54

108 2 0
                                    

Chapter 54

    "Are you ok?"

Nabigla naman ako sa tanong ni abo, nilingon ko siya. Ngayon ko lang napansin na nakahinto na ang sasakyan sa parking, kung saan saan tumatakbo ang isip ko!

"Huh?" Nagtatakang tanong ko.


"Kanina ka pa wala sa sarili, ayos ka lang ba?"


Huminga ako nang malalim, hindi ko alam kung sasabihin ko ba sa kanya 'yung nangyari kanina, hanggang ngayon ay hindi ko pa rin ma absorb ang mga sinabi ni lola sa akin.

"Oo naman. Akala ko ba ay kakain muna tayo?" Iyon kasi ang sinabi niya kanina, kakain daw muna kami.


"I prefer to cook, is that ok?" Aniya, nakangiting tumango naman ako sa kanya.

Bumaba na siya ng sasakyan, binigyan ko siya ng isang ngiti ng pagbuksan niya ako ng pintuan. Agad niyang hinawakan ang kamay ko at sabay kaming naglakad. Hindi ko alam kung paanong sasabihin sa kanya ang nangyari kanina.

They gave me options, pero parehas na mahirap gawin. Anumang desisyong gagawin ko ay masasaktan at masasaktan si abo.

"Is there something wrong? Kanina ka pa tahimik. May nangyari ba?" Halata sa tono niya ang pag aalala.

"Pagod lang, pero ok lang ako." Sabi ko.


"You sure?" Paninigurado nito.


"Yes po."

Sa unit niya kami dumiretso, alas syete na nang gabi. May morning class ako bukas, hindi na lang siguro ako magpupuyat ng masyado mamaya.

"What do you want to eat?" He asked.

Hindi ako nagugutom pero ayokong sabihin sa kanya, baka mamaya ay magtanong na naman siya.

"Ahm, kung ano na lang iluluto mo." Nakangiti kong sabi sa kanya, hindi siya ngumiti sa akin. Tinignan niya ako, nag iwas ako ng tingin sa kanya.

"Alright, wait me there." Seryosong sabi niya. Nakahinga ako ng maluwag ng magtungo na siya sa kusina, nilapag ko ang bag ko sa sofa saka naupo, kinuha ko ang isang unan at nilagay sa ibabaw ng hita ko.

Binuksan ko ang tv para ma distract ako, hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin ang sinabi ni lola sa akin. Hanggang ngayon ay hindi ko alam kung paanong sasabihin kay abo, ayokong masira ang gabing ito pero mas ayokong maulit ang mangyari nakaraan na hindi ko agad nasabi sa kanya.

Huminga ako nang malalim saka tumayo, dahan dahan akong naglakad papunta sa kusina. Naabutan ko si abo na naghihiwa ng mga rekados, nakasuot siya ng apron kaya napangiti ako, ang gwapo talaga.

Naramdaman ko ang pagkabigla niya nang yumakap ako sa kanya mula sa likuran niya, ramdam na ramdam ko ang matigas niyang likuran.

"Why?" Mahinang tanong niya, nagpatuloy siya sa paghihiwa.

Umiling ako."Wala naman po, gusto lang kitang yakapin."

Hininto nito ang paghihiwa saka humarap sa akin, nag angat ako ng tingin sa kanya. Gaya nang dati, gusto kong iiwas ang paningin ko sa kanya pero hindi ko magawa, masyadong nang aakit ang kanyang mga tingin, masyadong nakakalunod.

"You want to tell me something?"

Hindi ko alam kung bakit bigla na lang akong naluha dahil sa sinabi niya, ramdam ko ang pagkataranta niya kaya yumakap ako sa kanya. Sunod sunod na sa pagtulo ng mga luha ko.

Sawyer Series#2: Here's your Perfect (Completed)Where stories live. Discover now