20

152 5 0
                                    

Chapter 20

Inumpisahan ko nang ayusin ang gamit ko. This is my last class, maaga ang uwi ko ngayon. Aantayin ko pa ang dalawa sa cafeteria dahil may klase pa sila.

"Uuwi ka na?" tanong ni Bentley sa akin, I nod.

"Sa---

"Susunduin ako nang boyfriend ko." putol ko sa sasabihin niya. Natigilan ito pero agad din naman nakabawi.

"Ah, ok. I'll text you tommorrow kung anong oras kayo pupunta sa bahay." aniya sabay sulyap kay Zev na nanonood lang sa amin.

"Sige."

Nauna na itong magpaalam sa amin. Tinignan ko si Zev, inangatan ko siya ng kilay.

"Ang sungit mo a," natatawang sabi nito. Nag umpisa na rin itong mag-ayos ng gamit niya.

"Wala lang," ngising sabi ko sa kanya.

"Wala ka na bang klase?" she asked.

Umiling ako. Sinabit ko ang bag ko sa balikat ko. " Wala na, mauna na ako a."paalam ko.

"Sige." nakasimangot na sabi nito. Ngumisi lang ako sa kanya at lumabas na nang room.

Naglakad ako patungo sa cafeteria, dito ko aayain ang dalawa. Nagkayayaan kasi na gumala mamaya since today is friday. Walang pasok kinabukasan, bukas na rin lilipat si Marie sa unit namin.

Nakita ko sila Andres kaya doon ako dumiretso sa pwesto nila, ngumiti sila ng makita ako. Agad na umusog si Tasha para makatabi ako.

"Blooming a," pang-aasar ni Jasmine.

"Di naman."sambit ko. Pero hindi ito naniniwala, araw araw naman akong maganda. Wala namang bago doon.

Tumingin sa'kin si Andres. Sinulyapan nito ang dog tag na suot ko. Inangatan niya ako nang kilay, ngumuso ako. Of course, kilala niya kung kanino galing ito.

"Omo! Kay Hudson ba galing 'yan?" tanong ni Tasha sa akin habang nakaturo sa dogtag na suot ko. Hindi ko naman kasi tinatago, pinalalandakan ko talaga lalo na at kitang kita ang Sawyer na nakasulat.

Tumango ako sa kanya.

"I knew it!" sabi ni Tasha sa akin, hindi ko naintindihan ang sinabi niya. Hindi na ako nagtanong, baka mamaya ay it's you to find out na naman ang marinig kong sagot.

"Iba talaga ang mga Sawyer, namimigay ng dog tag." sabi ni Aivan habang nakangisi kay Andres. He's teasing Andres again.

"Inggit ka lang e." sabi naman ni Markus sa kanya.

"Iba ang kaya kong ibigay, pre." sabi ni Aivan, dahil sa sinabi niya ay nakatikim siya ng malakas na hampas mula kay Tasha, hindi namin napigilan ang tumawa. Maliban kay Andres na nakapoker face lang. Ano pa nga bang bago? Kahit papano naman si Hudson ay may sense, siya? Wala, kawawa naman ang future girl nito.

"Nakita mo na ba ang babae ni Andres?" tanong ni Tasha sa akin.

"Yep!" sagot ko, naalala ko na namimili kami non nila Lyka while wearing a wig. Wala lang, trip lang namin non.

"Iyon ang pinupuntahan niya sa UP." sabi ni Aivan. Sinamaan ng tingin ni Andres si Aivan.

"Handang magsayang ng gas a." pang aasar ko.

" Iyong iyo nga ay handang umabsent." sabi naman ni Aivan sa akin. Sinimangutan ko siya, boss naman siya e understood naman siguro 'yun.

"Uuwi ka na?" tanong nila. Umiling ako. "Inaantay ko pa 'yong dalawa." sambit ko.

Sawyer Series#2: Here's your Perfect (Completed)Where stories live. Discover now