14

180 5 0
                                    

Chapter 14

   Tikom ang bibig ko nang makasakay kami sa loob ng sasakyan. Pasimple ko siyang tinitignan pero ni minsan ay hindi man lang s'ya tumingin sa akin. Napanguso ako, kinuha ko ang cellphone ko at tinignan ito. Wala akong message na natanggap mula sa dalawa.

"Ahm..." mahinang sabi ko sabay tingin sa kanya, sinulyapan ako nito. Masyadong seryoso ang kanyang mukha habang nagmamaneho.

"What?" tanong nito sa akin, hindi ko alam ang sasabihin ko!

"Wa--la." nauutal na sagot ko.

Ilang minuto lang ay nakapark na sa tapat ng gate ang sasakyan niya. Nauna itong lumabas sa akin. Akala ko ay bubuksan niya ang pintuan para sa akin pero nanatili lang itong nakatayo, huminga ako ng malalim bago buksan ng pinto at lumabas.

"Ahm, gusto mo bang pumasok sa loob?" tanong ko sa kanya.

Tumango ito sa akin. Ngumuso ako, bakit hindi niya ako pinapansin?

"Galit ka ba?" tanong ko sa kanya.


"Hindi." sagot nito, mas humaba ang nguso ko. Ang lamig ng trato niya sa akin. Hindi ako sanay. I mean, malamig naman talaga siya pero kakaiba ngayon! Para bang may ginawa akong kasalanan sa kanya.

"Bakit parang galit ka?" tanong ko sa kanya.

"I'm not." sabi nito sa akin. Hindi ako kumbinsado! Mahina akong tumikhim saka umayos ng tayo sa harapan niya. Kumunot ang noo nito habang nakatingin sa akin.

"What?" malamig na tanong nito sa akin.


Ngumuso ako sa kanya. "Totoo ba 'yong sinabi mo?" tanong ko sa kanya.

"Na?" agad na tanong nito. Nahihiya akong sabihin sa kanya.

"Iyong sinabi mo kay Bentley...na boyfriend kita." nagbaba ako ng tingin ng sabihin ko 'yon sa kanya. Pakiramdam ko ay kasingpula na nang kamatis ang pisngi ko! Nakakahiya!

"Hmm." aniya. Inangat ko ang tingin ko sa kanya. Kinagat ko ang gilid ng pisngi ko para pigilan ang ngiti ko.

"Kapag nandiyan lang siya." sabi nito sa akin. Hindi naman talaga kailangan pero napakaganda ng suggestion niya.

"Sure!" nakangiting sabi ko pero agad din binawi ng matauhan. Tumango na lang ito sa akin.

"Tara sa loob." aya ko sa kanya.

Nauna akong pumasok sa loob, tinignan ko kung sino ang nasa sala. Naabutan ko si papa at mama na nanonood. Mahina akong tumikhim ng makita nila ako.

"Nandito po si Hudson." sabi ko sa kanila, binuksan ni mama ang ilaw sa sala.

"Papasukin mo." sabi ni papa sa akin.

Lumabas ako para papasukin si abo, niluwagan ko ang pagbukas ng pinto.

"Pasok ka daw." sabi ko sa kanya.

Pinauna ko siyang pumasok sa loob. Napangiti ako ng tanggalin niya ang sapatos na suot at itabi sa gilid. Natira ang itim niyang medyas sa kanya. Tinanggal nito ang itim niyang coat. Kinuha ko iyon saka sinabit sa gilid.

" Good evening tito and tita." sabi nito sa magulang ko. Umayos ng upo si papa, si mama naman ay tumungo sa kusina.

"Magandang gabi, iho." sabi ni papa sa kanya. "Maupo ka." umupo si abo sa isang sofa. Nilapag ko ang bag ko sa kwarto saka pumunta sa kusina para tulungan si mama.

"Ano'ng ginagawa ni Hudson dito?" tanong ni mama sa akin, naghahanda siya ng pagkain para sa kanya.

"Nagkita kami kanina, tutulong daw siya sa paglilipat ko."sabi ko sa kanya. Ramdam ko ang paninitig ni mama pero hindi ko siya nilingon, ayokong bigyan niya ng ibang malisya.

Sawyer Series#2: Here's your Perfect (Completed)Where stories live. Discover now