10

184 7 0
                                    

Chapter 10

   Patalbog akong umupo sa sofa, pinunasan ko ang noo ko ng maramdaman na may pawis doon. Tinignan ko ang tatlo na nakaupo na rin sa sofa at mga pawisan na din.

"Bukas na lang 'yong iba." sabi ni Marie sa amin.

"Oo, anong oras na rin at baka mahirapan tayong bumyahe pauwi." pag sang ayon naman ni Lyka, tumango na lang ako sa kanila.

"Kain muna tayo?" aya ko mabilis naman silang sumang ayon sa sinabi ko.

Hindi na kami lumayo pa at kumain na sa malapit na restaurant. Nagugutom na rin kasi talaga kami. Medyo madami dami ang inayos namin kanina, ang bibigat pa nang ibang gamit.

"Ikaw naman magbayad," sabi ko kay Lyka. Agad umangat ang kilay nito dahil sa sabi ko, katatapos lang naming kumain, nagpahinga na muna kami dito at mamaya ay uuwi na kami.

"Bakit ako?" aniya sabay turo sa sarili niya.

"Alangan naman ako, ikaw kaya ang may pinakamaraming i-n-order diyan." sabi ko sa kanya.


"My treat." biglang sabi ni Cali sa amin, tinignan ko si Cali pati si Marie na nakaismid na sa amin, pasimple kong tinignan si Lyka, kumindat naman ito sa akin.

"Hindi na, nakakahiya." kunyaring sabi ko sa kanya. Papakipot lang ako.


"Tsh, hindi na. My treat." aniya sabay tayo, mabilis na hinampas kami ni Marie ng makaalis si Cali, nakanguso na ito sa amin ngayon.


"Nakakainis kayo a." irap matang sabi nito sa amin.

"Ano'ng silbi niya kung hindi siya manlilibre?" angat kilay na sabi ni Lyka sa kanya.

"Siya na ang nanlibre sa inyo kanina a, inuubos nyo ang pera niya."


"Oa mo naman, hindi naman namin inuubos. Mababa lang ang babayaran niya." sabi ko sa kanya, kinuha ko ang tissue saka pinunas sa bibig ko.

"Kahit na ba!"

Pag balik ni Cali ay nag-aya na silang umuwi. Si Lyka ulit ang kasabay ko, nauna na ang dalawa sa amin. Kinaway ko na lang ang kamay ko saka pumasok sa sasakyan ni Lyka.

"Ang baho!" reklamo nito ng makasakay sa driver seat.


"Hininga mo lang naaamoy mo." sabi ko sa kanya, kinabit ko ang seat belt sa katawan ko.

"Amoy lansa, hindi ka pa ba nagpapalit?" tanong nito sa akin, natigilan naman ako sa tanong niya.

"Oo nga pala, nakalimutan ko!" kunyaring gulat na sabi ko, ngumiwi ito sa akin.


"Kapag tinagusan ka diyan ay ihahagis talaga kita palabas. Uuwi kang mag-isa makikita mo." irap matang sabi nito sa akin, mahina akong natawa.

"Nagpalit ako kanina 'wag kang mag-alala. Ikaw lang naman ang dugyot sa atin."

"Gago!"

Muli akong natawa dahil sa sinabi niya, inumpisahan na nitong paandarin ang sasakyan.

Napatingin ako sa bracelet na suot ko, wala sa oras na napangiti ako. Hindi ko alam ang dahilan niya kung bakit niya ako binigyan ng ganito. Maganda ang taste niya a, bagay sa akin ang bracelet. Lahat naman ay bagay sa akin. Kahit siya, kaso sobrang bagay siya sa akin.

"Nakakatakot na 'yang mga ngiti na' yan."


"Huwag mo akong pansinin, Lyka. Kapag nakikipaglandian ka ng harapan ay hindi kita pinapakeelaman." sabi ko sa kanya.

Sawyer Series#2: Here's your Perfect (Completed)Where stories live. Discover now