02

313 9 0
                                    

Chapter 02

Sa loob ng isang linggo ay binuhos ko ang oras ko sa pagiging estudyante. Kahit papaano naman ay may nakakasundo na ako sa mga kaklase ko. Sa ibang subject ay kaklase ko ang dalawa. Wala pa naman masyadong ginagawa. Dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin kumpleto ang mga subjects ko.

Ngayong araw na ang kaarawan ni Lyka. Tapos ko na siyang batiin, kanina pa. Dahil saktong sabado ang birthday niya ay pwede kaming mag puyat. Linggo naman kinabukasan, sa gabi na lang ako magsisimba kasama sila mama.

Tinignan ko ang isang paper bag sa gilid, sa tabi ng bag na dadalhin ko. Kulay pula itong paper bag na may design. Maliban sa top ay sinamahan ko ito ng ilang mga chocolates na galing kay Andres, marami 'yong mga chocolate. Binigyan ko na rin sila mama dito, Hilig naman kasi ni Lyka ang kumain ng matatamis.

Kinuha ko ang back pack ko, ngayon pa lang ako mag aayos ng gamit na dadalhin ko. Alas kwatro pa lang ng hapon, alas syete pa ng gabi ako pupunta sa kanila. Magkikita kami ni Marie sa may sakayan ng tricycle. Gusto ko sanang magpahatid kay ate, pero baka wala na naman siya. Baka kumain na naman sila ng boyfriend niyang kano na minsan ay hindi pa dumadalaw dito sa bahay.

Hindi naman madami ang dala ko, apat na pares ng damit at shorts, mga ilang importanteng gamit gaya ng, cellphone, charger, earphone at mga pampalandi. Hindi ko pwedeng iwan ito, mahirap na mag mukhang dugyot kapag may gwapo doon.

Muli akong naligo, kahit naligo na ako kanina. Mainit kasi ang panahon at gusto kong fresh ako pagdating doon. Pinatuyo ng blower ang buhok ko, hanggang balikat lang ang haba nito. Medyo kinulot ko ang ibaba, napangisi ako ng makita ko ang sarili sa salamin. Ang ganda ko talaga. Naglagay lang ako ng tint sa cheeks at labi. Hindi ako marunong mag lagay ng make-up, si Marie ang laging nag aayos sa akin. Pero dahil wala siya ay simpleng ayos lang, di bale, maganda pa rin naman ako.

"Ate! Nandito na si ate Marie!" sigaw ng kapatid ko mula sa labas, napabuga na lang ako sa hangin, ang aga naman niyang dumating? Akala ko ba magkikita na lang kami?

"Papasok a!" rinig kong sabi ni Marie sa labas, hindi na ako nabigla nang bigla na lang bumukas ang pintuan ng kwarto ko at pumasok siya.

"Di uso katok?" tanong ko sa kanya.

"Nagpaalam naman ako a," aniya.

Tinignan ko ang suot niya, she's wearing a maong skirt at sleeve croptop ang kanyang denim jacket ay nakasabit sa kamay niya. Nakabun ang buhok nito at may ilang hiblang buhok ang nakawala.

"Ang tagal mo," aniya, pinagpatuloy ko ang ginagawa ko.


"Nasaan si Cali?" tanong ko sa kanya. Referring to her boyfriend na ilang beses na siyang niloloko.

"Susunod na lang siya, dala niya gamit ko." kaya pala sarili niya lang ang dala niya. Perks of having a boyfriend, tagabitbit ng gamit.

Nang matapos na ako ay inayos ko ang damit kong suot. Isang faded jeans at black sando ang suot ko. Medyo labas sa may bandang cleavage. Meron naman kasi ako.

"Bakit nakajeans?" puna ni Marie sa suot ko.


"Pake mo ba? Hindi ako komportable mag maiksi," sabi ko.

"Sabagay, bawi naman diyan sa dibdib mong lumuluwa na."aniya, nginisihan ko siya.

" Inggit ka?"nang aasar na tanong ko sa kanya.

" Hindi, may jowa naman ako e."pagmamayabang na sabi niya. Ano connect?

" May jowa nga, bakit hindi pa rin nalaki?"sambit ko sabay tingin sa dibdib niya.

Sawyer Series#2: Here's your Perfect (Completed)Where stories live. Discover now