53

123 2 0
                                    

Chapter 53

  Agad akong lumabas sa sasakyan ng ihinto niya ang sasakyan. Nagsisimula nang dumilim ang kalangitan, kaya naman ay ang ibang rides ay may ilaw na. Ngiti ang sinalubong ko kay abo, agad naman siyang humawak sa bewang ko.

"Are you excited?" Nakangiting tanong niya sa akin, tumango tango ako sa kanya.

"Oo naman, first time kong makapunta sa ganito." Sabi ko.

Tinignan ko ang mataas na ferris wheel, kahit na may takot ako sa heights ay sasakay at sasakay kami ni abo diyan.

"Takot ka sa heights 'di ba?" Aniya, nilingon ko naman siya.

"Natatandaan mo pa?"

Tumango ito. "Of course."

Ako na mismo ang humawak sa kamay niya kaya naman ay hinila ko na siya, narinig ko ang tawa niya kaya natatawa ko siyang nilingon. Nagpahila naman siya, kailangan na namin sulitin ang araw gabing ito, bukas ay may pasok na naman ako.

"Ferris wheel lang?" He asked, nakapila na kami sa ferris wheel, medyo mahaba ang pila.

Tumango ako sa kanya saka yumakap." Huwag mo na akong pilitin na sumakay sa iba, hindi ako mag eenjoy." Sabi ko, ginulo nito ang buhok ko saka mahinang tumawa.

"I didn't say anything," aniya, ngumuso na lang ako sa kanya.

Excited akong pumasok sa loob, agad naman tumabi si abo sa akin. Agad kong nilabas ang cellphone ko at kumuha ng litrato, hinila ko si abo para may picture din kami.

"You love taking selfies," aniya.

Tinignan ko ang mga selfies namin. May sinend ako sa kanya, pero hindi naman siya nagtanong tungkol doon.

"Oo, memories din." Kibit balikat na sabi ko.

Tinabi ko na ang cellphone, unti unti na kaming umaangat. Kahit nalulula ako ay tinignan ko pa rin ang baba, may mga ilaw na kaya naman ay mas lalong gumanda ang view.

"Ang ganda," sabi ko.

"Yeah,"agad na sabi ni Abo, tinignan ko siya at nagtama ang paningin namin, agad akong nag iwas ng tingin sa kanya.

"Maraming thank you," nakangiting sabi ko sa kanya.

Hinawakan niya ang kamay ko at marahan na hinila palapit sa kanya. "Nag enjoy ka ba?" He asked.

"Sobra pa sa sobra, kung alam mo lang." Mahinang sabi ko pero sapat na para marinig niya.

"Where do you want next?"

"Mauulit ito?" Nakangiting tanong ko sa kanya, kumunot naman ang noo niya. Hindi inaasahan ang tanong ko.

"Of course. Ayaw mo ba?"

Mahina naman akong natawa dahil sa sinabi niya, ang lungkot ng reaction niya.

"Wala naman akong sinabi, pero sana mas mahabang oras na sa susunod."

"Sa vacation mo," aniya.


Ngumiti ako ng malaki sa kanya. Niyakap ko siya ng mahigpit, naramdaman ko naman ang ganting yakap niya.

Ang mga yakap niya ang pahinga ko.

Madilim na ang kalangitan ng makababa kami, madami na din ang mga taong narito. Gusto pa namin sana gawin ang ibang activities pero anong oras na, gusto ko rin na makauwi kami ng maaga dahil magmamaneho pa siya. Hindi naman kasi niya ako papayagan na magmaneho.

Sawyer Series#2: Here's your Perfect (Completed)Where stories live. Discover now