24

179 7 1
                                    

Chapter 24

  "I really need to go, bye guys!" paalam ni Rupert sa amin. Kumaway ako sa kanya. Isang van ang sumundo sa kanya. Nagpaalam na rin sila kaya kaming dalawa na lang ni abo ang naiwan. Binuksan nito ang front seat ng sasakyan niya.

"Uuwi ako sa bahay." sabi ko sa kanya, pwede niya namang hindi ako ihatid.

"Ihahatid na kita." tumango na lang ako at sumakay na sa loob. Sinundan ko siya ng tingin hanggang makasakay na siya sa driver seat. He started the engine, ang isang siko nito ay nakasandal sa bintana habang nakahawak sa ibabang labi niya.

His lips are kissable. Ano kayang lasa niyan? Iniling ko ang ulo ko at iniwas ang tingin ko sa kanya. Bakit bigla kong naisip 'yon?

"Ahm, kahit i-drop mo na lang ako sa sakayan. Masyado nang late." sabi ko sa kanya, alas nueve na nang gabi. Baka may gagawin pa siya.

"In that kind of dress? No, Charlotte. Ihahatid kita sa bahay nyo." masungit na sabi nito, ngumuso ako.

"Sungit mo naman."

Sinulyapan ako nito, he rolled his eyes to me kaya mahina akong natawa. Gusto ko talaga kapag umiirap siya e, ang cute niyang tignan! Cute na may pagka hot.


"Wala kang balak na mag-artista?" tanong ko sa kanya. Ang boring naman kung wala kaming pag-uusapan.

"It's not my thing."agad na sabi nito, napatango ako. Kung sabagay, sapat na ang kinikita niya sa trabaho niya.

"Bakit si Rupert?" tila mali ang tanong ko dahil agad nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. Bakit parang bigla siyang nagalit?

"Why don't you asked him? Tutal ay magkatext naman kayo." masungit na sabi nito.

Pinigilan ko ang tumawa. Tumingin ako sa inosenteng paraan. "Ah, sige. Mamaya ay tatanungin ko siya."

Nanlaki ang mata ko ng bigla na lang niyang ihinto ang sasakyan. Agad akong napatingin sa labas, nakahinto sa gilid ang sasakyan. Mabuti na lang at walang ibang sasakyan sa harapan namin!

"Ano ba?!"gulat na tanong ko sa kanya.

"You're not going to text him, Charlotte." malamig na sabi nito sa akin, patago akong ngumisi.

"But...sinabi mo a!"

Nilingon ako nito, masama na ang tingin sa akin. Tinaas ko ang dalawa kong kamay at nagpakawala ng mahinang tawa.

"Kalma, nagbibiro lang ako." sabi ko sa kanya, inirapan niya ako bago muling  paandarin ang sasakyan. Ang seloso naman ata nang asawa ko.

Umayos ako nang upo, hindi na mawala ang ngiti sa labi ko. Wala siyang sinasabi kung anong meron sa aming dalawa. Pero kahit ganoon ay panatag ako, pakiramdam ko ay parehas kami nang nararamdaman pero ayoko na munang umasa. Mas mabuting marinig ko mismo sa kanya ang salitang hinahanap ko.

Mahigit isang oras ang byahe namin. Maayos niyang pinarada ang sasakyan sa tapat ng gate. Nakita ko ang isang sasakyan doon, bahagyang kumunot ang noo ko nang malaman kung kanino 'yon. What the? Anong ginagawa dito?

"Are you ok?" napatingin ako kay abo nang itanong niya 'yon.

"Yep," sagot ko. Binuksan ko ang pintuan saka bumaba, nagulat ako ng bumaba din ito. Akala ko ay hindi na siya bababa!

"Papasok ka?" tanong ko sa kanya.


"You don't want?" agad akong umiling sa kanya. "Hindi, sige pasok ka." sabi ko sa kanya, hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako.

Sawyer Series#2: Here's your Perfect (Completed)Where stories live. Discover now