65

124 3 1
                                    

Chapter 65

    Nagising ako sa tunog ng cellphone ko, agad kong kinuha ito at sinagot ang tawag ng hindi tinitignan kung sino. Anong oras na ba?

"Hello," inaantok na sagot ko.

"Hoy, nasaan ka na? Inuman na." Ani Lyka sa akin, hinawi ko ang kurtina, madilim na sa labas. Hindi ko namalayan na nakatulog ako.

"Wait, nasa bahay pa ako. Nakatulog ako." Sabi ko.

"Gaga ka, tara na. Nandito na sila Aj, inimbitahan ko." Kumunot ang noo ko, kahit kailan talaga 'tong babaeng 'to.

"Ha? Sige wait, asikaso lang ako."

Hindi ko na inantay na makapagsalita siya at binaba na ang tawag. Agad na akong tumayo, naghanap ako ng susuotin sa cabinet bago pumasok sa cr para makaligo. Pagkatapos kong maligo ay dumiretso ako sa vanity mirror ko, pinatuyo ko ang buhok ko gamit ang blower, natuyo naman ito agad dahil maiksi lang naman ito.

"Anong oras ako makakarating nito sa unit,"

Kinuha ko na ang cellphone ko at lumabas na nang kwarto, paglabas ko ay bumungad sa akin si ate na kumakain ng fries, ngumisi na lang ako sa kanya saka dumiretso sa kusina. 


"Ma, alis na po ako." Sabi ko, wala si papa, hindi ko alam kung nasaan.


"Ha? Kumain ka na muna," ani mama sa akin, humalik ako sa pisngi niya. "Hindi na po, inaantay ako nila Marie ngayon." Sagot ko.


"O sige, mag ingat ka. Iyong susi ng sasakyan mo ay nasa may tv, kunin mo na lang."

"Sige ma, mauna na po ako."

Kinuha ko ang susi ng sasakyan ko, tinignan ko si ate. Nakanguso ito sa akin, nilapitan ko siya.

"May gusto ka ba?" Tanong ko.


"Gusto ko nang milktea, pero 'yung sa macao." Nakangusong sabi nito, kumunot naman ang noo ko. Gabi na a, bakit bigla siyang na crave sa milktea?


"Sige, orderan kita. Ikaw na kumuha a," sabi ko.


Lumaki naman ang ngiti niya. "Yehey, thank you sis. The best ka talaga."


Inirapan ko na lang siya, kailangan ko siyang intindihin ngayon dahil buntis siya. Matinding adjustment ata ang gagawin ko sa kanya.

"Antayin mo na lang ha,"

Nagpaalam na ako sa kanya, bago ako sumakay ng sasakyan ay nag order na muna ako ng milktea, dinamay ko na rin sila mama at Ingrid para naman hindi sila mainggit kay ate, mamaya ay magtaka pa sila.

Paandarin ko pa lang sana ang sasakyan ng tumawag si Lyka, agad ko naman sinagot ang tawag.


"Ano?"


Inumpisahan ko nang paandarin ang sasakyan.


"Asan ka na?"

"Teka, kakaalis ko lang ng bahay." Sabi ko.


"Ano ba 'yan, lasing na sila dito tapos ikaw paalis pa lang? Napakatagal." Halata na ang irita sa boses niya, napailing na lang ako.

"Malapit na."


Natawa ako nang babaan niya ako ng tawag, akala niya naman ay ang layo ko sa unit. Minadali ko ang pagmamaneho hanggang sa makarating ako sa parking, maayos kong pinark ang sasakyan saka nagmamadaling lumabas ng sasakyan.

Sawyer Series#2: Here's your Perfect (Completed)Where stories live. Discover now