25

185 6 2
                                    

Chapter 25

Pinasadahan ko nang tingin ang sarili ko sa malaking salamin. Black knitted tube self tie crop top with a pair of mom jeans ang suot ko. Puting sapatos naman para sa paa. Kinuha ko ang itim kong sling bag. Nakalugay lang ang buhok ko na kinulot sa ibaba.

Hindi pa nag-re-reply si Abo, kaya hindi ko alam kung sasama ba siya sa amin o hindi. It's ok, marami naman siguro kaming lalaki na makikita doon mamaya.

"Ate! May bisita ka!" sigaw ni Ingrid mula sa labas, kararating niya lang kanina. Nag overnight siya sa bahay ng kaibigan niya. Kumunot ang noo ko. Bisita? Sino ang bisita ko?

"Teka!" sigaw ko din pabalik.

Kinuha ko na ang sling bag ko at lumabas na nang kwarto. Nanlaki ang mata ko ng makita ko kung sino ang bisita na sinasabi ni Ingrid, mabilis kong nilapitan si abo na nakaupo sa sofa. Nasa tabi nito si Ingrid, parehas silang nanonood ng basketball.

"Anong ginagawa mo dito?" takang tanong ko sa kanya, sabay nila akong nilingon. Bigla akong nailang sa uri ng pagtingin ni Abo sa akin, panget ba ang suot ko?

"Hindi pa ba obvious ate? Malamang sinusundo ka!" si Ingrid ang sumagot, inirapan ko ito. Hindi naman siya ang kausap ko, epal masyado e.

Hindi nagsalita si abo, tumayo ito pero ang mata ay nanatili sa akin. Napalunok ako nang mariin. Masyadong nakakalunod ang kanyang mga tingin, nakakalunod na hindi mo gugustuhin na umahon.

"Let's go?" aya nito sa akin ng makalapit siya. Kailangan ko pang mag-angat ng tingin dahil sa tangkad niya.

"Ta--ra." nauutal na sagot ko, nag-iwas ako ng tingin sa kanya ng makita ang ngisi nito.

"Ingat sa date, ate!" sabi ni Ingrid, inambahan ko lang ito. Tumawa ito ng malakas saka umiling sa akin. Shocks!

Binuksan ni abo ang itim niyang sasakyan, ngumiti ako ng tipid bago sumakay doon. May kung anong kiliti akong nararamdaman ngayon sa aking tiyan. Hindi siya nag reply sa message ko. Susorpresahin niya naman pala ako, pero kahit na! Dapat sinabi niya pa rin. Para naman mas lalo akong nagpaganda.

Saktong pag sakay ni abo sa driver seat ang pagtunog ng cellphone ko. Sinagot ko ito ng makitang si Lyka ang tumatawag.

"Saan ka na?" bungad na tanong nito, sinulyapan ako ni abo.


"I'm with abo, Lyka." mahinang sabi ko.

"Fasten your seat belt, Charlotte." nanlaki ang mata ko ng sabihin 'yon ni abo, nakalimutan ko!

"Nakuuu! Lumalandi ka pa Charlotte! Bilisan nyo na, dito sa unit natin!"

"Oo na!"

Binaba ko agad ang tawag, kinabit ko ang seat belt ko at umayos ng upo. Inumpisahan na ni abo na paandarin ang sasakyan niya.

"Lagi mong kinakalimutan ang pagsusuot ng seat belt, you want me to do that, Charlotte?" malambing na tanong nito sa akin, napalunok ako ng mariin. Parang ang ganda ng suggestion niya!

"So--rry." sambit ko, mahina akong tumikhim at tumingin sa labas.

"Let's go."

Dahil hindi naman malayo ang BGC ay agad kaming nakarating. Nauna siyang bumaba sa akin, hindi ko na siya inantay at binuksan ko na ang pinto. Kumunot ang noo nito sa akin, ngumiti lang ako ng tipid sa kanya.

"Tara na."

Sabay kaming naglakad papunta sa elevator, mabuti na lang at may iba kaming kasama sa loob, hindi ako makakaramdam ng ilang. Nagulat ako ng ipulupot nito ang kanyang kamay sa aking bewang. Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Seryosong tingin lang ang binigay nito sa'kin. Umayos ako ng tayo, iniwas ko ang tingin ko sa kanya. Tinignan ko ang dalawang lalaking kasama namin.

Sawyer Series#2: Here's your Perfect (Completed)Where stories live. Discover now