06

191 6 0
                                    


Chapter 06

   Inunat ko ang dalawang kamay ko saka humikab. Atlast, tapos na ang klase. Today is friday, kaya naman may kaba akong nararamdaman at hindi ko alam kung para saan.

Naramdaman ko ang pagtunog ng cellphone ko kaya kinuha ko ito, isang message ang natanggap ko kay Abo, hanggang ngayon kasi ay hindi niya pa rin i-na-aacept ang FR ko sa fb, ang damot e. O baka hindi lang talaga siya nagbubukas? He's a busy person after all.

Abo:
  Can't meet you rn. Lot papers need to sign.


Agad bumagsak ang balikat ko dahil sa message niya. Tinignan ko ang suot ko, pinaghandaan ko 'to para sa kanya tapos hindi  niya ako sisiputin? Nakakainis siya a!

Ako:
   Ok.

Inis kong binalik ang cellphone ko sa bag saka padabog na umupo, agad akong nilingon ng dalawa. Mas lalo akong sumimangot sa kanila.


"Sabi na e," natatawang sabi ni Lyka sa akin, inirapan ko naman siya.


"Hindi ka sinipot ng date mo? Nakakaawa ka naman," dagdag pa nito. Napabuga na lang ako sa hangin, bakit ba apektado ako? Dapat ay hindi e, pero...siya kasi 'yong unang di nanipot a, nakakababa ng pride!


"Chat mo si Maverick, sa kanya ka na lang makipagdate." natatawang sabi ni Marie sa akin, ngumiwi lang ako sa kanya pero kinuha ko ang phone ko. Chineck ko kung may message ba siya.

Maverick:
   Hi, you busy today?

Biglang nawala ang inis na nararamdaman ko ng mabasa ang message niya. Kung hindi makikita ni Abo ang effort ko edi sa iba ko ipapakita, kala niya a. Hindi lang s'ya ang gwapong nakakausap ko no.

Ako:
   Katatapos lang ng klase.

Maverick:
  Ow, really? Edi pwede kang gumala?


Agad kong pinakita sa dalawa ang message ni Maverick sa akin, sinabunutan naman ako ni Lyka samantalang natatawa naman si Marie habang nailing.

"Dami mo reserba," sabi ni Lyka sa akin.


"Ayos na 'yon, kesa naman sa'yo. Pinagsasabay mo," irap matang sabi ko sa kanya.

"The more the merrier," aniya, nginisihan ko na lang siya.

Ako: 
   Of course.

Maverick:
  So, can we meet?

Ngumisi ako bago nagreply sa kanya.

Ako:
  Sure.

Maverick:
  Ok, see you later.


Hindi na ako nag reply at tinago na ang cellphone. Wala akong balak na ayain ang dalawa kaya mag-isa akong pupunta sa UP town, kaso lang ay mag-co-commute ako!

"Mauna na ako sa inyo," paalam ko sa dalawa sabay tayo, sinabit ko na ang bag ko sa balikat ko.

"Isusuko mo na?" tanong ni Lyka sa akin, mahinang hinampas siya ni Marie kaya naman natawa ako.


"Huwag mo 'ko itulad sa'yo, Lyka." natatawang sabi ko sa kanya.

"Sus,"


Kumaway na lang ako sa kanila bago lumabas ng room, mamaya pa siguro sila aalis o may inaantay. Pagbaba ko ay naabutan ko sila Andres, lumaki ang ngisi ko at nagmadaling maglakad palapit sa kanila.

"Babe!" salubong ni Aivan sa akin, umakbay ito sa akin pero this time ay hindi ko tinanggal, nakita ko kasi 'yong babaeng pinapaselos niya, mukang wala namang talab.

Sawyer Series#2: Here's your Perfect (Completed)Where stories live. Discover now