63

106 3 1
                                    

Chapter 63

   After three years...

  "Congrats anak," nakangiting sabi ni mama sa akin, niyakap ko silang dalawa ni papa.

"Uuwi ka ba sa pilipinas?"

Nilapag ko ang bag ko sa sofa saka naupo, isang linggo nang narito sila mama sa new york. Dahil kailangan nilang pumunta ngayong graduation ko, hindi nga lang nakapunta ang dalawa dahil sumabay sa graduation nila.

"Pag iisipan ko pa ma," sagot ko.

Marami na agad na opportunity dito sa akin sa new york, kahit no'ng nag OJT pa lang ako ay marami na ang kumukuha sa akin. Kaya hindi ko alam kung magpapatuloy ba ako dito sa new york o itutuloy ko sa pilipinas. Simula nang pumunta ako dito ay hindi na ako nakauwi sa pilipinas, kaya naman ay miss ko nang umuwi dito, lalo na siya. Kamusta na kaya siya?

"Sumabay ka na sa amin ngayon, magbakasyon ka na muna kung dito mo balak na magtrabaho," sabi ni mama sa akin, tumango naman ako sa kanya.

Nagpaalam na muna ako na aakyat na muna sa kwarto, pagpasok ko sa loob ay agad akong nagpalit ng damit na pambahay. Today is my graduation, hindi ko maiwasan ang ngumiti, atlast, tapos na ako mag aral. Haharapin ko na talaga ang reyalidad.

Bigla kong naalala ang mga araw na sobra akong na stress dahil sa pag aaral, muntikan ko pang hindi mapasa ang OJT ko dahil sa dami nang iniisip.

Simula din nang mangyari 'yun ay wala na akong narinig na balita mula sa kanya, hinayaan niya na ako sa desisyon ko, umaasa akong kukulitin niya pa ako pero nalaman ko na bumalik na siya sa pilipinas. Hindi ko maiwasan ang manghinayang, what if hindi ako sumuko? What if pinanindigan namin hanggang dulo, kami pa rin siguro hanggang ngayon, sobrang saya siguro ng puso ko ngayon.

Naramdaman ko ang pamamasa ng pisngi ko kaya natatawa kong pinunasan ito.

"Hanggang kailan ba ako iiyak? Damn, hanggang ngayon ay siya pa din."

Naiwan ako sa salitang, kung hindi siya ay 'wag na lang.

Kamusta ka na mahal ko? Napatawad mo na kaya ako?

Bago pa ako tuluyan na umiyak ay bumaba na ako, may lakad kami mamaya ni Zev kasama ang mga classmate namin. Nag kayayaan sa isang high end bar dito sa new york. Naabutan ko sila mama na nanonood sa sala, nginitian ko ang isang lalaking nakaupo sa single sofa.

"Kanina ka pa?" Tanong ko kay Christian, siya 'yung lalaking dapat na ipapakasal sa akin. Ahead siya sa akin ng isang taon kaya naman ay nauna na itong grumaduate sa akin, no'ng kailan ko lang din siya nakilala.

"Hindi naman," kinuha ko ang flower na inabot niya sa akin. Agad kong naamoy ang mabangong amoy nito.

"Uy, salamat." Sabi ko.

"Sorry at hindi ako nakapunta sa mismong graduation mo," aniya, mahina naman akong natawa.

"Ok lang baliw, sinabi ko naman na sa'yo 'di ba?" Natatawang sagot ko, nagkamot naman ito sa ulo.

"Siguro kung pinili mo na magpakasal sa kanya ay masaya na siguro kayo, o baka naman ay may apo na ako." Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi ni lola, sila papa naman ay natatawa.

"Lola naman!" Saway ko sa kanya, inangatan niya ako ng kilay.

"O bakit? Totoo naman ang sinabi ko," irap matang sabi niya sa akin, nginusuan ko na lang siya. Tinignan ko si Christian na nakangisi sa akin, inirapan ko siya saka hinila papunta sa kusina.

"Nakikisali ka pa," kunyaring naiinis na sabi ko sa kanya.

Naging maayos na ang treatment namin lola sa isa't isa, nakakatakot pa rin siya pero hindi na ganoon katulad ng dati, kung dati ay hindi namin siya nabibiro, pero ngayon ay nakikisama na siya sa amin. Naging maayos na din ang kompanya ni papa, kaya naman ngayon ay pagala gala na lang sila ni mama.

Sawyer Series#2: Here's your Perfect (Completed)Where stories live. Discover now