09

184 8 0
                                    

Chapter 09

   Sinamaan ko nang tingin si Lyka ng mahina niya akong batukan. Ngumisi ito sa akin pero inirapan ko lang siya.

"Tigilan nyo 'ko." sabi ko sa kanila, dumadagdag sila sa sakit ng puson ko.

"Sabi na e," makahulugang sabi ni Marie sa akin, inangatan ko siya ng kilay. Ibubuka ko na sana ang bibig ko pero tinikom ko na lang. Inirapan ko rin siya saka tinignan ang bracelet na ngayon ay suot ko.

"Maganda a, mukang mamahalin."

"Iyo na," sabi ko sa kanya sabay angat ng kamay ko, bumungisngis silang dalawa.

"Bakit bad mood?" nakangising tanong ni Marie sa akin.

"Red days," nakasimangot na sabi ko sabay yuko sa mesa, nandito kami ngayon sa cafeteria dahil sabay sabay ang break namin. Isang klase na lang ang papasukin ko mamaya at makakapag pahinga na ako sa bahay.

"Hintayin mo kami, daan tayo sa BGC." sabi ni Marie sa akin, oo nga pala! Hindi ko napuntahan ang condo no'ng sabado dahil nakalimutan ko, nilamon kasi ako ng kaba dahil kay Abo, nang iabot niya sa akin ang bracelet ay hindi na ako nakapag salita. Kaya hinatid niya na lang ako sa tapat ng bahay namin. Mabuti na lang at walang tao sa bahay, wala 'yong dalawa.

"Kailan tayo lilipat doon?" tanong ko sa kanila.

"Next week ako, kakausapin ko pa si mama." sagot ni Marie, siya kasi ang may pinaka strict na magulang sa amin.

"This week ako," sagot ko naman. Pinapaalis na ako ni papa sa bahay e, kaya mamaya pagdating ko ay mag-aayos na ako nang mga dadalhin ko.

"Wala ka kasing dulot," inismiran ko lang si Lyka ng sabihin niya iyon.

Naunang umalis ang dalawa sa akin, may isang oras pa akong bakante kaya tatambay na lang muna ako sa library. Inumpisahan ko ng ayusin ang gamit ko, tatayo na sana ako ng may biglang umakbay sa akin dahilan para mapaupo ulit ako.

Sinimangutan ko sila Aivan nang umupo sila sa inuupuan nila Marie kanina.

"Bakit mag-isa ka?" tanong ni Tricia sa akin.

"Kasi wala akong kasama," sarcastic na sagot ko. Inangatan niya ako ng kilay kaya mahina akong natawa.

"Nauna na 'yong dalawa." bawi ko, binigyan niya ako ng isang tango.

Wala ang kambal, mukang may pasok.

"Aware ka bang mabaho 'yong kamay mo?" tanong ko kay Aivan, agad itong lumingon sa akin, mabilis kong tinulak palayo ang kanyang mukha ng maramdaman na sobrang lapit ng mukha niya ng lumingon siya sa akin. Kaonti na lang ay magdidikit na ang labi namin.

"Pati hininga mo," nagpipigil tawang dugtong ko. Nakasimangot nitong tinanggal ang pagkakaakbay niya sa akin. "Pasensya ka na a, eto lang kasi ako." kunyaring madramang sabi niya, nakatikim siya ng mahinang batok kay Markus.

"Kadiri ka pre," kunyaring nandidiring sabi nito, sabay sabay kaming natawa dahil sa reaksyon ni Aivan.

"Kahit kailan ay ang hilig nyo akong pag tulungan," nakasimangot na sabi nito, napailing na lang ako sa kanila.

Tumayo na ako saka nagpaalam sa kanila, mas gusto kong tumambay sa labas para maghanap ng gwapo. Wala kasing masyadong tao sa cafeteria, mahirap maghanap ng gwapo. Madalas ay nasa labas, naglalakad lakad.

"See you!"sabi ko sa kanila sabay tango.

Naglakad ako papunta sa open field at umupo sa isa sa mga bakanteng bench. Marami rami rin ang nakatambay dito katulad ko. It's already 3 in the afternoon, matirik ang araw pero ang hangin ay hindi mainit. May malaking puno na nagsisilbing bubong ko habang nakaupo.

Sawyer Series#2: Here's your Perfect (Completed)Where stories live. Discover now