48

125 2 0
                                    

Chapter 48

     Nakatulala ako habang nasa klase. Walang pumapasok sa isip ko, kanina pa nag didiscuss ang prof pero wala talaga akong maintindihan. Iniling ko ang ulo ko saka umayos ng upo, pinilit kong mag focus pero wala na talaga.

"Nakakainis," mahinang bulong ko sa sarili ko.

"Huy, ayos ka lang ba?" Tanong ni Zev sa akin sabay kalabit, agad ko naman siyang nilingon.

"Bakit?" May pagtatakang tanong ko sa kanya, nangunot ang noo nito.

"Simula pagpasok mo wala ka na sa sarili, ok ka lang ba? Baka may problema ka? Baka pwedeng ishare?"

Tumingin ako sa harap, nagpapatuloy sa pagsasalita ang prof. Nasa may sulok naman kami kaya hindi kami mapapansin kung magdadaldalan kami.

"Magkaaway kami ni abo," nakangusong sabi ko.

Tinignan ko si Zev ng mahina itong natawa, mahina niya pa akong hinampas. "Akala ko naman kung ano, sige mamayang break ang pag usapan natin 'yan."

Sumimangot na lang ako sa kanya.

Mabuti na lang at parehas ang schedule namin ni Zev ngayon, tatlong klase lang ang papasukan namin. Ang kaso lang ay alas nueve na nang gabi ang uwi. Pagkatapos ng unang klase ay ang dalawang oras na break, dumiretso kami ni Zev sa cafeteria saka doon tumambay.

"So, spill." Aniya, nakaorder na kami ng kakainin namin. Medyo madami ang inorder namin dahil ang hindi namin mauubos ay dadalhin namin sa room para doon kainin.

Umayos ako ng upo, uminom na muna ako sa softdrinks na binili ko.

"Ganito kasi 'yun, naalala mo ba no'ng uminom tayo after ng midterm?" Tanong ko, agad naman itong tumango pero hindi siya nagsalita.

"Hindi ba lumabas ako non para kausapin si abo, tapos ang nangyari nakita ko si Bentley doon."

"Kaya pala nasa likuran mo siya nong bumalik kayo sa loob?" Tanong nito, tumango naman ako.

"He want a second chance. Kung hindi ba naman siya gago, alam niyang may boyfriend ako tapos 'yun ang sasabihin niya. Parang tanga 'di ba?" Naiinis kong sabi, narinig ko na naman ang pagtawa ni Zev.

"Gago nga siya." Aniya habang natatawa.

"So anong pinag awayan nyo ni Hudson?" Tanong nito.

Ngumuso ako, pinaglalaruan ang tinidor na hawak ko."Hindi ko alam kung sino ang nag send kay abo ng picture naming dalawa ni Bentley. I was going to tell him about sa nangyari, ang kaso ay naunahan ako ng pangamba kasi may problema siya. Ayoko lang na dumagdag pa sa iisipin niya."

"Kaya hanggang sa nakauwi siya ay hindi mo nasabi?" Tumango ako bilang sagot.

"Ayun, naunahan ka." Aniya, muli akong tumango.

"Pinuntahan ko siya kanina pero ayaw niya akong makita. Hindi niya ba alam 'yung nararamdaman ko? Sobra ko na kaya siyang miss tapos ganon pa ang mangyayari."

"May idea ka ba kung sino ang nag send sa kanya?"

Bigla kong naalala si Ivana, magkasama sila ni Abo kanina. Hindi ko alam kung bakit sila magkasama. Nakakainis! Lalo na kapag naalala ko ang itsura nilang dalawa kanina, talagang hinayaan niya lang na nakalingkis si Ivana sa kanya kahit na nakikita ko? Ano 'to, gaguhan? Kung sabagay, nakita niya rin naman ako kasama si Bentley pero kahit na! Parang gantihan ang nangyayari.

"Wala," buntong hiningang sabi ko. "Lumala pa no'ng nakita niya kami ni Bentley na magkausap kanina. Nakipagkita lang naman ako kay Bentley kasi gusto ko siyang kausapin, gusto ko siyang pahintuin kung anong kahibangan niya." Dugtong ko.

Sawyer Series#2: Here's your Perfect (Completed)Where stories live. Discover now