33

180 4 0
                                    

Chapter 33

   Nagising ako dahil sa tunog ng alarm. It's already 10 in the morning. Mamayang ala una pa ang pasok ko since start na nang prelim namin ngayon. Kinuha ko ang cellphone ko. Agad bumungad ang ngiti sa labi ko
nang message galing kay abo ang nakita ko.

Abo:
  Good morning. Today is your exam, right? Goodluck. I know you can do it. Sunduin kita mamaya.

Ano ba! Ang aga niyang magpakilig a. Baka mamaya ay sumobra ang score ko sa exam nito. OA naman haha!

Ako:
  Yes po. Thank you and ingat ka always!

Tinabi ko na ang cellphone ko saka bumangon na. Kailangan kong pasadahan ng basa ang ginawa kong reviewer para hindi ko makalimutan.

Dumiretso ako sa cr para makapaghilamos, mamaya na lang ako maliligo para fresh pagpasok. Mag ko-commute lang ba ako mamaya? May pasok kaya ang dalawa?

Isang oras ang lumipas ng maisipan ko na lumabas ng kwarto, agad akong ngumiti ng malaki nang makita si Lyka na nakahiga sa sofa habang nanonood ng TV. May maghahatid sa akin!

"O, anong nginingiti mo diyan?" angat kilay na tanong nito sa akin, umayos ito ng upo.

"Wala naman," sabi ko.

Umupo ako sa tabi niya, kinuha ko ang isang unan at nilagay sa ibabaw ng hita ko. Tinignan ko kung ano ang pinapanood niya.

"Wala kang pasok?" tanong ko sa kanya.

"Wala, bukas pa." aniya.

Tumango tango ako. Kailangan kong mauto si Lyka ngayon para maihatid niya ako sa school. Ayoko talagang nag-ko-commute. Ang hirap kayang makipagsabayan!

"May kailangan ka ano?" angat kilay na tanong nito sa akin, ngumiti ako nang malaki saka umayos ng upo paharap sa kanya.

"Prelims namin ngayon. Hatid mo 'ko." sabi ko, sinamahan ko pa nang pagpapacute kahit alam kong wala naman 'yon talab sa kanya.

"Ang panget hindi bagay sa'yo."

Inirapan ko siya, tumawa ito nang malakas. Mas gugustuhin ko na lang na mag commute. Nakakainis siya a.

"Bakit hindi ka magpahatid sa mayaman at gwapo mong suitor?"


Sumimangot ako, kung pwede lang e. Pero busy siya. "Busy siya, nagtatrabaho ang asawa ko para sa kinabukasan ng dose naming anak."

Isang malakas na hampas ang binigay ni Lyka sa akin kaya sabay kaming natawa nang malakas.

"Sarap mangarap ano?"

"Tanga, doon din naman papunta namin." siguradong sabi ko, bakit ba? Pakiramdam ko ay siya ang magiging tatay ng mga anak ko.

"Bobo mo, hindi mo pa nga sinasagot." aniya sabay irap sa akin.

"Syempre, pero malapit na." nakangising sabi ko sa kanya.

Tinulak ako nito dahilan para mahulog ako sa sofa, buti na lang at may carpet. Pero masakit pa din a!

"Gago ka talaga," sabi ko sa kanya.

"Matagal na,"

Isang irap ang binigay ko sa kanya bago natatawang tumayo, umiling na lang ako saka naglakad na pabalik sa kwarto ko. Hindi ko alam kung ihahatid niya ba ako. Tanggapin ko na kaya 'yung sasakyan na ibibigay ni papa? At bakit ba kasi wala pa rin
'yung lisensya ko? Ang tagal naman ata.

Sawyer Series#2: Here's your Perfect (Completed)Where stories live. Discover now