45

133 4 0
                                    

Chapter 45

   Nakangiti ko inunat ang aking parehas na kamay. Atlast ay tapos na rin ang exam namin ngayon, pwede na kaming mag chill nito mamaya.

"Oy ano, tuloy ba tayo?" Tanong ni Zev sa akin, medyo marami siyang inaya kaya kampante ako.

"Oo, ngayon diba?" Balik tanong ko sa kanya. Tumango siya saka ngumiti sa akin, tumayo ito. Sinundan ko siya ng tingin. Kinausap na nito ang mga kaklase namin na sasama sa inuman. Napailing na lang ako habang nakangiti.

"Sasama ka?" Tanong ni Bentley sa akin, tumango ako sa kanya. Wala naman na akong ilang na nararamdaman sa kanya.

"Oo,"

Inumpisahan ko nang ayusin ang mga gamit ko. Tapos na ang exam namin ngayon at saktong sabado bukas, walang pasok kaya malaya kaming makakapag inom mamaya.

"Pinayagan ka ni Hudson?" Napahinto ako sa ginagawa dahil sa tanong niya, ano naman sa kanya kung pinayagan ako?

"Oo naman."

"Kahit na alam niyang kasama ako?" Agad na tanong nito, hindi ko alam kung bakit bigla akong nakaramdam ng inis. So ano ang gusto niyang palabasin?

"Bakit, kailangan ba ay hindi siya pumayag dahil kasama ka?" Angat kilay na tanong ko sa kanya, agad siyang nag iwas ng tingin sa akin. Bumuntong hininga na lang ako at pinagpatuloy na ang ginagawa.

"Sa may the fort daw tayo," sabi ni Zev sa akin, inuumpisahan niya nang ayusin ang mga gamit niya.

"G ako kahit saan." Sambit ko.

Tumigil ito sa pag aayos, kumunot ang noo ko ng tumingin ito sa akin. Anong problema nito?

"Ano?" Tanong ko sa kanya.

"Nagpaalam ka na ba? Baka mamaya ay bigla kang sunduin," mahina akong natawa dahil sa sinabi niya.

"Oo, nagpaalam ako at hindi niya ako susunduin ngayon." Sabi ko, busy si Abo ngayon dahil nga ay sasama siya sa pag uwi sa spain.

"Ah ok,"

Tinignan ko ang cellphone ko ng makitang umilaw ito, agad kong sinagot ang tawag ng makitang si abo ito. Lumabas na muna ako ng room dahil maingay sila sa loob.

"Hi," nakangiti kong sagot. Bigla kong namiss ang boyfriend ko kahit na nagkita naman kami kanina.

"Hey, tapos na exam?" Tanong nito.

"Yas. Uwian na rin namin."

Naririnig ko ang boses ni Andres sa paligid niya, kahit boses ni Tasha. Nasaan sila?

"Where are you?" Tanong ko.

"Airport. Sorry, hindi ko nasabi agad na ngayon kami pupuntang spain." Aniya, bigla akong nakaramdam ng lungkot. Pero mas mabuti nang hindi niya sinabi sa akin, dahil mas lalo akong malulungkot.

"Ilang linggo kayo?" Tanong ko.

"I'll stay here for one week."

"Alright. Take care, diretso kami sa the fort ngayon. Iyong paalam ko sa'yo nakaraan." Kinakabahan ako, hindi ko alam kung bakit.

"Just take care, Charlotte. Hindi mo ako kasama." Napangiti ako sa sinabi niya.

"I will. Hihintayin kita. I love you."

"I love you, too."

Nakangiti kong binaba ang tawag. Pero agad akong nalungkot ng isipin na mawawala si abo ng isang linggo. Kaya ko ba 'yun? Isang linggo lang naman pero ang hirap! Isang araw pa nga lang na hindi kami nagkikita ay nahihirapan na ako, paano pa kaya kapag isang linggo?

Sawyer Series#2: Here's your Perfect (Completed)Where stories live. Discover now