21

173 4 0
                                    

Chapter 21

     Hindi ako makagalaw ng maayos. Katabi ko si Abo na nakikipag usap sa mga kasama niya. Ngumuso ako ng lagyan niya ng pagkain ang pinggan ko. Pasimple kong sinulyapan  ang mga kasama niya, nakatingin ang mga ito. Hindi ko mabasa ang kanilang mga ekspresyon. Para bang hindi sila makapaniwala sa ginagawa ni abo ngayon.

Ano kayang itsura namin ni abo kapag magkasama? Lalo na kapag nakasuot siya ng business attire niya at ako ay simpleng pantalon at croptop lang na may ID lace ng ateneo?

Mukha siguro akong little sister niya.

" Just eat, Charlotte." sabi ni abo sa akin. Ngumuso ako bago umpisahan ang pagkain ko.

Tahimik lang ako habang kumakain. Panay lang ang usap nila, hindi ko naman maintindihan dahil puro business ang kanilang pinag uusapan.

" Magkasama talaga kayo ni sir?" nabigla ako ng tanungin ng secretary ni Abo, nakalimutan ko ang pangalan niya. Hindi ko alam na nandito siya sa tabi ko.

Should I tell her the truth?

"Yep!" sagot ko.

She raised her brow to me, ngumiwi ako nang patago. Hindi ba siya naniniwala? Kung sabagay ay hindi naman kasi totoo 'yon.

"Tsh."

Patagong ngumisi na lang ako. Kahit sa pagtapos kumain ay nag uusap pa rin sila. Hindi ba sila magsasawa? Kanina pa sila nag uusap a. Hindi sila nauubusan ng pag uusapan.

Maayos kong tinabi ang kubyertos na ginamit ko. Pasimple kong tinignan si Abo. Seryoso itong nakikipag usap. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya ng tumingin ito sa akin.

"Bored?" agad ko siyang nilingon ng itanong niya 'yon. Shocks! 'Yong mga mata nang kasama niya ay nasa amin na.

"Hi--ndi." nauutal na sagot ko sa kanya.

Hinawakan nito ang kamay ko na nakapatong sa hita ko. Napalunok ako ng mariin ng ilagay niya ito sa hita niya at doon namahinga. Para akong bigla na lang sasabog dahil sa kilig na nararamdaman!

"Saglit na lang ito at sa'yo na ang oras ko." mahinang sabi nito sa akin bago bumaling sa kausap niya kanina.

Hindi ko na alam kung anong gagawin ko! Masyado niya akong pinapakilig!


"Maaga na naman tatapusin ni sir ang trabaho niya," rinig kong sabi ng katabi ko. Ang ibang lalaki ay napatingin sa kanya. Hindi siya narinig ni abo dahil busy itong makipag usap.

"Talaga? Bakit daw?" inosenteng tanong ko sa kanya kahit alam ko naman kung ano ang tinutukoy niya.

"Bitch." mahinang sabi nito, hindi ko alam kung narinig ng iba.

Nilingon ko siya, ngumisi ako sa kanya at medyo ginalaw ang kamay naming magkahawak. Nakita ko ang pag-irap nito. Umirap din ako, ilang taon lang naman ang tanda niya sa akin.

Isang oras pa ang tinagal namin bago sila umuwi. Nagpaalam na sila kay abo, kaya ngayon ay tatlo na lang kaming narito. Ako, si abo pati ang kanyang secretary.


"You may go, Aya." sabi ni Abo sa kanya. Nagulat pa ito sa sinabi ni abo, nag-e-expect ba siya na magtatagal siya dito kasama si abo?

"Yes sir." sabi nito. Tinignan ako nito ng masama, patagong ngumisi lang ako sa kanya. Pinanood ko lang siyang ayusin ang gamit niya hanggang sa tumayo na ito at lumabas na ng restaurant.

"Who's that boy?" mabilis kong nilingon si Abo ng itanong niya 'yon. Binitawan nito ang pagkakahawak sa kamay ko, bigla akong tumamlay. Bakit binitawan niya?

Sawyer Series#2: Here's your Perfect (Completed)Where stories live. Discover now