22

162 4 0
                                    

Chapter 22

    Hindi na nawala ang busangot sa mukha ko. Ala una pa lang ng hapon, ang tagal mag alas tres! Hindi ko na kayang panoorin ang harutan ng mga kasama ko. Si Cali at Maverick ay nandito pa din, dito na rin sila kumain ng tanghalian. Nag-order na lang sila, hindi na kami nakapagluto...hindi na rin nagastusan ang grocery namin.

"Hindi ka pa ba aalis?" nakangising tanong ni Lyka sa akin, nakaupo ito sa sahig at ang kanyang mga paa ay nakapatong sa hita ni Maverick.

"Huwag mo 'kong kausapin." irap matang sagot ko sa kanya. Sinulyapan ko sila Cali at Marie na nakaupo sa sofa, nakalingkis ang kamay ni Marie sa braso ni Cali. Susko, hindi ba sila nagsasawa?

Dinampot ko ang cellphone ko nang makitang umilaw ito. Agad sumilay ang ngiti sa labi ko ng makita kung kanino galing ang message. Miss niya agad ako?

Abo:

Open the door.

Tinabi ko ang cellphone ko at walang salitang tumayo. Nilingon ako nila, bago pa sila makapagsalita ay naglakad na ako palayo sa kanila.

"Miss me?" bungad na tanong ko kay Abo ng buksan ko ang pinto, hindi niya ako pinansin kaya sumimangot ako sa kanya. Nakita ko ang dalawang supot na bitbit nito.

"May kasama ka?"

Tumango ako."Oo," sagot ko, niluwagan ko ang pagkakabukas ng pinto. Walang salitang pumasok ito sa loob. Kita ko ang gulat sa reaksyon ng dalawa ng makitang pumasok si Abo, nakangisi ako sa kanila ngayon. Ako naman ngayon.

"Nako!" nang aasar na sabi ni Lyka sa akin, inangatan ko lang siya ng kilay. Kinuha ko ang dalawang plastic na hawak ni Abo, tinignan ako nito.

"Maupo ka na muna." sabi ko sa kanya.

"No, tutulungan na kita." Hindi na ako nagsalita, naramdaman ko ang pagsunod nito sa akin papunta sa kusina. Nilabas ko ang mga pagkain na nasa supot, agad kumalam ang sikmura ko ng malaman kung ano ang nasa loob.

"Nag abala ka pa a." sambit ko sa kanya, wala akong narinig na salita mula sa kanya.

"Wala kang pasok?" I asked.

Umiling ito." Wala akong pasok kapag weekends." he said. Ano siya estudyante?


"Talaga?" tumango ito sa akin.

Tinulungan niya 'kong ilagay sa coffee table ang mga pinggan na may laman na pagkain. Agad naman umayos ang dalawa ng makita si abo, patago akong ngumisi. Para bang isang amo si abo dito na dumalaw sa workplace nila.

"Salamat, Hudson!" sabi ni Lyka sa kanya, tinanguan lang siya ni Hudson.

Ngumuso ako at umupo sa sahig. May carpet naman kaya komportable ang umupo. Ang plano kong mag gym kanina ay hindi na natuloy dahil sa message niya.


" Iba talaga kapag mayaman ang nakuha," pagpaparinig ni Lyka. Siya lang ang maingay. Ang sarap tapalan ng bibig niya, 'yung hindi talaga siya makakapagsalita.


"Lyka, kain ka lang a. Hindi ka sana mabulunan." irap matang sabi ko sa kanya, narinig ko ang mahinang tawa nila.


Umupo si Abo sa tabi ko, inangatan niya ako nang kilay ng magtama ang paningin namin. Patago akong ngumuso, ang sungit naman niya. Nakita ko ang pag-ilaw ng cellphone ko. Kinuha ko ito, nagtaka ako ng makatanggap ako ng isang message mula kay Rupert, bakit siya nagtext?

Rupert:

I know that Hudson invited you. Pasabi naman na ma-le-late ako. Hindi kasi agad ako makaalis dito, may shoot pa ako. Pero sasaglit ako sa dinner mamaya. Maraming thank you, Charlotte. Napakabuti mo.

Sawyer Series#2: Here's your Perfect (Completed)Where stories live. Discover now