71

150 3 4
                                    

Chapter 71

      "Ma'am, can we stay here? Ngayong gabi lang ma'am," sabi ni Aki sa akin, napatingin ako sa batang babae na buhat buhat niya. I didn't know na may anak na siya, ilang taon na ba siya?

"Sure," nakangiting sabi ko.


"Maraming salamat ma'am, wala kasing magbabantay sa kanya ngayon kaya sinama ko na po."


"Ok lang,"


Lumabas na muna ako ng kwarto at hinayaan ang mag ina doon. Malamig na simoy ng hangin ang sumalubong sa akin, napayakap ako sa sarili ko. Gusto ko sanang kunin ang jacket ko pero tinatamad na akong bumalik.


Naupo ako sa isa sa mga bench, kinuha ko ang cellphone ko. Nakangiti kong kinuhanan ng video ang karagatan, medyo na lang ang naliligo dahil siguro ay gabi na.


"What a peaceful night." Caption ko sa video na kinuhanan ko saka minyday ito.


Tumunog ang cellphone ko, agad kong sinagot ang tawag ng makitang si Zev ang tumatawag, mahina pa akong tumikhim.


"Hoy girl, kamusta ka naman diyan?" Agad na tanong nito ng sagutin ko ang tawag, mahina pa akong natawa. Namimiss ko na ang babaeng ito.


"Ayos lang naman, pakiramdam ko ay nagbabakasyon lang ako dito." Sabi ko, totoo naman. Wala naman talaga silang pina
pagawa sa akin, nagtatanong lang.

"Kamusta naman kayo ng abo mo? Any progress?"


Bigla akong nakaramdam ng lungkot dahil sa tanong niya.


"Wala, kinakausap niya lang ako kapag related sa work." Pero hindi ko maintindihan ang nangyari kaninang lunch, iyong kaming dalawa lang sa restaurant at sabay na kumakain.


"Ayy, akala ko naman ay muling mamumunga ang pagmamahalan niyong dalawa."  Mahina pa akong natawa sa sinabi niya.


"Hindi na ako umaasa, Zev." Sabi ko.


Pero ang totoo, umaasa pa din ako. Ayoko lang ipaalam kung ano 'yung nararamdaman ko, ayoko lang na malaman nila ang katangahan ko.


"Talaga ba?" Paninigurado niya.


She really knows me.


"Oo naman, nag sisimula na akong mag move on."


"Lelz, don't me, Charlotte. Hindi ka makakapag move on lalo na kung magkasama kayo diyan."


Nag usap pa kami ng kung ano ano, kahit papaano ay nabawasan ang pagkaboring ko. Tinabi ko ang cellphone ko at muling nag focus sa karagatan. Payapa lang ito sa paghampas, masarap ang simoy ng hangin na talaga namang nakakagaan ng pakiramdam.


"Sana laging ganito, laging payapa." Mahinang bulong ko sa sarili ko.


Napatalon ako sa bigla ng may biglang nagpatong sa balikat ko, agad kong nilingon kung sino ito. Ganon na lang nanlaki ang mata ko ng makita si abo, walang salitang tumabi ito sa akin. Nagsisimula na naman ang pagiging abnormal na tibok ng puso ko.

"A—


"I miss you, Charlotte."


Sinabi niya ang mga salitang iyon habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko, hindi ko namalayan ang pagtulo ng luha sa mga mata ko.


"A—bo..."


Hinawakan niya ang kamay ko at hinila para mayakap niya, ganon na lang ang sunod sunod na pagtulo ng luha ko hanggang sa humihikbi na ako.


Sawyer Series#2: Here's your Perfect (Completed)Where stories live. Discover now