15

176 3 0
                                    

Chapter 15

  Kinabukasan ay maaga akong nagising. Dahil sabado ngayon ay wala akong pasok. Hindi ko pa naaayos ang mga gamit ko kagabi dahil maaga akong nakatulog, dahil na rin siguro sa pagod. Ako pa lang ang mag-isa dito. Mamaya pa darating si Lyka.

Kinuha ko ang cellphone ko at tinignan kung may message ang dalawa sa gc namin.

Lyka:
   Sana gising ka na, Charlotte.

Marie:
Nananaginip pa 'yan, masyadong maganda ang nangyari sa kanya kagabi.

Napabuga na lang ako sa hangin. Umupo ako at nag tipa ng reply sa kanila.

Ako:
  Walang foods, anong oras ka pupunta, Lyka? Pakidalhan ako ng pagkain. Lagyan mo na rin ng konting bilis.

Lyka:
  Medyo makapal ang mukha mo a, mamaya pa. Nag iimpake pa ako.

Ako:
   Ano ba 'yan, apakatagal.

Lyka:
  Apakaarte mo. Magluto ka!

Tinawanan ko na lang ang reply niya. Tinabi ko ang cellphone ko. Inunat ko ang dalawang kamay at tumayo na. Pumasok ako sa cr na wala pang laman, lumabas ako para kunin ang mga gamit ko para sa cr. Pagtapos maghilamos ay lumabas ako ng kwarto, wala talagang laman ang kusina, wala man lang mga groceries!

Nakanguso kong sinara ang mga cabinet, nagugutom na ako. May 7 11 sa baba pero tinatamad akong bumaba. Pero nagugutom na ako! Pagdating ni Lyka ay saka na lang kami mamimili ng grocery. Para naman may ambag siya.

Nag-ayos ako ng sarili bago naisipan na lumabas ng unit. Dala ko ang pera at cellphone ko, hindi ko alam kung anong kakainin ko. Diretso tanghalian na kaya? Para hindi na ako bumaba mamaya.

Pumasok ako sa elevator, may dalawang babae akong kasabay. Nakasuot ito ng pang opisina. Agad kong napansin ang logo sa gilid ng polo nila at may Sawyer Company sa baba nito. Empleyado sila ni Abo.

Bumukas ang elevator sa 12th floor, bahagyang nanlaki ang mata ko ng makita si abo na pumasok sa loob. Agad siyang binati ng dalawang babae. Tinignan ko ang suot nito,  blue botton down shirt at kulay itim ang suot nitong coat at pants.

Tumango ito sa dalawa, malalim na mga tingin ang binigay niya sa akin. Napatingin ako sa suot ko, simpleng jogging pants at t shirt lang ang suot ko.

"Morning." sabi nito sa akin, tumabi ito sa gilid ko. Pasimple kong tinignan ang dalawang babae, biglang nag-iba ang reaksyon ng mga mukha nila.

"Good morning." mahinang sabi ko.

Nawawala ang kapal ng mukha ko dahil sa suot ko ngayon, wala akong confidence na magpapansin sa kanya. Nakakainis naman, hindi ako aware na dito siya nakatira. Kung sabagay, malapit lang naman sa trabaho niya.

"Saan ka pupunta?" tanong nito sa akin.

Ngumuso ako. "Mag-aalmusal." sagot ko. Tinignan nito relong suot, napatingin din ako sa itim niyang relo. Nakadagdag ng hotness niya.

"Ok."sagot nito. Hindi na ako nag salita.

Pagdating sa 8th floor ay medyo dumami ang pumasok sa loob ng elevator, nanlaki ang mata ko ng makita si Bentley. Agad nagtama ang paningin namin. Ngumiti ito sa akin, nanigas ang katawan ko ng maramdaman ang kamay ni Abo sa bewang ko.

"Good morning," sabi ni Bentley sa akin. Tipid akong ngumiti at tumango sa kanya. Jusko! Bakit nasa iisang condo kami nakatira? Ang ganda talaga ng timing.

Tinignan ko si abo, agad akong nag-iwas ng tingin ng makitang nakatingin din siya sa akin. Hindi ako bagay sa kanya ngayon, masyadong expensive ang suot niya para sa akin. Ano ba 'yan, sana pala ay naligo na muna ako.

Sawyer Series#2: Here's your Perfect (Completed)Where stories live. Discover now