04

241 5 0
                                    

Chapter 04

    "Bakit hindi pa rin niya binabasa message ko?" mahinang tanong ko sa sarili habang nakatingin sa cellphone ko, akala ko ba gusto niyang makipagkita, bakit hindi siya nag-re-reply.

"Ano'ng tinitignan mo diyan?" tanong ni Lyka sa akin, kahit kailan ang marites e. Nilapag nito ang tray bago umupo sa tabi ko, kumuha ako ng fries saka kinain ito.

"Hindi pa siya nag-re-reply." nakangusong sabi ko sa kanya, nilapag ko ang cellphone ko at muling kumain.

"Asa ka naman?" sinamaan ko ng tingin si Lyka, kaming dalawa lang ngayon dahil may klase si Marie.

"Tanga, tinanong niya kasi ako kung kailan ko daw gusto, e hindi naman binabasa messages ko."

"Bakit, friends na ba kayo sa fb?" bigla akong napaisip sa tanong niya, oo nga ano! Hindi niya pa rin ako I-na-accept.

"Oo nga no, hindi pa rin e." sambit ko, muli kong tinignan ang cellphone ko, umaasang mababasa niya ang message ko pero wala pa rin.

"Kunin ko kaya number niya?" wala sa sariling tanong ko sa kanya.

"Paano? E, hindi mo nga alam kung nasaan siya."

Ngumisi ako sa kanya saka nginuso ang grupo ni Andres na naglalakad papasok sa café, kinawayan nila kami ng makita ang pwesto namin. Dahil malaki ang pwesto namin ni Lyka at kaming dalawa lang ay dito sila umupo.

" Advantage,"mahinang sabi ko sa kanya saka umayos ng upo.

" Ano'ng mukha 'yan, Charlotte?" tanong ni Taitus sa akin.


Ngumiwi ako sa kanya," Mukha nang maganda,"sambit ko, umakto itong parang nasusuka kaya binato ko sa kanya ang tissue na hawak ko, pinangpunas ko pa 'yon sa pwet ko kanina.

" Iww, amoy tae a!"arteng sabi nito, inirapan ko na lang siya. Hindi ko alam kung bakit natatagalan ni Tricia kasama ang ganyang tao, ang patient niya a.

"Tash," tawag ko kay Tasha, agad naman itong lumingon sa akin, "Yes?" nakangiting tanong nito, lagi na lang siyang nakangiti, parang walang problema e.

" May number ka ni Abo?"tanong ko sa kanya, medyo nagulat ito dahil sa tanong ko, hindi niya inaasahan.

" Grabe, walang pagbabago a, Hudson pa din?" natatawang tanong ni Aivan sa akin, hindi ko siya pinansin, nanatili ang tingin ko kay Tasha, alam ko naman na ibibigay niya sa akin.

"Yeah, pero hindi ko dala ang phone ko e, ask mo si Andres." bumagsak ang balikat ko sa sinabi niya, tinignan ko si Andres, nakaangat na agad ang kilay nito. Napakasungit a, buti pa si Abo medyo lang.

Dahan dahan kong inabot ang cellphone ko sa kanya, tinignan niya lang ito. Slow ba siya? Bakit hindi niya maintindihan?

"Meron ka?" tanong ko sa kanya.

"Yeah," simpleng sagot nito, lumaki ang ngiti ko saka binuksan ang cellphone ko at binigay sa kanya.

"Type mo dito," sambit ko habang nakangiti ng malaki sa kanya.

"Tsh," he said. Binuksan nito ang phone niya saka nag scroll doon, kinuha nito ang phone ko saka nag type doon, mas lumawak ang ngiti ko. Atleast hindi na ako mahihirapan gumawa nang palusot kung sakaling gusto kong kunin ang number niya.

"Here," aniya sabay abot ng phone ko, nakangiting kinuha ko ito at sinave ang number ni Abo.

"Napakabuti mong kaibigan," sabi ko sa kanya, umiling lang ito sa akin.

Sawyer Series#2: Here's your Perfect (Completed)Where stories live. Discover now