47

111 2 1
                                    

Chapter 47
  
      Kanina pa ako pa ikot ikot dito sa higaan ko. Tinignan ko ang oras, alas dos na nang madaling araw. Hindi ako makatulog! Mabuti na lang at wala akong morning class bukas. Inis akong umupo at kinuha ang cellphone ko, ganoon na lang bumagsak ang balikat ko nang wala pa ring reply or update si Abo.

Masyado ba siyang busy at hindi niya magawang makapag reply man lang?

Bigla akong napanguso. Dapat ay ngayon ang uwi niya galing spain, isang linggo na siya doon. Isang linggo ko na siyang hindi nakikita! Sobra ko nang miss ang boyfriend ko.

Bigla akong nataranta ng tumunog ang cellphone ko, sasagutin ko na sana ang tawag pero nang malaman kong  si Bentley ang tumatawag ay nanlumo ako, akala ko ay si Abo na. Pero teka, bakit tumatawag ng ganitong oras si Bentley?

Hindi ko sinagot ang tawag, maya maya din ay namatay ito. Muling tumunog ang cellphone ko, may message naman akong natanggap kay Bentley. Hindi na ako nagdalawang isip na basahin ito.

Bentley:
  You awake? I just want to say na, nakita ko si Hudson here sa BGC with a girl.

Kumunot ang noo ko ng mabasa ko ang message niya. Kung totoo man ang sinasabi niya ay narito na si Abo sa pilipinas? Bakit hindi man lang niya sinasabi sa akin? Bakit wala man lang akong message na natanggap sa kanya kung narito na siya? At sino naman ang kasama niya?

Para akong tanga dahil sa dami ng katanungan na hindi ko masagot. Kinuha ko ang cellphone ko, nag message ako kay Abo.

Ako:
  Are you here na ba?

Hindi ko alam kung nakailang message na ba ako sa kanya na wala pa rin niyang reply. Nabigla ako ng tumunog ang cellphone ko at message ni Abo iyon. Hindi ko agad binasa ang message niya, pinatagal ko ng limang minuto bago basahin.

Abo:
  You still awake? Can we meet?

Hindi ko alam kung bakit may kakaiba akong naramdaman sa message niya. Umayos ako ng upo saka nagtipa ng reply sa kanya.

Ako:
  Nagising ako. Sure, saan ba?

Abo:
  I'm here, sa tapat ng unit mo.

Nanlaki ang mata ko ng mabasa ang message niya. Dali dali akong tumayo, saglit kong inayos ang sarili ko at nang makuntento na ay dahan dahan akong lumabas ng kwarto.

Madilim na sala ang bumungad sa akin, dahan dahan akong naglakad papunta sa pinto. Malamang na tulog na sila dahil anong oras na din. Huminga ako ng malalim saka binuksan ang pinto. Agad sumilay ang ngiti sa labi ko nang makita si Abo, agad ko itong niyakap.

"Welcome back," nakangiting sabi ko habang nakayakap sa kanya. Naramdaman ko ang ganting yakap nito sa akin. Mas lalong lumaki ang ngiti ko.

Humiwalay ako ng yakap sa kanya, unti unting nawala ang ngiti sa labi ko ng wala man lang akong makitang anumang reaksyon sa mukha niya. Bigla akong ginapangan ng kaba.

"What's wrong?" Nag aalalang tanong ko sa kanya.

Hindi ito nagsalita. Kinuha nito ang cellphone ko, pinanood ko siyang magkalikot sa cellphone niya. Nanlaki ang mata ko ng iharap niya ito sa akin.

"What's that?" Takang tanong ko sa kanya, pero alam ko kung sino ang nasa litrato na 'yun.

It's me and Bentley, na magkausap sa labas ng club.

"Anong ibig sabihin nito?" Malamig na tanong nito sa akin, bigla akong nawalan ng sasabihin. Wala namang ibig sabihin ng picture, magkatabi lang kami ni Bentley.

Sawyer Series#2: Here's your Perfect (Completed)Where stories live. Discover now