55

126 3 0
                                    

Chapter 55

  Iniunat ko ang parehas kong kamay ng makabangon ako, nakangiti kong binuksan ang bintana. Agad tumama sa akin ang sikat ng araw na galing sa labas.

"What a nice weather." Mahinang bulong ko sa sarili ko.

Masyadong maganda ang gising ko ngayon, medyo mahaba haba din kasi ang naitulog ko. Maaga akong nakatulog kagabi dala ng pagod, kung saan saan kasi ako dinala ni abo. Masyado niyang sinusulit.

Pumunta ako sa cabinet para kumuha ng damit, may morning class ako ngayon kaya naman ay kikilos na ako para hindi ako ma late. Kinuha ko ang isang maroon na off shoulder, pinaresan ko ito ng black fitted jeans. Mag puputing sapatos na lang ako mamaya.

Dumiretso ako sa vanity mirror ng matapos akong maligo, kinuha ko ang blower ko para makapatuyo ng buhok. Kinulot ko ang ibabang buhok ko, hanggang bewang na ang haba nito. Gusto ko na siyang pagupitan pero wala pa akong oras. Naglagay lang ako ng light make up, pink lipstick ang ginamit ko sa labi ko.

"Alright, maganda na ako." 

Kinuha ko na ang bag ko pati ang cellphone ko na naka charge. Hindi muna ako lumabas ng kwarto, chineck ko na muna ang phone ko. Napangiti ako dahil marami na ang bumabati sa akin, mamaya ko na lang sila rereplyan lahat.

Pagbukas ko ng pinto ay madilim na sala ang sumalubong sa akin, sarado pa ang mga bintana. Tulog pa ba sila? Anong oras na a, akala ko ba ay may morning class si Marie ngayon? Sa kanya nga ako sasabay dahil ihahatid siya ni Cali.

Nanlaki ang parehas kong mata nang bumukas ang ilaw at bumungad ang dalawa sa akin, nakakalat ang mga balloon sa sahig. Si Lyka ay may hawak na cake habang si Marie naman ay may hawak na mga lobo.

"Happy birthday, panget!" Sabay na sabi nila, imbis na mainis ay tumawa ako. Ang aga naman ng pa surprise nila.

"Thank you." Nakangiting sabi ko.

Sinindihan ni Marie ang kandila na nasa cake, hinila ako ni Marie palapit sa cake.

"Make a wish first." Excited na sabi nito.

Pinikit ko ang mga mata ko, nang matapos na akong mag wish ay hinipan ko na ang kandila. Pumalakpak naman si Marie, para siyang bata.

"Happy birthday girl,"

"Salamat sa inyo,"

Parehas ko silang niyakap. Kinuha ko ang cake na hawak ni Lyka saka nilapag sa mesa, inabot nila ang regalo nila sa akin.

"Wow, nag abala pa kayo a." Sabi ko.

"Buti nga at naalala namin na birthday mo e, wala naman talaga kaming balak." Kibit balikat na sabi ni Lyka. Pasimple kong tinignan ang kapaligiran, halata ngang hindi nila pinaghandaan, nakakalat ang mga lobo sa sahig, may nakadikit pa sa dingding na happy birthday. Wala nga silang balak.

Isang air pods ang natanggap ko kay Marie, may kasama pa itong apple watch. Niyakap ko siya, matagal ko nang gustong magkaroon ng ganito pero namamahalan ako.

"Thank you," naiiyak na sabi ko.

"Huwag kang umiyak, papanget ka masyado." Aniya, mahina ko siyang hinampas.

Sunod ko naman na binuksan ang regalo ni Lyka sa akin. May kalakihan ito, pa box ang itsura. Wala akong idea o clue man lang kung anong laman nito.

"Ano 'to?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi na regalo kung sasabihin ko," irap mata niyang sabi sa akin. Inirapan ko din siya.

Sawyer Series#2: Here's your Perfect (Completed)Where stories live. Discover now