16

168 4 0
                                    

Chapter 16

   "So, what happened?" tanong ni Lyka sa akin. Nasa supermarket kami ngayon. Tig isang cart na ang hawak namin ngayon. Sa akin ay puno na samantalang ang sa kanya ay mapupuno pa lang. For today's month, ako ang gagastos ng grocery namin.

"Hindi ko maintindihan kung bakit kaklase ko siya." sabi ko sa kanya. Naikwento ko na sa kanya ang tungkol kay Bentley.

"Ako din, may sarili siyang kompanya, right? Bakit nasa ateneo siya?" tanong nito.

"Hindi ko alam." kibit balikat na sagot ko sa kanya.

"Baka naman may binabalikan. Like what you said, gusto niyang mag-usap kayo."

Nilingon ko si Lyka, seryoso itong nakatingin sa akin. "Wala na kaming dapat pag-usapan pa. Malinaw na ang lahat sa akin, malinaw na ang mga nangyari sa aming dalawa." sambit ko sa kanya.

Bigla kong naalala kung paanong nakita ko siyang makipaghalikan sa iba, I was 17 that time, 20 na siya nang mga panahon na 'yon. I was very young, sobrang fragile ng feelings ko. I met him because of Marie. Birthday ni Marie ng makilala ko siya, dahil bata...hindi ko inalam ang mga consequences na darating kapag pinatulan ko ang gusto ko.

He courted me for almost three months. Nakumbinsi ko ang sarili ko na seryoso siya sa akin. Kahit na marami akong naririnig tungkol sa kanya, gwapo siya. At ang marupok kong puso ay bumigay sa kanya.

Hindi ako makahanap ng dahilan kung bakit ako pumayag na magpaligaw sa kanya, dahil lang sa itsura niya. But when he started to court me, doon ko nahanap ang mga dahilan.

He's a gentleman, sweet siya, clingy at higit sa lahat ay pinatunayan niyang seryoso siya at kailangang kong paniwalaan ang mga ginagawa at sinasabi niya.

But, no'ng sinagot ko na siya ay biglang nagbago ang lahat. Siya ang  first boyfriend ko, lahat ng una ay naramdaman ko sa kanya, ang kiligin ng todo, ang maramdaman na espesyal sa isang tao, ang masaktan, ang magselos. He is my first kiss, first holding hand in public.

Except for one, isang buwan namin sa relasyon ng hingin niya 'yon sa akin. I didn’t expected that, masyadong mabilis, masyado pa akong bata para ibigay 'yon sa kanya.

Nang sinabi kong hindi, nagsimula na ang panlalamig niya sa akin. Una kong naranasan ang masaktan ng dahil sa lalaki, lalo na nang makita kong may kahalikan siyang iba.

Isa lang ang sigurado ako, he treat me special because he want me to do that with him. Na kapag nakuha niya na ay tapos na ang lahat sa amin. No'ng mga araw na sobra akong nasaktan, pinagsisihan ko ang desisyon ko...na sana pala ay pinagbigyan ko na siya, na sana ay sinunod ko ang gusto niya. Pero paano ako makakasigurado na kapag nakuha niya na ay magtatagal kami hanggang dulo?

Sa mga katulad niyang lalaki, sex lang naman ang habol lalo na sa mga baguhang mga babae katulad ko.

"Think of this, Charlotte. What if naisuko mo? Siguro ay parehas mo na ako," aniya, mahina pa itong natawa. Sumimangot ako sa kanya. Hindi ko alam, siguro ay baka nga maging parehas ako sa kanya.

"Mabuti na lang at masyado akong matalino ng mga oras na 'yon." sabi ko, siya naman ang sumimangot sa akin. "Sinasabi mo bang hindi ako matalino no'ng mga panahon na 'yon, huh?" angat kilay na tanong nito sa akin, nagkibit balikat ako sa kanya.

"I didn't say that. Sa'yo na mismo nanggaling." mas lalo siyang sumimangot sa akin.

"So, what happened to Abo, sabi mo ay bf mo siya kapag nandiyan si Bentley. Paanong mangyayari 'yon kung hindi naman kayo magkaklase?"

Sawyer Series#2: Here's your Perfect (Completed)Where stories live. Discover now