35

177 2 0
                                    

Chapter 35

  Para akong tuod na nakaupo sa sofa nang condo ni abo, pumasok siya sa kwarto niya para makapagpalit ng damit. Ngayon ko lang napagtanto 'yung suggestion ko sa kanya. Bakit nga ba dito sa condo niya kung pwede naman sa ibang lugar? Walang ibang tao maliban sa aming dalawa!

Umayos ako nang upo nang marinig ang pagbukas ng pintuan ng kwarto niya. Tumabi ito nang upo sa akin, nakabukas ang TV kanina pa, pero hindi ko maintindihan kung ano ang palabas. Hindi ako makapag focus!

"May gusto ka bang kainin?" maya maya ay tanong ni abo, hawak nito ang remote.

Lumingon ako sa kanya, parang kanina lang ay ang lakas kong magsabi sa kanya na dito kami sa condo niya. Ang lakas ko rin siyang sagutin kanina, anong nangyari ngayon?

"Wa--wala naman," gusto kong batukan ang sarili ko nang mautal ako. Shook! Baka mamaya ay iba ang isipin niya!

"Nervous?"

Napasandal ako sa sandalan ng ilapit ni abo ang sarili niya sa akin. Halos maduling ako sa lapit ng kanyang mukha. Ang bango naman ng hininga niya!

"A--no?" nauutal na tanong ko sa kanya.

Sumeryoso ang kanyang mga tingin, nanunuyo ang lalamunan ko! Napapikit ako nang ayusin niya ang ilang hibla nang buhok ko at ilagay ito sa likod ng tenga ko.

"You're mine now, Charlotte."

Nang imulat ko ang mga mata ko ay nakangiti ito sa akin, mabilis na gumuhit ang ngiti sa labi ko. Muli akong napapikit ng maramdaman ang halik niya sa aking noo.

"I'm always yours," mahinang sambit ko. Idinilat ko ang parehas kong mata, hindi ko maiwasan ang ngumiti.

"Bakit ang gwapo mo?" wala sa sariling tanong ko sa kanya, kumunot ang noo nito saka mahinang natawa. Umayos ito nang upo at hinawakan ang kamay kong namamahinga sa hita ko.

"Am I?"

Gusto ko siyang irapan dahil sa tanong niya. Hindi ba siya aware na gwapo siya o wala lang talaga siyang pake?

"Yep, kaya nakakatakot kasi madami ang kaagaw." sambit ko. Humigpit ang hawak niya sa aking kamay kaya nilingon ko siya.

"Don't mind them, Charlotte." aniya, ngumuso ako.

"Eh kasi---

Nanlaki ang mata ko nang bigla na lamang niyang nilapit ang kanyang mukha at nilapat ang kanyang labi sa akin. Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko!

" Stop thinking that, hmm?"

Wala sa sariling tumango ako, ang bitin ng kiss niya! Gusto ko 'yung medyo mahaba. Sabihin ko kaya sa kanya?

"Let's watch." bagsak balikat akong umayos ng upo, dapat isa pang kiss e!

Tatlong oras kaming nanatili sa condo niya. It's already 10:30, late na! Hindi ko namalayan ang oras dahil sa panonood, nakatatlong palabas din kami a.

"Ihahatid kita bukas, what time your exam?" tanong niya, inabot ko ang bag na hawak niya. Nasa tapat na kami ng unit ko at ready na akong bungangaan ng dalawa.

"8 ang exam ko bukas hanggang 3." sagot ko. Medyo madami ang itetest namin bukas. Dapat ay nag-re-review ako at hindi nakikipaglandian.

"Alright. Goodluck then." nakangiting sabi niya.

Ngumiti ako nang matamis sa kanya, mabilis kong nilapat ang labi ko sa kanya saka nag iwas ng tingin. Nanlaki ang mata ko nang bigla na lang niyang hawakan ang bewang ko at ilapit sa kanya.

Sawyer Series#2: Here's your Perfect (Completed)Where stories live. Discover now