07

175 7 0
                                    

Chapter 07
 
    Kanina pa ako dito pagulong-gulong sa higaan ko. Ala una na nang madaling araw pero hindi pa rin ako makatulog. Buti na lang at wala akong pasok ng weekend, hindi ko kailangan na gumising ng maaga kaya pwede akong mag puyat.

Inis akong umupo saka kinuha ang cellphone ko, napanguso ako ng makitang hanggang ngayon ay hindi niya pa rin i-na-aacept ang friend request ko, napakadamot naman niya. Hindi ko tuloy makita kung nakaopen siya o hindi. Nahihiya naman akong itext siya, nakakahiya ang nangyari kagabi!

Muntikan ko ng mabitawan ang cellphone ko ng biglang tumunog ito. Nanlaki ang mata ko ng makitang tumatawag si Abo, tatlong ring na ang nakalipas bago ko ito sagutin.

"He--hello?" nauutal na tanong ko, kinakabahan ako! Kahit hindi naman dapat. Damn it!

"Did I wake you up?" napapikit ako ng marinig ang boses niya, did he sing? Ang ganda ng boses niya!

"Ahm no," kagat labing sagot ko, narinig ko ang malalim na paghinga nito. May problema ba siya, tunog problemado siya.

     

"I just want to hear your voice." halos mapunit na ang kumot dahil sa higpit ng pagkakahawak ko, damn! Ang aga niyang magpakilig a, paano pa ako makakatulog nito?

"Tsh, pakipot ka pa e, no? Miss mo lang naman ako." walang hiyang sabi ko sa kanya, nagpapagaan lang ng atmosphere. Bakit ba?

"Yeah." pakiramdam ko ay magsusugat na ang ibabang labi ko dahil sa sobrang pagkakadiin ng kagat ko rito, shems! Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko, mabilis kong iniling ang ulo ko. No, hindi pwede.

"Pero hindi mo ako sinipot kanina," kunyaring nagtatampong sabi ko sa kanya. Nagtatampo talaga ako, hindi ko pa rin iyon makalimutan.

"I'm just busy. Matulog ka na. Good night." napanguso na lang ako ng hindi man lang niya ako inantay na makapagsalita. Binaba ko ang cellphone ko at nilagay ito sa bed side table. Nakangiting humiga ako at tinaklob ang kumot sa buong katawan ko, kasama na ang mukha! Mahina ako ng tumili habang pinapadyak ang paa.

Nakikisabay ang panahon sa akin!

Kinabukasan ay maaga akong nagising, kahit na anong oras na akong nakatulog. Naligo na muna ako bago lumabas ng kwarto, balak ko kasing pumunta kila Lyka, dahil hindi naman makakasama si Marie dahil bebe time kapag weekends.

"Aga natin a," nakangising sabi ni ate ng makita ako, inismiran ko lang siya saka lumapit kay mama para humalik sa kanyang pisngi.

"Gagala lang 'yan kaya maaga nagising," sabi naman ni Ingrid, bakit ba trip nila ako ngayon? Gaya ng ginawa ko kay ate ay inismiran ko lang ito, masyadong maganda ang araw ko ngayon para magpa apekto sa kanila.

"Gagala ka na naman?" si mama naman ang nagtanong.

"Pupunta lang ako kila Lyka," sagot ko, tinulungan ko si mama na mag-ayos ng mga pinggan dahil ang dalawa ay nakatunganga na sa TV, ang aga aga panonood agad ang inaatupag.

Napatingin ako sa pinto ng cr ng biglang bumukas ito, bahagyang nanlaki ang mata ko ng makita si papa na lumabas doon. Bakit nandito siya? Wala siyang pasok? Ang alam ko kahit weekend ay may pasok siya.

May hinagis si papa sa akin pero hindi ko ito nasalo, yumuko ako para kunin ito. Nanlaki ang mata ko ng malaman kung ano ito, isang susi! At alam kong susi ito ng isang unit.

"Tatlong kwarto ito pa?" tanong ko sa kanya, tanging pag tango lang ang sagot nito. Ngumiti ako ng malaki saka lumapit sa kanya para yakapin siya, mahinang pinalo niya naman ang kamay ko. Napahigpit ata ang pagkakayakap ko sa leeg niya.

Sawyer Series#2: Here's your Perfect (Completed)Where stories live. Discover now