Chapter 6: Knight Edward's Competition

178 33 3
                                    


**PAALALA: ANG MABABASANG KABANATA AY MAY HINDI ANGKOP NA PARTE KAYA PINAAALAHANAN ANG LAHAT NG MAMBABASA**

Napanaginipan naman ni Andres si Knight Edward nong gabi kaya naalala niya ang mga araw na tinuturuan niya ang batang si Edward na humawak ng espada, hindi pa matanda si Andres sa panahon iyon sapagkat naging leader na siya ng 12 Royal Knights at isa na siya sa mga magigiting na kabalyero na walang sinumang nakakatalo. Tanyag ang pangalang Andresio sa kapanahunan niya dahil sa naging kanang kamay siya ng hari.

Sa lahat ng mga naging estudyanteng tinuruan ni Andres tanging si Edward lang na sipuning bata at matigasin ang ulo ang may kakaibang kakayahan na nakikita niya dahil sa desidido nitong matutu.

Ang pagkikita naman ni Andres kay Edward ay magkapareho din sa pagkikita nila ni Aries sapagkat naranasan nito na mapatay ang magulang niya dahil sa pag-atake ng Dragon sa bayan nila, si Edward nalang din ang tanging nabuhay sa kanilang bayan na tanging nasagip ni Andres.

Labing dalawang taong gulang palang si Edward nang tinuruan na siya ni Andres na humawak ng totoong espada. Matigasin kasi ang ulo niya sapagkat lagi niyang kinukuha ang espada ni Andres. Kaya napilitan nalang si Andres kay Edward dahil sa matigasin nito, kaya maaga niya itong sinanay.

"Dapat hawakan mo nang ganito ang espada!"sigaw ni Andres habang istriktong pinagtuturuan si Edward.

Habang sinasanay niya si Edward, agad namang nagising sa malalim na panaginip si Lolo Andres...

"Simula nang marinig ko ang pangalang Edward, napapaginipan ko na siya"bulong niya habang siya'y tumayo sa kanyang kama.

Nakahanda naman ang mga pagkain sa mesa na pang-almusal niya dahil maaga kasing bumangon si Aries kaya siya nalang ang nagluto ng pang-almusal nila...

"Yong batang iyon, ang pursigido magsanay"puri ni Lolo Andres.

Nang pumunta siya sa bayan, nakita na niya ang mga kababayan niya na nagsasanay nang nagsasanay. Wala namang gaanong tao sa palengke nang siya'y pumunta doon, minsan lang kasi dumarating ang pagkakataon ito kaya hindi nalang nila ito sinayang.

Hindi naman naging abala ang pamamalengke ni Lolo Andres subalit may mga taong nagmamakiusap sa kanya upang magpaturo. Alam kasi nila na magaling humawak ng espada si Lolo Andres dahil nakita nila ang kakayahan nito nang mapatay niya ang ligaw na uso..

"Lolo Andres, turuan niyo po kaming magsanay para po gumaling kami! Pakiusap po"sabi ng isang lalaki habang yumuko siya sa harap ni Lolo Andres sabay sinundan ng pagyuko ng mga kasamahan niya.

"Pasensya na kayo, may ginagawa pa kasi ako kaya di ko kayo matuturuan"tanggi ni Lolo Andres sa kanila.

"Bakit naman po? Gusto niyo po ba ng pera? Bibigyan ko po kayo! Pagkain? O kahit ano ang kinakailangan niyo, ibibigay ko po sa inyo basta po matuturuan lang niyo po kami"sabi nila.

"Hindi naman sa naghahanap ako ng kapalit, matanda na kasi ako kaya matatagalan na ang pagsasanay niyo, tapos isang araw lang? di niyo matatapos ang pagsasanay ng isang araw lang, imposible, bukas darating na si Knight Edward, yong may mga kakayahan lang ang kukunin niya"paliwanag ni Lolo Andres.

"Okay lang po! Basta turuan niyo po lang kami"sabi nila.

Wala namang ibang magawa si Lolo Andres kundi ang turuan sila, naawa kasi siya sa mga ito dahil panay ang pakiusap nila sa kanya. Agad naman niyang dinala ang pitong lalaking tuturuan niya sa batis kung saa'y ang lugar na lagi niyang pinag-eensayuhan.

"Sa batis tayo magsasanay, marami akong ipapagawa doon sa inyo kaya dapat pursigido kayo"paalala niya sa pitong lalaki.

"Opo Lolo Andres!"sagot nila.

Myself in Another World (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon