17

170 4 0
                                    

Chapter 17

   Hindi ako makatayo nang maayos. Kaming dalawa lang ang nasa loob ng elevator. Wala bang papasok? Naiilang na talaga ako, kanina pa actually.

"Ahm, matagal bang kumuha nang license?" tanong ko sa kanya, hindi ko na kaya ang katahimikan na nangyayari sa aming dalawa.

"I think. Pero may kilala ako." sagot nito.


"Kilala?" takang tanong ko sa kanya, kung may kilala siya...edi mapapadali ang pagkuha ko ng lisensya. Ayos 'yon. May connection siya.

"Yep." he answered. Tumango ako sa kanya.

Pagdating sa parking ay nauna siyang bumaba sa akin. Pinatunog nito ang kanyang sasakyan, ibang sasakyan naman ito. Kulay pula, binuksan niyang front seat. Ilan kaya ang sasakyan niya? Pa iba-iba siya nang gamit.

Pag upo ko ay agad siyang umikot papunta sa driver seat. Kinabit ko ang seatbelt sa katawan ko. Umayos ako ng upo, inumpisahan na nitong paandarin ang sasakyan.

"Ilan sasakyan mo?" tanong ko sa kanya.

Sinulyapan ako nito. "I don't know." sagot nito, nangunot ang noo ko. Imposibleng hindi niya alam, pwede ba 'yon?

"Damot a," mahinang sabi ko, narinig ko ang mahina niyang tawa kaya naman tinignan ko siya. Nakatingin ito sa akin.

"Why do you want to know?" tanong nito, nakalabas na kami nang parking.


"Wala lang." sagot ko. Para naman kapag nagsama na kami ay hindi na ako mabibigla kung iba naman ang gagamitin niya.

"I have 5 here in the Philippines. 3 in spain." sagot nito, nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Lima dito sa pilipinas? What the hell?! Ilan ba siya? Bakit ang dami nang sasakyan niya?

"Wow, you're really rich, huh." sabi ko sa kanya.

"Aha," aniya. Sumimangot ako. Kung mahirap ang nakaagaw ng atensyon niya ay paniguradong manliliit kapag kasama siya. Ako pa nga lang na kahit papaano ay meron nanliliit na e, masyadong malayo ang agwat namin sa isa't isa.

"Lahat 'yon nagagamit mo?" tanong ko.


"Of course. I let you use the one if you want." bigla akong nabuhayan sa sinabi niya. Umayos ako ng upo paharap sa kanya.

"Talaga?" tanong ko, sinulyapan ako nito.


"If you w---


" Of course! Ang hirap kayang mag commute." putol ko sa sasabihin niya, natigilan ako. Gaano ba kami ka close para pahiramin niya ako nang sasakyan niya?

" I mean...'wag na pala." bawi ko, baka pagalitan ako ni papa! Sabihin niya ay ang kapal ng mukha ko para manghiram ng sasakyan.

" Why? "agad na tanong nito sa akin.

" Basta..."mahinang sabi ko.

" Ok, "aniya, may dinugtong pa siya pero hindi ko na 'yon narinig. Hindi ko na siya tinanong doon.

Sayang din noh, kapag pinahiram niya ako nang sasakyan niya ay baka hindi niya na ako ihatid sa school . Medyo makapal sa parteng' yun pero baka ganoon ang mangyari. Sayang kaya 'yun. So anong silbi ng lisensya mo, Charlotte?

Hininto niya ang sasakyan sa  gilid ng isang matayog na building. Hindi ko alam kung anong meron dito. Nauna siyang bumaba sa akin kaya bumaba na rin ako. Nakakapanliit siyang kasama, literal na manliliit ka dahil sa tangkad niya. Hindi man lang niya ako umabot ng balikat.

Sawyer Series#2: Here's your Perfect (Completed)Where stories live. Discover now