57

120 3 0
                                    

Chapter 57

   
     Nakangiti kong inunat ang aking parehas na kamay. Sinimulan ko nang ayusin ang mga gamit ko, tinignan ko si Zev na nakasimangot. Mahina akong natawa kaya sinamaan niya ako ng tingin.

"Huwag ka ngang tumawa diyan, lalo lang akong naaasar." Inis niyang sabi.

Tapos na ako sa pag aayos ng gamit, sinara ko na ang bag ko, umayos ako ng upo paharap sa kanya.

"Sa dami dami ba naman kasi ng pwede mong sabihin, bakit iyon pa?" Natatawang tanong ko sa kanya.

"Hindi ko alam, ok. Natataranta ako no'ng araw na 'yun." Aniya.

Muli akong natawa.

"Unexpected naman kasi ang ginawa mo, talagang binigla mo e."

Sumimangot siya sa akin. "E hindi na natin siya makakasama next school year, alam mo naman na graduate na 'yang ex mong pa fall." Halata sa tono niya ang inis, hindi ko tuloy maiwasan ang matawa.

"Kulitin mo, parang may something e." Sabi ko, tumayo na ako. Kinuha ko na ang bag ko at sinuot ito.

"Huwag mo 'kong bigyan ng pag asa, please lang. Sasabunutan kita." Tumayo na rin siya at kinuha na ang bag.

Sabay kaming lumabas ng room. Today is our last day of school, nakakatuwa at ang sarap lang sa pakiramdam na natapos namin ng maayos ang taon na 'to. Second year na kami sa pasukan, onting push na lang.

"Uuwi ka talaga sa inyo?" Tanong ko kay Zev.

Hindi ako masusundo ni abo dahil may kailangan siyang tapusin. Ayos lang naman, dahil siya ang naghatid sa akin kanina pero kotse ko ang ginamit.

Tumango ito." Oo, baka gerahin na ako ng nanay ko kapag hindi pa ako nagpakita sa kanya." Aniya sabay tawa.

"Layo mo naman kasi e,"

Uuwi siya ng Singapore, dahil naroon ang mga magulang niya. Hindi ko alam na taga doon pala siya, mas pinili niya lang na mag aral dito sa pilipinas.

"Para namang hindi tayo magkikita sa susunod na pasukan, mag papamiss lang ako sa'yo. Kelangan ko rin ng time to move on."

Hindi ko napigilan ang tumawa ng malakas dahil sa sinabi niya, sinamaan niya ako ng tingin. Gustuhin ko mang pigilan ang tawa ko ay hindi ko magawa.

"Nakakainis ka na Charlotte a, lagi mo 'kong pinagtatawanan. Kung tinulungan mo 'ko sa kanya, edi mas masaya."

Ngumisi ako." Kung wala kaming issue ay tutulungan kita, pero alam mo naman na pinagseselosan siya ni abo." Sabi ko.

Sumimangot ito. "Tsh, ganda mo kasi e."

I flipped my hair. "Sorry, eto lang ako."

May nagsundo sa kanya, kaya naman ay sumakay na ako sa sasakyan ko. Bago ko paandarin ay kinuha ko na muna ang cellphone ko, sakto ang tumatawag si abo.

"Hi," nakangiti kong sabi kahit na hindi niya kita.

"Where are you?" Tanong nito.

Kinonnect ko sa sasakyan ang tawag para maka alis na ako.

"Kakalabas ko lang ng school, pauwi na."

"Can I see you? I just missed you, babe."


Hindi ko napigilan ang ngiti sa labi ko.

"I miss you too. Sige, pupunta na ako diyan."

Sawyer Series#2: Here's your Perfect (Completed)Where stories live. Discover now