46

142 4 0
                                    

Chapter 46

    Napahawak ako sa ulo ng maidilat ko ang aking mga mata. Agad kong ginala ang paningin ko, narito ako ngayon sa kwarto ko. Anong oras na nga ba ako nakauwi kagabi? Napatingin ako sa cellphone ko nang tumunog ito. Agad kong kinuha ng makitang si Abo ang tumatawag.

"Did I wake you up?" Nakikiramdam na tanong nito, ngumiti ako saka umiling sa kanya. Inayos ko ang buhok ko, nakakahiyang humarap sa kanya ngayon.

"No, sakto lang ang gising ko."

Napansin ko ang suot nito, nakaitim itong tuxedo. Bigla akong nakaramdam ng iba.

"What happened?" Tanong ko. Kakauwi lang nila  kahapon hindi ba?

"How's Andres and Tasha?" Tanong ko.

"They're not ok."

Pinakita niya ang dalawa, nakaupo ito habang parehas na nakayuko. Kasama nito ang kanilang mga magulang.

"Pasabi condolence."

Saglit lang kaming nag usap ni Abo dahil tinawag na siya. Naiintindihan ko naman, may kailangan pa siyang gawin. Naupo na ako, iniunat ko ang parehas na kamay, napanguso ako ng maalala ang nangyari kagabi.

"Naalala kaya ni Bentley ang mga sinabi niya sa akin kagabi?"

Muli kong tinignan ang cellphone ko, may message akong natanggap kay Bentley at Zev, inuna kong buksan ang message ni Zev na naglalaman na nakauwi na 'to, ala una nang madaling araw. Sinunod ko naman na buksan ang message ni Bentley na kaninang alas sais lang.

Bentley:
I'm sorry for what I did, Charlotte. Pero totoo lahat ang sinabi ko. Please give me another chance.

Mahina kong basa sa message niya, ano bang hindi niya maintindihan sa sinabi ko? Naging tanga na ba siya para hindi maintindihan ang sinabi ko?

Inis kong hinagis ang cellphone ko, tumayo na ako. Binalewala ang message ni Bentley. Nag hilamos na muna ako at lumabas na nang kwarto. Naabutan ko ang dalawa na nanonood sa sala, agad akong tumabi ng upo sa kanila.

"Ang aga mo," ani Lyka sa akin.

"Maaga ako nagising." Sabi ko.

Kumuha ako sa biskwit na hawak ni Marie, hindi naman ako nakarinig ng reklamo sa kaniya. Nagdadalawang isip ako kung sasabihin ko ba sa kanila ang napag usapan namin ni Bentley. Hindi ko naopen ang topic kay Lyka kagabi ng sinundo niya ako.

"May sasabihin ka ba?"

Napatingin ako kay Lyka nang itanong niya 'yun sa akin.

"Anong sasabihin?" Kunyaring nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Kagabi ka pa wala sa sarili, hindi na kita tinanong kagabi kasi mukang may tama ka na."

Huminga ako nang malalim, umayos ako ng upo.

"May nangyari kasi kagabi..."panimula ko.

Agad kong nakuha ang atensyon nila, umayos pa sila ng upo paharap sa akin. Mahina akong natawa.

"Ano na? Huwag ka nang pabitin diyan."

"Kasama ko si Bentley kagabi, alam naman ni Abo. Kagabi kasi ay kausap ko si abo, saglit akong tumambay sa labas. Tapos nabigla na lang ako nang naroon na rin si Bentley."

"So anong nangyari? May nangyari sa inyo? Omaygi kaaa!!" Sinamaan ko ng tingin si Lyka nang sabihin niya 'yun. Muka ba akong katulad niya?

"Gaga ka, 'wag mong itutulad sa'yo si Charlotte."ani Marie, sumimangot naman ito.

Sawyer Series#2: Here's your Perfect (Completed)Where stories live. Discover now