23

169 5 0
                                    

Chapter 23

   "Nagmamadali ka ba?" tanong ni Bentley sa akin, tinignan ko siya sabay iling. "Hindi. Gusto ko lang na matapos na 'to agad." sabi ko sa kanya. Pang limang beses na naming pinapractice ito.

Kasama ni abo ang mommy ni Bentley. Medyo malayo sila, nasa dining sila samantalang kami ay nasa sala. Pero tanaw pa rin naman sila dito, lalo na si abo na may nakakatakot na tingin. Hindi ko alam kung bakit. Hindi ko alam ang pinag-uusapan nila pero panay ang tingin ng nanay niya dito habang nakangisi. Nag iinit ang ulo ko, gusto ko nang umalis dito.

" May lakad ba kayo ni Hudson?"

" Bakit gusto mong malaman?" angat kilay na tanong ko sa kanya.

" I'm just asking, Charlotte."

Inirapan ko siya. Kabisado na namin ang gagawin namin. Inayos ko ang pagkakatali ng buhok ko para hindi ito magulo kapag nagsimula ng i-video ito. Wala pa namang limang minuto ang gagawin namin. Saglit lang talaga siya.

"Mag video na tayo." sabi ni Zev sa amin.

Hinubad ko ang malaking t shir na suot ko. Naiwan ang itim na sports bra sa akin, parehas kami ni Zev ng suot. Ito kasi ang napagkasunduan namin ni Zev, magsasandong itim naman si Bentley.

"Ganyan talaga ang suot nyo? Pwede namang naka t shirt lang." sabi ni Bentley sa amin, inayos ko ang sports bra na suot. Umawang ang bibig nito at nag-iwas ng tingin, ngumisi ako saka umirap sa hangin.

" Eto na ang napagkasunduan. Hindi sana tayo magtagal dahil dito," malamig na sabi ko sa kanya.

"Fine. I'll get my camera."

Sinundan namin siya ng tingin ni Zev, agad lumapit si Zev sa akin. " Para sa'yo talaga ang sinabi niya." sabi nito sa akin.

" Tsh, ayaw niya talaga sa mga ganitong suot." sabi ko sa kanya, ngumisi ito sa akin. Ngumuso na lang ako. Noong kami pa ni Bentley ay isa sa panunuot ko ang lagi naming pinagtatalunan. He didn't know the word 'style' or 'fashion'

Tinignan ko si abo, napatalon ako sa gulat ng makitang nakatingin ito. Seryoso ang kanyang mga mata, ang kanyang daliri ay naglalaro sa kanyang labi. Shocks! Ang hot niyang tignan!

"Kung ganyan ka gwapo ang boyfriend ko, hindi ko na ilalabas ng bahay 'yan. Napakahot e!" bulong ni Zev sa akin, ngumuso ako sa kanya. Kung pwede ko lang siyang ikulong ay ginawa ko na, e ang kaso, hindi naman talaga siya sa akin.

"Let's start." umayos kami ng dumating si Bentley, dala na nito ang camera niya. Inayos na nito ang camera, naghanap siya ng magandang anggulo para maganda ang pagkakakuha.

" Ikaw na..." bulong ni Zev sa akin.

Nasa gitna namin si Bentley dahil siya lang naman ang nag-iisang lalaki sa amin. Hindi ko alam kung may grades ba siya dito o ano, hindi naman kasi talaga siya nag-aaral.

Nakaramdam ako ng hiya ng lumapit si Abo, umupo ito sa sofa habang mag kakrus ang dalawang braso. Napalunok ako ng mariin dahil sa nakakaintimate niyang mga tingin, Shocks! Maling mali na pinasama ko siya!

"Shy?" nang-aasar na tanong ni Zev sa akin.

"Manahimik ka nga,"

"Namumula ka." natatawang sabi nito, hindi ko na siya pinansin.

.

"Game."

Huminga ako ng malalim bago kumilos. Hindi ako dancer kaya sobra ang kahihiyan na nararamdaman ko ngayon lalo na at nandito si Abo. Pinipilit kong hindi tumingin sa kanya pero hindi ko mapigilan!

Sawyer Series#2: Here's your Perfect (Completed)Where stories live. Discover now