56

131 2 0
                                    

Chapter 56

  
Nakangiti kong pinuntahan si abo ng makita ko. Sinalubong naman niya ako ng matatamis niyang ngiti, ang gwapo talaga ng mahal ko.

"Hi, kanina ka pa?" Tanong ko sa kanya.

Kinuha nito ang dala kong bag.

"Kararating ko lang," he said.

Binuksan nito ang pintuan ng front seat, nakangiti naman akong sumakay doon. Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa makasakay na siya sa driver seat.

"Alam mo kung saan?" Tanong ko sa kanya, nilingon niya ako at sinimulan ng paandarin ang sasakyan.

"Yeah, your sister told me." Aniya, tumango ako.

Kinuha ko ang cellphone ko sa bag, napansin ko ang paper bag na nakalagay sa loob. Bigla kong naalala na bigay pala 'to ni Bentley. Eto na naman ako sa hindi alam kung paanong uumpisahan na sabihin kay abo.

"What's wrong?" Biglang tanong ni abo sa akin.

Bahala na.

Nilabas ko ang paper bag sa bag ko, naramdaman ko ang paglingon niya kaya tinignan niya ako. Kumunot ang noo nito, nagtataka.

"Ahm, bigay ni Bentley." Mabilis na sabi ko sabay iwas ng tingin sa kanya. 

"Gift?"

Tumango ako.

"I don't have a choice kundi ang tanggapin," baka mamaya ay galit siya hindi niya lang sinasabi sa akin.

Tumawa ito ng mahina kaya nilingon ko siya. Hinawakan nito ang kamay ko saka namahinga sa hita niya.

"Don't worry, i'm not mad." Aniya na para bang nabasa niya ang nasa isip ko, ngumuso naman ako.

"Zev invited him sa unit mamaya," nakaiwas na tingin na sabi ko sa kanya.

Ngumiti siya sa akin. "Its ok, babe. Hindi naman ikaw."

Nanlambot ang puso ko dahil sa sinabi niya, napaka understanding niya talaga.

"Wala ka bang pasok bukas?" He asked.

"Meron, pero wala naman akong morning class. Kaya pwede akong mag inom ng sobra." Sabi ko sabay tawa ng mahina.

"Papayagan kita besides its your day naman."


Hinigpitan ko ang hawak sa kamay niya. Tumingin naman siya sa akin. "Thank you," Nakangiti kong sabi, ngumiti lang siya ng matamis sa akin.


Wala pang isang oras ang byahe namin ng makarating kami sa restaurant kung nasaan sila mama. Sabay kaming bumaba ni abo ng sasakyan ng ihinto niya ito, agad niyang pinadaplos ang kamay sa bewang ko. Ganito kaming haharap sa magulang ko? Hindi ba siya mahihiya? Kasi ako, ngayon pa lang na iniisip ko ay nahihiya at naiilang na ako!

"Ate!" Tawag ng Ingrid sa akin, kumaway pa ito.

Dumiretso naman kami ni abo doon, agad kong napansin ang mapag matyag na mata ni papa. Pasimple na lang akong ngumuso.


"Good afternoon po," magalang na sabi ni abo sa kanila. Nag mano pa 'to.


"Good afternoon iho, mabuti naman at nakasama ka. Sige na at maupo na kayo,"ani mama.


Si mama, papa at Ingrid ang nasa harapan namin, samantalang napapagitnaan naman ako ni ate ani abo.

"Bakit hindi mo kasama jowabels mo?" Tanong ko kay ate, sumimangot ito sa akin. Natawa ako ng mahina, sa ganyang itsura niya pa lang ay alam ko na. Malamang na nag away na naman sila.


Sawyer Series#2: Here's your Perfect (Completed)Where stories live. Discover now