44

128 2 2
                                    

Chapter 44

   Inayos ko muna ang sarili ko bago ko buksan ang unit ni abo. Isang hingang malalim ang pinakawalan ko saka pumasok. Thirty minutes lang naman akong nawala pero tingin ko ay nakatulog na siya. Madilim na sala ang bumungad sa akin. Tinignan ko siya sa sofa pero wala na siya doon. Nakabukas ang pintuan ng kwarto niya kaya naman ay dahan dahan akong naglakad papasok doon, and there he is, mahimbing na natutulog.

Inayos ko ang kumot sa kanya. Nakangiti ko siyang pinagmamasdan. Ang sarap siguro sa pakiramdam kapag ganyang mukha ang makikita mo bago ka matulog. Napaatras ako ng biglang dumilat ito.

"Tagal mo," nakangusong sabi nito. Mahina akong natawa, umurong ito. Nagdadalawang isip pa akong humiga doon, wala naman kaming gagawin. Matutulog lang.

"May inasikaso pa ako," sabi ko.


Inayos nito ang kumot sa akin, nanigas ang buong katawan ko ng yakapin ako nito. Ito ang unang pagkakataon na magkatabi kaming matutulog. Ito rin ang unang beses nang yakapin niya ako ng ganito.

"Paano ka nagpaalam?"


Bigla ko tuloy naalala ang ginawa kong paalam sa dalawa kanina. Mahina akong natawa, umayos ako paharap sa kanya. Ngayon ay ramdam ko na ang mainit na paghinga nito, nakapatong na sa kanyang braso ang aking ulo.

"Nag isip lang sila ng kung ano ano," sambit ko.


Napapikit ako ng marahan niyang haplusin ang buhok ko.  Mapupungay na mga mata ko siyang tinignan, ngumiti ito sa akin kaya ngumiti din ako sa kanya.

"I want to do this everynight." Aniya.

Ako din abo.


Naramdaman ko ang mabigat na paghinga ni Abo, dahan dahan ko siyang tinignan. Mahimbing na ang tulog nito, ang bilis naman ata niyang antukin. Umayos ako ng higa at niyakap siya, ipinikit ko na ang mata ko habang may ngiti sa labi.


Nakangiti kong tinanggap ang test paper galing kay Zev, nakasimangot naman ito sa akin kaya naman ay mahina akong natawa.

"Bakit ang saya mo ngayon?" Curious na tanong nito.


"Wala naman," sabi ko. Kumunot ang noo niya, hindi ko na siya pinansin at nag focus na sa exam. Ngayon na ang umpisa ng midterm exam namin. Dapat ay kasama ko si Andres ngayon pero umuwi ito ng spain, ang balita ko ay doon na sila mag aaral.

"Asan na si Andres?" Tanong ko kay Aivan na nasa gilid ko.

"Nakabuntot kay AJ," aniya.

Bigla akong nakaramdam ng lungkot para sa kanilang dalawa. Maagang mapuputol ang masayang relasyon nila, maghihiwalay ba sila o ipagpapatuloy pa rin nila ang relasyon nila?

"You may start now class."

Maayos akong umupo, nakapag review naman ako kahit papaano. Siniguro ko talagang may pumasok sa isip ko habang nagrereview.


"Pakopya ako," mahinang bulong ni Aivan sa akin. Inirapan ko lang siya, mas matalino pa nga siya sa akin. Kahit na ganyan siya ay mas mataas ang mga scores niya sa akin.

Tatlong exam ang tinake namin ngayong araw. Mahigit limang oras kaming nag take, inunat ko ang dalawang kamay ko. Madilim na ang kalangitan ng silipin ko sa labas.

"Nakakatuyo ng utak," sabi ni Zev sa akin, nakanguso ito habang nakahalumbaba.


Wala na si Aivan dahil isang subject lang naman kaming magkaklase, kaya isang exam lang naman ang tinake niya dito sa room.


Sawyer Series#2: Here's your Perfect (Completed)Where stories live. Discover now