58

123 2 0
                                    

Chapter 58

   Ilang beses ko nang tinitignan ang cellphone ko pero hindi pa din ito umiilaw. Wala pa rin akong natatanggap na message o tawag man lang galing kay abo. It's already 10 am in the morning, onting oras na lang ang itatagal ko dito sa pilipinas.

"Naka ready na ba lahat ng gamit mo?" Tanong ni papa sa akin, tumango ako bilang sagot.

Kararating ko lang dito sa bahay, dito na lang daw ako magpalipas ng oras hangga't nandito pa ako. Walang sinasabi sila mama pero nararamdaman ko ang lungkot nila.

"Mag iingat ka doon, anak." Sabi ni mama sa akin.

Ngumiti ako kay mama, magkahalong lungkot at saya ang nararamdaman ko ngayon, masaya kasi matutupad na ang isa sa mga pangarap ko, malungkot kasi marami akong maiiwan dito sa pilipinas.

"Hindi pa din tumatawag?" Tanong ni ate sa akin, malungkot akong umiling sa kanya. Muli kong tinignan ang cellphone ko.

Naalala ko ang nangyari kagabi...

Gaya ng inaasahan ko ay nabigla siya, nagulat siya sa sinabi ko. Pero hindi ako nakakita ng anumang reaction sa kanya, nanatili lang siyang naka poker face.

"Magsalita ka naman," kinakabahan na sabi ko sa kanya.

"Bakit biglaan?"

Mas lalo akong kinabahan dahil sa sinabi niya. Nag umpisa na naman sa pagtulo ng mga luha ko. Ayokong umiiyak sa harap niya, ayokong ipakitang mahina ako kahit iyon naman ang totoo.

"Hindi ko alam, ngayon lang sinabi sa akin." Nakayukong sabi ko.

"Ok," aniya na dahilan para tignan ko siya.

"Anong ok?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Leave, eto rin naman ang mangyayari napaaga lang." Hindi ko alam pero nasaktan ako sa sinabi niya, ang inaasahan ko ay hindi ito, ang magagalit siya dahil biglaan.

"Ab—o..."

"It's fine Charlotte, eto rin naman ang mangyayari 'di ba? Like what I said, LDR works, baby."

Hinila niya ako ng marahan para mayakap niya, eto na naman ang pagtulo ng mga luha ko.

"Mahal na mahal kita, kahit na mahirap ay titiisin ko." Mahinang bulong niya na nagpalakas ng hikbi ko.


"Puntahan mo 'ko doon a." Sabi ko.


He chuckled, "Of course."

Hindi na namin napag usapan ang tungkol doon pagkatapos ng usapan na 'yun. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Hanggang ngayon ay wala pa rin akong natatanggap na message mula sa kanya, galit ba siya? Hindi ko na alam.

"Tatawag din 'yan," ani ate, ngumiti ako ng malungkot sa kanya.

Konting oras na lang at aalis na ako, hindi pa kita nakikita mahal ko.

"Ate, may bisita ka!" Sigaw ni Ingrid.

Dali dali akong tumayo para tignan kung sino, nanlaki ang mata ko ng makita si abo kasama sila Lyka, mabilis akong lumapit sa kanya at niyakap siya. Eto na naman, naiiyak na naman ako!

"Why?" Natatawang sabi nito sa akin, tuluyan ng tumulo ang luha ko. Mahina ko siyang hinampas.

"Akala ko ay hindi ka magpapakita," humihikbing sabi ko sa kanya, muli na naman siyang tumawa. Mas hinigpitan ko pa ang pagkakayakap sa kanya.

Sawyer Series#2: Here's your Perfect (Completed)Where stories live. Discover now