64

106 3 1
                                    

Chapter 64

    Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko nang makalabas ako ng airport. Agad na tumama sa akin ang init na simoy ng hangin, totoo na 'to, nandito na ako sa pilipinas.

"Charlotte!!!"

Mabilis kong nilingon ang tumawag sa akin, ganon na lang lumaki ang ngiti ko at mabilis na nilapitan ang dalawa. Agad silang yumakap sa akin, mahina akong natawa. Nasasakal ako!

"Teka lang, nasasakal ako." Natatawang sabi ko, ilang segundo pa ang lumipas bago sila humiwalay sa akin.

"Nakakaganda pala sa new york?" Wala sa sariling tanong ni Lyka sa akin.

"Kahit no'ng wala pa ako sa new york ay maganda na ako," sabi ko sa kanya, inirapan naman niya ako. Walang pagbabago!

"Ay hindi pala, wala man lang pagbabago 'yang ugali mo."

Mahina ko siyang sinabunutan kaya pare parehas kaming natawa. Ngayon ay ako naman ang yumakap sa kanila, hindi ko alam kung bakit bigla na lang may tumulong luha sa aking mga mata. Agad kong pinunasan ito bago nila makita.

"Gaga ka, namiss ka namin ng sobra." Sabi ni Lyka sa akin, kita ko ang pamumula ng mata niya.

"Sa tuwing iinom kami lagi ka naming inaalala," sabi naman ni Marie sa akin. Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko, pati sila ay naluha na din.

"Sobra ko kayong namiss," lumuluha na sabi ko, muli nila akong niyakap.

"O siya, tama na ang drama. Nakahanda na ang mga alak sa unit natin." Sabi ni Lyka, agad naman siyang pinalo ni Marie, natawa naman ako.

"Marami ba?" Tanong ko, sinamaan ako ng tingin ni Marie, parehas na kami ni Lyka ngayon na tumatawa.

"Tara na."

Nauna sila mama na umuwi sa akin, didiretso ako ngayon sa unit namin pero mamaya ay dadaan ako sa bahay. Ang alam ko ay pinaayos nila ang bahay ngayon, sa picture ko lang kasi nakikita.

"Miss ko na sasakyan ko," nakangusong sabi ko.


Sasakyan ni Lyka ang gamit namin, ang dala kong maleta ay nasa compartment ng sasakyan. Si Marie ang nasa tabi ni Lyka samantalang ako naman ang nasa likod.


"Si Ingrid ang gumagamit ngayon 'di ba?" Tanong ni Marie sa akin, tumango naman ako.

"Oo,"


Mahigit isang oras ang byahe namin bago nakarating sa unit. Hindi ko maintindihan ang sayang nararamdaman ko, tatlong taon, tatlong taon ang lumipas. Namiss ko ang lugar  na 'to.

"Hindi namin ginalaw kwarto mo, kaya ang kwartong pinakapanget ay sa'yo," sabi ni Lyka sa akin, paakyat na kami ngayon sa unit namin.

"Sama nang ugali mo, hindi mo man lang nilinisan?" Taas kilay na tanong ko, kahit na alam ko naman na nililinisan nila 'yun.

"Kapal ng mukha mo a, kakalinis nga lang niyan kahapon." Ismid na sabi nito, mahina naman akong natawa.

Hindi ko maiwasan ang mamangha ng makapasok kami sa loob, marami ang nagbago, pati ang kulay ng dingding ay nabago din. Pati ang ilang mga display ay napalitan na din, pati ang mga sofa ay napalitan na din nila.

"Nasaan 'yung mga dati?" Tanong ko, ang alam ko kasi ay no'ng kailan lang nila 'to pinalitan.


"Nasa bahay namin," sabi ni Marie, tumango naman ako.


Sawyer Series#2: Here's your Perfect (Completed)Where stories live. Discover now