19

172 4 0
                                    

Chapter 19

   Hindi ko mapigilan ang paglunok ko nang ilapag niya sa mesa ang niluto niya. Agad akong natakam ng makita kung ano ito. Spicy garlic shrimp ang niluto niya. I love spicy foods! Gaganahan akong kumain nito ngayon.

"Look delicious." sambit ko.

Wala akong narinig na salita mula sa kanya. Kumuha ito ng dalawang pinggan at kubyertos, umupo na ako at pinanood siya. Bisita niya ako, kaya dapat ay pagsilbihan niya ako. Natawa ako sa naisip.

Umupo ito sa harapan ko, naunahan niya akong kunin ang pinggan ko. Kinuha niya ito at nilagyan ng kanin, pinigilan ko ang ngiti ko. Siya na rin ang naglagay ng ulam. Tatlong shrimp ang nilagay niya doon. I Love You ba ibig sabihin nito?

Ngumiti ako sa kanya. Kinuha ko ang kubyertos at tinikman ang niluto niya. Napapikit ako ng matikman ang sarsa ng hipon, nanunuot ang anghang sa bibig ko.

"Ang sarap!" sabi ko sa kanya.

Wala akong nakitang reaksyong ng mukha niya. Nanatiling blangko ito, ngumuso ako. Hindi ata siya tumatanggap ng papuri dahil alam niyang masarap siyang magluto.

"Kailan ka natutong nagluto?" tanong ko sa kanya. Nag umpisa na rin itong kumain.

"When I was in college." he said.

Nakilala ko siya third year college na siya, nasa high school pa lang ako non at kaklase ko ang kambal. Masungit na talaga siya non, parang si Andres. Nang pumunta sila sa bahay dahil birthday ko ay doon ko lang siya nakausap, hanggang sa nagpapansin na ako sa kanya. Pero umalis siya kasama nang kambal papunta sa spain.

"Pwede ka na mag-asawa." wala sa sariling sabi ko.

Nang tignan ko ito ay may naglalarong ngisi na sa kanyang labi, agad akong kinabahan dahil doon. Ang gwapo!

"Pwede ka na?" muntik ko ng maluwa ang kanin na kinakain ko ng itanong niya 'yon. What the hell? Bigla bigla na lang siyang bumabanat!

Mahina itong natawa, pakiramdam ko ay singpula na ng kamatis ang pisngi ko dahil sa hiyang nararamdaman ko. Sabayan pa ng pagkailang.

"Just eat, Charlotte." tumango ako sa kanya.

Shit!

Pagkatapos kumain ay nagpresinta akong maghugas ng pinagkainan namin. Nakakahiya naman kung siya pa ang paghuhugasin ko. Kahit hindi halata sa kanyang naghuhugas siya. Mag-isa lang siya sa unit niya, kung samahan ko kaya siya?

"Ako na," sabi ko sa kanya. Kanina ko pa siya pinipilit na ako na ang mag huhugas. Pero ayaw niya, kanina pa rin siya nagpupumilit na siya na daw. Baka ma turn off siya sa akin, baka akala niya ay wala akong alam na gawin pagdating sa bahay.

"No, Charlotte. Maupo ka na lang doon." seryosong sabi nito sa akin, mariin akong umiling.

"Hindi na, ako na ang maghuhugas." sabi ko sa kanya. Ang parehas na kamay nito ay may suot ng gloves, kailangan bang gumamit non? Sagabal lang iyon kapag naghuhugas.

"Wear a gloves." aniya.

"Hindi na rin,"

Umayos ito ng tayo ng buksan ko na ang gripo at umpisahan banlawan ang mga pinggan. Wala na siyang nagawa kun'di ang tanggalin ang gloves na suot niya, napangisi ako habang naghuhugas. Masunurin naman pala siya.

Umalis ito sa gilid ko, akala ko ay mag-aantay siya sa sala pero hindi. Naramdaman ko ang presensya niya sa aking likuran, nanigas ang buong katawan ko dahil sa ginawa niya. Naka back hug siya sa akin! Ang kamay kong nababasa ng tubig ay ngayon ay hawak niya na. Sobrang bilis ng pintig ng dibdib ko!

Sawyer Series#2: Here's your Perfect (Completed)Where stories live. Discover now