52

120 3 0
                                    

Chapter 52

     Nakakunot ang noo ko kay abo ng makita ang mga pagkain na nakahain sa mesa. May mga chichirya din na nakalagay sa kabilang kama. Bakit ang dami naman niyang order? Kaming dalawa lang naman ang kakain a.

"Bakit ang dami?" Nagtatakang tanong ko sa kanya, nakita ko sa hinihigaan niyang kama ang apat na bote ng san mig apple.

"I thought you're hungry?"

Napailing na lang ako sa kaniya. Umupo ako sa vanity mirror at pinatuyo na ang buhok, mabuti na lang talaga at may heater sa CR, dahil kung wala ay hindi ako makakaligo. Paglabas mo pa lang ng cr ay sobrang lamig na e.

"Let's eat first."

Tumayo na ako saka naglakad papunta sa mesa, tumayo na din siya. Mabuti na lang at malaki ang mesa na nandito sa kwarto namin, kasya ang mga inorder niya.

"What do you want first?" Tanong nito.

Kinuha ko ang buttered shrimp at naglagay na sa pinggan ko, pati sa kanya ay nilagyan ko na din. Hindi naman siya nagreklamo. Kumuha na rin ako ng kanin at nagsimula nang kumain.

"Where you want to drink? Dito sa loob or sa balcony?"

Tinignan ko naman ang balcony, malamig pero mas romantic kapag sa labas. Tiis lamig para sa pag ibig, yayakapin naman ako mamaya ni Abo. Natawa ako sa naisip.


"Sa labas na lang, para mas romantic." Sagot ko sabay baba taas ng kilay, inirapan lang ako nito kaya mahina akong natawa. Kahit kailan ang sungit, pasalamat na lang siya at gwapo siya at mahal ko siya.


Nagkwentuhan lang kami habang kumakain, hindi namin naubos kaya naman ay tinakpan ko na 'to at pinasok na sa ref. Pwede naman initin kapag naisipan na kainin, may lutuan din kasi dito.

Dinala na ni abo ang mga alak sa labas, apat na bote lang naman 'yun. Iyon lang ang iinumin namin? Ang hina niya naman. Inayos ko ang sarili ko, kinuha ko ang mga chichirya tsaka dinala sa labas.

Malamig na hangin ang sumalubong sa akin, mabuti na lang at makapal na jacket ang suot ko. May dalawang upuan at may maliit na mesa sa gitna.

"Ang lamig," mahinang sabi ko.

Nilingon ako ni Abo, tinignan ko ang san mig na hawak nito saka inabot sa akin. Nakaopen na 'to, nakangiting kinuha ko sa kanya ang san mig.

"Eto lang iinumin natin?" Tanong ko sabay tungga. Umupo na ako sa upuan, umupo na rin siya sa tabi. Napangiti ako ng wala sa oras, isa ito sa mga pangarap ko.

"Yes." Simpleng sagot niya, nagkibit balikat na lang ako. Yes daw e, wala naman akong choice. Ayoko rin naman na malasing if ever.

"Bukas, saan naman tayo pupunta?"

"Saan mo gusto?" Balik tanong niya.

"Sky ranch? Then diretso na tayo uwi,"

"Alright then,"

Katahimikan ang bumalot sa amin, wala rin naman akong sasabihin sa kanya. Pero eto ang katahimikan na gusto ko, walang ibang iniisip, magaan sa pakiramdam.

"How's Andres and Tasha?" Maya maya ay tanong ko, hindi ko alam kung bakit bigla silang sumagi sa isipan ko.


"They're both healing." Tumango tango ako sa sagot niya, isang buwan pa lang ata simula nang mamatay ang lolo nila.

"Nagkakausap pa kayo ni Andres?"

Nilingon niya ako, tinungga niya ang san mig na hawak.

Sawyer Series#2: Here's your Perfect (Completed)Where stories live. Discover now