62

104 3 1
                                    

Chapter 62

   Huminga ako nang malalim bago tawagan si abo, siguro naman ay hindi na siya busy ngayon. Nabigla ako ng isang ring pa lang ay sinagot niya na ang tawag, agad kong napansin ang namumungay niyang mga mata.

"Hi,babe." Matamlay niyang sabi, may kung anong pumasok sa isipan ko. Masyado ba siyang napagod? Ano ang ginawa nila at bakit pagod na pagod siya?

Nababaliw na ako!

"What's wrong?" Kunot noong tanong nito sa akin.

Kinuha ko ang cellphone ko, kausap ko siya ngayon sa laptop ko. Huminga ako nang malalim bago ipakita sa kanya ang picture, kumunot ang noo nito nang makita ang picture.

"Anong ibig sabihin nito?" Malamig na tanong ko sa kanya.


"What's that? Who send you that?" Seryosong tanong niya, nagkibit balikat ako. Pinatay ko ang cellphone ko at tinabi.

"So, anong ibig sabihin non, Hudson?"

"Naniniwala ka doon?" May kung anong bigat akong naramdaman sa dibdib ng itanong niya sa akin 'yun. Nag iwas ako ng tingin, tiningala ko ang ulo ko para pigilan ang nagbabadyang mga luha.


"Kaya nga nagtatanong ako sa'yo." Mahinang sambit ko.

"Who send you that?" Malumanay niyang tanong.


"I don't know, someone message me on IG. Iyan ang sinend."


Narinig ko ang pagbuntong hininga niya.


"Someone set me up, babe. Believe me, ok? Hindi ko kayang gawin 'yan sa'yo, hindi ko na rin nakikita si Ivana."

Nagkaroon ng gaan sa dibdib ko dahil sa paliwanag niya. Tama nga si Zev, kailangan ko na muna siyang kausapin bago magdesisyon.

"Charlotte, talk to me, please? Ayokong nagkakaganito tayo, lalo na at magkalayo tayong dalawa."halata ang pagsusumamo sa boses niya.

Pinahid ko ang pisngi ko nang may tumulo na luha doon, nag iwas ako ng tingin sa kanya. Ayoko talagang makita niya akong umiiyak.

"Babe? Stop crying please? Wala ako diyan para yakapin ka at punasan ang mga luha mo. I'm sorry." Malungkot na sabi niya.


"I'm sorry, hindi ko lang mai—

"Hudson? Are you there?"


Kumunot ang noo ko nang may narinig akong nagsalita sa paligid niya, tinignan ko ang reaction ni abo. Nakakunot ang noo nito, nagtataka.

"May kasama ka ba?" Tanong ko.


Nanlaki ang mata ko nang biglang nahagip ng camera si Ivana, naka bath robe lang ito. Akala ko ba?

"Fuck!"


Mahina akong natawa nang bigla na lang namatay ang tawag. Nanghihina kong tinabi ang laptop ko, gusto kong magwala, gusto kong sumigaw. Tangina! Nagsisinungaling si abo sa akin? Bakit? Kelan pa?

Mababaliw na ako!!


Hindi ko namalayan na nagsimula na naman tumulo ang luha ko, hanggang sa tuloy tuloy ang pag agos nito. Niloloko ako ni Hudson? Hindi ko matanggap!


Pinunasan ko ang pisngi ko, tinignan ko ang cellphone ko dahil umilaw ito. Kinuha ko ito at nakita ang sunod sunod na messages ni abo.

Abo:
Babe, answer my call! Please?

Sawyer Series#2: Here's your Perfect (Completed)Where stories live. Discover now