50

135 4 0
                                    

Chapter 50

     Nakangiti kong pinagmamasdan si abo habang nagmamaneho, nang lumingon ito ay kumunot ang kanyang noo. Mahina akong natawa, tinignan ko ang kamay ko na hawak niya habang namamahinga sa hita ko.

"Hindi ka ba mapapagod?" Tanong ko, mahigit dalawang oras na siguro kaming bumabyahe.


"Saan?"

Ngumuso ako, minsan nakakawalang gana siyang kausap. "Sa pagmamaneho,"

Akala ko kasi ay magpapahatid kami sa driver nila. That was a plan actually, hindi ko alam kung bakit bigla na lang nagbago ang isip niya.

"Hindi naman,"


Umayos ako ng upo at hindi na nagsalita. Kinuha ko ang cellphone ko, nagpaalam ako kila mama na pupunta ako ng baguio kasama si Abo, dahil kilala naman nila ay hindi na sila nagtanong. Ang alam siguro nila ay kasama ko din sila Lyka, nag message na rin ako sa kanila pero hanggang ngayon ay wala pa din reply.

"Maghahanap na ako ng hotel na tutuluyan natin," sabi ko sabay tingin sa kanya. Tumingin din siya pero mabilis ding binalik ang tingin sa daan.


"No need."

"Why? May nakita ka na?" Tanong ko, tumango siya bilang sagot. Tumahimik na lang ako.

Alas singko na nang hapon, hindi ko alam kung ilang oras pa ba ang byahe namin bago makarating doon. Ang lakas ng loob kong ayain siya sa baguio pero hindi ko naman alam ang papunta doon.

"You can sleep if you want." Aniya.


"Hindi na, hindi naman ako inaantok."

Nakangiti akong nagtype sa cellphone ko nang mga gagawin namin, dahil tatlong gabi 'yun, dapat lang na planuhin ang mga dapat na gagawin.

"Kapag nasa hotel na tayo, anong gusto mong gawin?" Tanong ko sa kanya, sumilip ako sa labas. Nagsisimula nang dumilim ang kalangitan.

"What do you want to do?" Balik tanong niya, bakit ba lagi na lang niyang sinasagot ng tanong ang tanong ko?

"You look tired na e, so magpahinga na lang tayo."

Galing pa kasi siya sa trabaho. Magpapahinga na lang siguro muna kami.

"Alright."

Saktong alas syete ng huminto ang sasakyan niya, namangha naman agad ako sa nakita ng silipin ko ang labas. Para siyang isang malaking bahay. Ang ganda!

"Where are we?" Tanong ko kay Abo.

"The manor at camp john hay." Sagot niya, lumabas na ito ng sasakyan.

"Ang haba naman." Mahinang bulong ko sa sarili ko.

Agad kong ginala ang paningin ko ng makababa ako ng sasakyan. May lumapit na lalaki kay abo, hindi na ako magtataka kung kakilala niya ito.

"Nice seeing you again here sir Hudson." Ani ng lalaki sabay tingin sa akin. Ngumiti naman ito sa akin kaya nginitian ko siya.

"Again? Inyo din ito?" Mahinang bulong ko sa kanya.

"Yah." Simpleng sagot niya, hindi na ako nagtanong.

Inabot ni abo ang susi ng sasakyan niya, may isang lalaki naman ang lumapit sa amin. May dala itong cart, binaba na nila ang mga gamit namin ni abo saka nilagay sa cart. Hindi naman na kailangan ng cart, kaya naman naming buhatin 'yan.

Sawyer Series#2: Here's your Perfect (Completed)Where stories live. Discover now