60

130 3 1
                                    

Chapter 60

   Nakangiti kong inaayos ang mga gamit ko. Maayos kong pinapasok ang ilang notebook ko sa loob ng back pack ko.

"Ganda ng smile a," sabi ni Clarissa sa akin.

Isinara ko ang bag at nilagay sa tabi, umayos ako ng upo paharap sa kanya. Naeexcite na ako, bukas na ang start ng klase ko.

"Excited lang ako," sabi ko sa kanya.

Tinignan niya ng nang aasar, nagtataka naman akong gumanti ng tingin sa kanya.

"Bakit?" Takang tanong ko.

"May naghahanap sa'yo sa labas? Nakakuha ka agad ng kaibigan dito?" Mas lalong kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya, anong kaibigan ang sinasabi niya? E hindi naman ako lumalabas dito, kapag lalabas lang siya. Wala nga akong nakakausap dito e.

"Kaibigan? Sino?" Nagtatakang tanong ko.

Nagkibit balikat siya sa akin, "Malay ko, labasin mo na. Sigaw ka na lang kapag may ginawang masama sa'yo." Aniya, mas lalo akong nagtaka.

Hindi na ako nagsalita, tumayo na ako. Inayos ko pa ang dress na suot ko, nakapantulog pa ako. Naglakad ako papunta sa pinto, naka off ang ilang kasambahay kaya naman ay wala akong nakikitang naglilinis ngayon.

Ganon na lang nanlaki ang mata ko ng makita kung sino ang nasa labas, wala akong pinalampas na oras at agad na niyakap siya.

"Abo!" Nakangiting sabi ko at mabilis na yumakap sa kanya, agad naman siyang gumanti ng yakap. Muntikan pa kaming matumba dahil sa biglaang pagyakap ko sa kanya.

"You miss me that much, huh." Nang aasar na sabi niya, hindi ko alam kung bakit may tumulong luha sa aking mga mata, bago niya pa makita ay pinunasan ko na.

"Malamang, tatlong buwan tayong hindi nagkita," nakasimangot kong sabi sa kanya. Napansin ko ang lalaking nasa likuran niya.

"He's my secretary," ani abo, tumango ang lalaki sa akin. Nginitian ko naman siya. Tingin ko ay magkasing edad lang sila ni abo.

"Come in,"

Pag aya ko sa kanila, nauna akong pumasok. Hawak ko ang kamay ni abo, nasa likod naman namin ang secretary niya.

Naabutan ko si Clarissa na nanonood ng tv, sumimangot ako sa kanya. Nakangisi naman ito sa akin, alam niya kung sino ang naghahanap sa akin, bakit hindi ko napansin ang pang asar na ngiti niya kanina.

"Hi I'm Hudson Grey, nice to meet you." Pormal na pagpapakilala ni abo sa pinsan ko.

"Nice to meet you, too. I'm Clarissa, cousin niya." Nakangiti namang sabi nito sabay tingin sa akin, palihim ko siyang kinindatan.

"This is my secretary, Caleb." Pagpapakilala naman ni Abo sa kanya, tumango naman si Caleb, wala sa oras na napangisi ako ng makita ang itsura ni Clarissa. Single kaya 'tong si Caleb? Kasi ang alam ko ay walang boyfriend itong pinsan ko.

"Hiii," ani Clarissa, inilahad pa nito ang kamay sa harapan ni Caleb. Napailing na lang ako.

Hinila ko papunta sa kusina si abo, hinayaan namin ang dalawa sa sala. Ngumiti ako kay ate ng makitang nakahanda na ang mga pagkain sa mesa, alam nilamg pupunta si abo dito.

"You surprise me." Sabi ko sa kanya.

Hinila niya ako palapit sa kanya at marahang niyakap, ngumiti ako ng malaki. Pinikit ko ang mata ko ng maramdaman ang halik niya sa ulo ko, i miss him so muuuuch!

Sawyer Series#2: Here's your Perfect (Completed)Where stories live. Discover now