03

242 6 0
                                    

Warning :
Marami kayong mababasang mga mura dito because of the personality of the characters. If you don't want this kind of story you can stop reading this.

Thankyou!

Chapter 03

   Isang ingay mula sa bibig ni Marie ang nagpadilat ng mga mata ko. Inikot ko ang paningin ko, pamilyar sa akin kung nasaan ako. Nasa kwarto ako ni Lyka, wala akong maalala kagabi! Ano bang nang yari?

"Inang alak 'yan," tinignan ko si Lyka na nakahawak sa kanyang ulo, gusto kong matawa dahil sa itsura naming tatlo. Lahat kami ay nasa sahig samantalang ang malawak na kama ni Lyka ay walang nakahiga, sobra siguro ang kalasingan naming tatlo kagabi at dito na kami nakatulog sa sahig.

"Wala akong maalala," sabi naman ni Marie, nakaupo na ito ngayon sa kama, ang dalawang kamay ay nakahawak na rin sa ulo.

Tumayo ako at naghanap ng maiinom, buti na lang at may freezer si Lyka sa kwarto niya, kumuha ako ng isang bottled water at tinungga ito. Ang sarap, sobrang lamig.

"10 per bottle," sabi ni Lyka sa akin, kumuha ako ng dalawa saka pabatong binigay sa kanila.

"Lul," sambit ko, umupo ako sa tabi ni Marie, kahit pagbukas ng bote ay hindi niya pa magawa. Bumuntong hininga ako saka kinuha at binuksan ito, ngumiti ito ng tipid sa akin ng iabot ko sa kanya ang boteng nakabukas na.

"Nasaan si Cali?" tanong ko sa kanya.

"Maaga siyang umuwi kagabi, may simba kasi sila kaya kailangan maaga ay nakauwi na siya." sagot nito sabay tungga sa boteng hawak niya.

"Nakalimutan ko ang pangalan ng pinsan ni Cali, ang bagal kasi e." sabi ni Lyka, nanatiling nakaupo ito sa sahig. May carpet naman kaya ayos lang.

"Calix ang pangalan non," sabi ni Marie sa kanya.

"Gwapo sana mabagal lang," umiiling na sabi ni Lyka, mahina akong natawa.

"Tanga," sabi ni Marie.


"Bakit, nakarami ka ba kagabi?" angat kilay na tanong ko sa kanya, ngumisi naman ito sa akin. Binato ko sa kanya ang unan na nahawakan ko, malakas naman itong tumawa.

Sa aming tatlo ay siya lang ang di na birhen, ewan ko ba diyan, ginawa niyang hobby ang makipagkainan sa iba't ibang putahe.

"Tanga, paanong makakarami e kasama ko kayo." irap matang sabi nito sa akin.


"Sus, panay paalam ka kaya. Sign na 'yon na makikipagkainan ka," natatawang sabi ni Marie sa kanya.

"Magkainan na rin kasi kayo," sabi ni Lyka sa kanya, humagalpak kaming dalawa ni Lyka dahil sa sinabi niya, ang itsura ni Marie ngayon ay pikon na.

"Ewan ko sa inyo," pikon na sabi nito.


"Teka, hindi umuwi si Abo kagabi 'di ba?" tanong ko kay Lyka, alam ko ay dito rin sila natulog sa bahay nila. Ano'ng oras na kasi natapos ang party kaya nakakatamad ng umuwi kapag ganoong oras.

"Oo, baka nas----

Hindi ko na inantay na matapos si Lyka sa sasabihin niya, agad akong lumabas ng kwarto niya at bumaba para tignan kung nasa sala na ba ito o kusina, habang naglalakad ay inayos ko ang buhok ko. Inamoy amoy ko pa ang hininga ko, nakakahiya naman kasi kung maamoy niya ang hininga kong amoy alak.

"Good morning," nakangiting sabi ko kay Abo ng makita ko ito, mag-isa lang ito habang nagsasalin ng tubig sa basong hawak. Sinulyapan ako nito pero agad ding binalik ang atensyon sa baso.

Sawyer Series#2: Here's your Perfect (Completed)Where stories live. Discover now