti nila na may halong luha ng kanyang ina na siyang nagluwal sa kanya, pero ang saya nila’y hindi nagtagal nang malaman nilang hindi siya makakita.
 
Nang maglimang taon na si Mellia ay naging malabo na ang mga magulang sa kanya, nawalan na sila ng gana na alagaan siya dahil sa lagi siyang pabigat sa bahay, hindi nasasanay na lumakad ng maayus. Hindi rin siya natuturuan magsulat dahil sa hindi siya makakita. Sa edad na nga niya ay dapat nakikipaglaro na nga siya sa mga bata kaso dahil sa kanyang kondisyon ay lagi lang siyang naka-upo sa upuan niya, pinapakinggan ang boses ng kapaligiran.
 
Masaya pa ngang naririnig ni Mellia ang paglalaro ng mga bata na nagtatawanan, naghihiyawan at minsa’y nag-iiyakan. Minsa’y pinangarap ni Mellia na makita ang kulay ng mundo para malaman niya kung gaano kaganda at kalaki ang mundo subalit hanggang sa pangarap nalang siya.
 
Habang naka-upo siya sa kanyang upuan ay agad naman niyang tinawag ang pangalan ng mga magulang niya kaso wala siyang naririnig na mga sagot o palataandaan na naririnig nila ang sigaw niya. Paulit-ulit siyang sumisigaw, umiiyak na nga siya sa kanyang inuupuan pero kailanma’y hindi niya narinig ang sagot ng mga magulang niya, doon nalang niya nalaman na siya’y inabandona na.
 
Masuwerte namang nag-iikot ng bayan si Luis sa panahong iyon, isa kasi siyang kabalyero doon na nagbabantay sa bayan ng Lyveli, kaya sa pag-iikot ni Luis ay agad niyang narinig ang malakas na pag-iyak ni Mellia habang nakadapa ito sa lupa na may sugat sa bawat tuhod.
 
“Iha, ayus ka lang ba?”tanong ni Luis sa kanya habang dahan-dahan niyang itinayo si Mellia na umiiyak.
 
“Tay, kayo po ba yan?”palinaw ni Mellia habang dali-dali niyang niyakap si Luis.
 
“Iha, hindi ako ang tatay mo, isa akong kabalyero dito”sagot ni Luis. “Bakit ka nagkaganito?”tanong ni Luis.
 
“Si tatay saan? Si nanay saan?”paulit-ulit na tanong ni Mellia.
 
“Iha, wala akong alam sa sinasabi mo”sagot ni Luis kay Mellia.
 
Nagpatuloy sa pag-iyak si Mellia kaya gumawa na ng paraan si Luis para mahanap ang magulang niya kaso hindi niya ito nakita. Nalaman din niya na inabandona narin si Mellia dahil ang mga magulang niya ay parehong lumayas sa bayan nila.
 
  Dahil sa naaawaan na si Luis kay Mellia ay siya na ang nag-alaga nito. Umalis na rin siya sa pagiging kabalyero dahil sa tanda niya. Sa unang pananatili pa ni Mellia sa bahay ni Luis ay lagi pa siyang umiiyak dahil sa hindi niya matanggap ang nangyari pero noong tumagal na ay nasanay rin siya kaya nagiging lolo narin ang turing niya kay Luis kahit hindi sila magkadugo.
 
Lumipas ang mga taon ay dahan-dahan ring natutunan ni Mellia ang pananahi na siyang pampalipas oras niya, kahit minsa’y nasusugatan ang daliri niya dahil sa karayom ay nagawa parin niyang makagawa ng magandang at makukulay na damit.
 
Minsan binebenta naman ni Mellia ang mga natatahi niyang damit kaya kahit pa unt-unti ay natutulungan niya si Lolo Luis niya sa gastusin para pambili ng mga gamit, pagkain at materyales para sa kanyang trabaho at sa pangangailangan nila araw-araw.
 
Marami namang humahanga sa kakayahan ni Mellia kaya minsa’y inaakyatan siya ng mga ligaw, pero sa tuwing nalalaman ng mga kalalakihan ang kondisyon niya ay iniiwanan nalang siya kaya ang magkaroon siya ng sariling pamilya ang imposible na sa kanya.
 
Lagi nga siyang pinapasaya ni Lolo Luis sa tuwing siya’y nalulungkot.
 
“Mellia, ayus lang yan, alam kong darating ang panahon na may magmamahal talaga sa iyo ng tunay”tugon ni Lolo Luis sa kanya habang pinapagaan ang kanyang loob.
 
Isang araw ay nalaman din ni Mellia ang kanyang kapangyarihan sa dalawa niyang kamay nang mahawakan niya ang kamay ng bata habang ito’y nagsusukat ng damit. Ang kaliwang kamay niya ay malalaman niya ang nakaraan ng isang tao samantalang malalaman naman ang hinaharap ng isang tao ang kanang kamay niya.
 
Hindi naman nila ipinagkalat ang kapangyarihan niya baka magkakagulo ang bayan, tanging silang dalawa lang ni Lolo Luis ang nakakaalam.
 
“Mellia, wag mong ipapagsabi sa iba ang kapangyarihan mo, baka yan lang ang ikakapahamak mo”paalala ni Lolo Luis kay Mellia.
 
“Opo Lolo, naiintindihan po”sagot ni Mellia.
 
Minsan nalaman din ni Mellia ang hinaharap ni Lolo Luis pero kanya lang itong kinalimutan dahil alam niyang masasaktan lang siya. Ang pagdating naman ni Aries ang hindi niya inaaasahan.
 
Hindi masukat ang iyak at lungkot niya nang mawala na si Lolo Luis, akala niya’y magtatapos na ang kanyang buhay subalit binigyan siya ni Aries ng pangalawang pagkakataong mabuhay ng masaya. Pumunta sila sa sentro ng bayan ng Lyveli at nagpakasal sila sa edad na parehong dalawangpu’t-isa, tapos nagkaroon din sila ng isang anak na babae pagkalipas ng taon.
 
------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Tumatakbo naman si Aries pauwi ng bahay niya dala-dala ang pagkaing binili niya, gusto na kasi niyang makita ang anak niyang si Aria. Kaya nang pumasok siya sa kanyang bahay ay dali-dali niyang binuhat ang sanggol na si Aria.
 
“Aries mahal ko, magpahinga ka muna, alam kong pagod ka sa pagtratrabaho mo”alala ni Mellia sa kanya.
 
“Lia, ayus lang ako, ano ba ang tingin mo sa akin, mahinang nilalang”patawang tugon ni Aries habang binubuhat niya si Aria.
 
“Mellia, Aries, aalis na ako, bukas naman ulit”tugon ni Aling Vivian, katulong nila Aries, tapos siya rin ang nag-aalaga kina Aria at Mellia kapag nagtratrabaho si Aries.
 
“Salamat po Aling Vivian”pasalamat ng mag-asawa.
 
Agad namang nagluto at nagsaing si Aries, samantalang nagpapainom naman ng gatas si Mellia sa anak nila. Kung tutuusin ay masaya talaga ang pamumuhay nila. Sa tuwing aalis si Aries para magtrabaho ay agad naman niyang nilalagyan si Mellia ng bulaklak sa tainga.
 
“Mag-ingat ka Aries”alala ni Mellia.
 
“Kayo rin Lia”sagot ni Aries habang siya’y umalis patungo sa taniman.
 
Habang nagtatanim si Aries ay agad niyang nakita ang isang grupo ng mga pandigmang tao na sakay-sakay ng karwahe at ang iba nama’y naglalakad. Sa kakatitig ni Aries ay agad niyang nakita ang iba na duguan at ang iba nama’y walang malay na nakabulagta sa loob ng karwahe.
 
“Sino sila?”tanong ni Aries sa mga kasamahan niya sa trabaho, hindi kasi niya alam kung sino ang mga taong iyon tapos ngayon din lang niya nakitang may grupo na pandigmang tao na hindi naman mga kabalyero o sundalong-kabalyero.
 
“Ngayon mo palang silang nakita Aries, sila ay mga Dragon Slayer, ang tawag sa kanilang grupo ay Slayer Faction, ang hangarin nila ay bantayan ang ating bansa sa mga dragon, ang ganda pakinggan Aries na tawagin kang isang Dragon Slayer tapos mamamatay rin naman kayong lahat, madali lang makapasok sa Slayer Faction sapagkat madali karing mamamatay, hirap, pasakit, tiis at sakripisyo ang magiging puhunan mo, tapos pasalamat lang ng mga tao ang bayad sa iyo”patawang paliwanag ni Ismael, katrabaho ni Aries.
 
“Kahit pasalamat lang ang bayad sa iyo basta nakatulong kalang sa kapwa ay ayus na”tugon ni Aries.
 
“Anong ayus na? nababaliw ka na ba Aries? Gustuhin mo lang bang mamatay para tulungan ang isang bayan, kung tutuusin mauubos rin naman tayong lahat sa mundong ito dahil darating ang panahon na ang mga dragon na ang maghahari sa mundong ito, hindi lang sa kalahating-mundo”paliwanag ni Ismael.
 
Nagsisilapitan naman ang mga tao sa mga Slayer Faction dahil ang iba kasi’y nag-aagaw buhay niya. Nang lumapit si Aries ay agad niyang nakita ang ibang mga kasamahan nito na napuputulan na ng mga kamay, paa, may malaking butas sa tiyan at likuran. Sabi pa nila ay limang araw silang naglalakbay nang walang kain, walang pahinga at uhaw na uhaw din sila.
 
Madami namang nagbigay ng mga pagkain sa kanila para sila’y matulungan, nakikipaglaban kasi sila para maprotektahan ang isang bayan subalit hindi nila napatay ang isang malaking dragon, ang resulta ang pagkasawi ng iba nilang kasamahan at sugatan.
 
May isang lalaki pa nga na putol ang paa ang umiiyak dahil sa trauma na maputol ang kanyang mga paa dahil sa pag-atake ng dragon sa kanya, masuwerte’t nabuhay pa siya subalit tumatak naman sa isipan niya ang nangyari. Patuloy pa ngang umiiyak na sumisigaw ang lalaki na dinig na dinig ng lahat.
 
“Manatili muna kayo dito ng ilang gabi, hangga’t kaya ng aming bayan na tulungan kayo ay tutulungan namin kayo”tugon ni Manong Gerard, namumuno ng Lyveli.
 
“Salamat po”pasalamat ng mga Slayer Faction.
 
Agad namang ikinuwento ni Aries kay Mellia ang mga nangyari ngayong araw, hindi rin nawala sa kanyang pinag-uusapan ang tungkol sa mga Slayer Faction na siyang tagapaglitas ng mundo.
 
“Lia, narinig mo na ba ang grupong Slayer Faction?”tanong ni Aries.
 
“Yong ba yong mga dragon slayer?”palinaw ni Mellia.
 
“Oo, yan ang tinutukoy ko, sa tingin mo Lia, papayagan mo ba ako, kung sasali ako sa grupong iyon”pahinang tugon ni Aries.
 
Hindi naman agad nakapagsalita si Mellia dahil sa gulat.
 
“Aries naman oh! Nag-aalala na nga ako sa kalagayan mo tapos ipapahamak mo pa ang sarili mo”paliwanag ni Mellia habang pinaalalahanan niya si Aries.
 
“Kung lang naman, wala naman akong sinabing sasali talaga ako, diba aalagan ko pa nga kayo”pabiglang tugon ni Aries.
 
“Aries, wag ka ngang magbiro ng ganyan, alam mo namang maliit pa ang anak natin, tapos alam mo na din ang kondisyon ko, paano na kami kapag wala ka? Aasa lang ba kami sa tulong ng ibang tao?”tugon ni Mellia habang pinaalalahanan ulit niya si Aries.
 
“Oo na, kalimutan mo na ang sinabi ko Lia, ikaw naman konting bagay sineseryuso mo”sabi ni Aries.
 
“Hindi, nag-aalala lang kasi ako sa hinaharap natin Aries”sabi ni Mellia.
 
“Oo na pasensya ka na”paulit-ulit na pahingi ng pasensya ni Aries kay Mellia.
 
Kinaumagahan, habang papunta na sana sa trabaho si Aries ay agad siyang inalok ni Manong Gerard, ang namumuno sa bayan ng Lyveli na pumunta sa isang lugar na kung saa’y silang dalawa lang. Kilala kasi ni Manong Gerard si Aries dahil kay Lolo Luis na siyang nagkupkop nito.
 
“Aries, kamusta na ang lagay niyo ngayon ni Mellia?”alala ni Manong Gerard sa kanila.
 
“Ayus lang, kahit simple ay masaya naman”sagot ni Aries.
 
“Aries, may importante kasi akong sasabihin sa iyo”tugon ni Manong Gerard kay Aries.
 
“Tungkol ba yan sa mga Slayer Faction?”palinaw ni Aries.
 
Agad namang tumawa si Manong Gerard na parang alam na ni Aries ang iniisip niya.
 
“Aries, alam mo naman ang sitwasyon ng bay-“sabi ni Manong Gerard.
 
“Ayoko, hindi ako marunong humawak ng espada, tapos na ang usapan”sabi ni Aries habang siya’y umalis.
 
“Aries, hindi ko makakalimutan na may nakaraan ka sa kaharian ng Ylgad, kaya alam kong magaling kang gumamit ng espada, hindi mo maiitanggi ang bagay na iyan Aries”paliwanag ni Manong Gerard na ikinatigil ni Aries.
 
“Manong Gerard, ano ba ang gusto mong mangyari? Ang sirain ang buhay ko? Gusto ko nang mapayapang buhay, may pamilya na ako, hindi na ako tulad ng dati”paliwanag ni Aries. “Ano ba ang gusto mo? pera? Kayamanan? O ang makulong ako?”tanong ni Aries habang siya’y seryusong-seryuso na kay Manong Gerard.
 
“Aries, wala ng payapang buhay ngayon, hindi na nagtatagal ang mga tao sa mundo, kung gusto mo mang bigyan ng magandang buhay ang pamilya mo ay magsakripisyo ka”paseryusong paalala niya kay Aries. “Aries, pasensya ka na, wala naman akong intensyon na sirain ang buhay mo, gusto lang naman itong ibigay sa iyo ang librong ito”sabi niya habang ibinigay niya kay Aries ang isang maliit na libro.
 
“Ano ba ito? Ano bang gagawin ko rito?”tanong ni Aries habang tinutukoy niya ang maliit na libro na hawak niya.
 
“Aries, walang nakaka-alam kung anong nakasulat sa librong iyan, paghihinala ko isanglibong taong na ang librong iyan, Aries kung may oras ka, pag-aralan mo kung ano ang nakasulat diyan baka diyan nakasalalay ang misteryo na bumabalot sa kalahating-mundo(Half-world) baka magawan pa natin ng paraan kung paano natin matatalo ang mga dragon”tugon ni Manong Gerard.
 
“Ito lang ba ang dahilan kung bakit mo ako pinapunta rito?”tanong ni Aries.
 
“Oo Aries, sa katunayan ay wala talaga akong intensyon na sirain ang buhay mo”sabi ni Manong Gerard habang siya’y tumatawa kay Aries dahil kinakabahan kasi si Aries sa paserysong pagsasalita niya. “Pasensya ka na Aries”
 
------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Nang makauwi na si Aries sa bahay niya galing sa trabaho ay agad niyang binuhat si Aria para pampawala sa pagod niya. Habang siya’y naka-upo sa upuan ay bigla niyang naramdaman ang isang bagay na nakatago sa damit niya. Kaya nang kinuha niya ito ay bigla nalang niyang naalala ang pag-uusap nila ni Manong Gerard kaninang umaga na kung saa’y binigyan siya ng isang maliit na libro.
 
Ang librong iyon ay naglalaman ng mga sulat na kailanma’y hindi naiintindihan ng mga tao, kung si Manong Gerard ang pagsasabihin ay isanglibong-taon na ang librong iyon. Hindi naman agad binuklat ni Aries ang libro dahil alam niyang wala rin siyang maiintindihan kapag binasa niya iyon.
 
“Ano bang nasa librong ito?”tanong ni Aries habang paulit-ulit niyang pinagmamasdan ang maliit na libro.
 
Matapos ang ilang minutong pagmamasid ni Aries sa libro ay lakas na loob na niya itong binuksan sa unang pagkakataon. Nagulat nalang si Aries nang makita niya ang mga nakasulat sa librong iyon, kahit iba ang mga letra na nakasulat doon sa libro ay dahan-dahan naman niya itong naiintindihan.
 
“Bakit ko ito naiintindihan? Imposible, ngayon ko lang nakita ang mga letrang ito-“bulong ni Aries.
 
Bigla namang sumakit ang ulo ni Aries at walang ano-ano’y bigla nalang siyang nakahandusay sa sahig na walang malay. Dali-dali naman siyang tinulungan ni Aling Vivian na sa panahong iyon ay nagluluto, tapos hindi rin mapakali si Mellia nang malaman niyang nawalan ng malay ang asawa niyang si Aries.
 
“Anong nangyari kay Aries?”tanong ni Mellia kay Aling Vivian.
 
“Wag kang mag-aalala Melia, pagod lang si Aries”sagot ni Aling Vivian.
 
“Mabuti naman, akala ko kung ano na ang nangyari sa kanya”pasalamat ni Mellia.
 

Dahil sa librong iyon ay unti-unti nang nasasagutan ni Aries ang lahat ng mga katanungan sa sarili niya, nalaman kasi niya sa librong iyon na hindi siya taga-rito sa mundong ito.

Myself in Another World (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon