34

171 4 1
                                    

Chapter 34

   Hininto niya ang kanyang sasakyan sa isang mamahaling restaurant. Kapag kasama mo talaga si abo ay mamumulubi ka. Nanlilibre rin kaya siya sa mga kaibigan niya?

Nauna siyang lumabas ng sasakyan. Bago ko pa mahawakan ang lock ay naunahan niya na ako. Isang ngiti ang binigay ko sa kanya nang makababa ako.

"Masarap dito?" tanong ko sa kanya, nilingon ako nito. Pinulupot nito ang kanyang kamay sa aking bewang. Nagsimula na namang bumilis ang pintig ng dibdib ko.

"Yes, it's my dad's restaurant."

Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya. Nang tignan ko ito ay may pang asar ng ngisi sa kanyang labi, what does it mean? Nandito ba ang kanyang papa? Paano kung makita ako na kasama siya? Anong iisipin non?

"Is he there?" tanong ko sa kanya, he hold my hand. Humigpit ang hawak niya sa kamay ko.

"Yep,"

May kung anong kaba akong naramdaman sa aking dibdib. Ipapakilala niya ba ako? Sa anong paraan niya naman ako ipapakilala?

"Relax, he's not that strict." aniya, nakangiti ito sa akin. Kahit papaano ay nabawasan ang kabang nararamdaman ko.

Ipapakilala niya nga ako!

Naglakad na kami papasok sa loob, agad siyang binati nang mga nagtatrabaho. Isang tipid na ngiti ang binibigay ko sa kanila, hindi katulad sa company ni Abo ay mas magandang reaksyon ang binibigay nila sa akin.

"Your dad is waiting," sabi nang lalaking sumalubong sa amin. Medyo matangkad siya kay abo pero konting diperensya lang naman.

"Thanks bud." sabi ni abo sa kanya.

Tumango naman ang lalaki sa kanya, nginitian ako nang lalaki kaya ganoon din ang ginawa ko.

"He's my dad's secretary." sabi ni abo sa akin, naglalakad kami papasok sa loob ng kitchen nila, may ilang empleyado na pinapanood kami.

"Talaga? He looks young." sabi ko, mukang ka edad lang siya ni abo.

"Were in same age." aniya, tumango na lang ako sa kanya.

Huminto kami sa isang puting pintuan, kinatok niya na muna ito bago buksan ang pinto. Isang babae at lalaki ang bumungad sa amin ng mabuksan ni abo ang pinto, ang kabang nararamdaman ko kanina ay mas lumala na ngayon.

I know her mom's face! Nakita ko na ito no'ng birthday nila Tasha.

"Mom," ani abo sabay lapit sa ina, dahil hawak niya ang kamay ko ay pati ako ay napalapit sa kanila.

Hindi ko alam kung anong klase nang ngiti ang binigay ko sa mag asawa. Nakangiti na ang ama ni Abo pero ang kanyang ina ay walang reaksyon. Hindi kaya ay ayaw niya sa akin? Teka, wala pa naman akong ginagawa a.

"You're scaring her mom," sabi ni abo sa ina, iniwas nito ang tingin sa akin at binalik sa anak.

"She's Charlotte, my girlfriend." pagpapakilala ni abo sa akin. Girlfriend? Hindi ko pa siya sinasagot a! Advance niya naman. Pero kung sabagay, doon din naman papunta.

"Good afternoon po." nahihiyang sabi ko sa kanila.

Inextend ng daddy ni abo ang kamay nito sa akin kaya naman ay walang alinlangan kong inabot ito.

"How old are you iha?" tanong nito sa akin.

"20 po," sagot ko.

Binitawan nito ang kamay ko, pinulupot nito ang kamay sa bewang ng asawa. Napangiti ako. Sa kanya nagmana ang anak niya.

Sawyer Series#2: Here's your Perfect (Completed)Where stories live. Discover now