49

128 3 0
                                    

Chapter 49

     Inirapan ko si Lyka, nang aasar kasi ang tingin nito. Ang aga aga, nang iinis siya.

"Tigilan mo 'ko, Lyka." Medyo inis na sabi ko sa kanya, kagigising ko lang at mukha niya agad ang bubungad sa umaga ko.

Mahina itong natawa saka inirapan ako, parang tanga lang. Ininom ko ang gatas na tinimpla ko, sinulyapan ko ang cellphone ko. Wala pa rin akong natatanggap na message mula kay abo, tatlong araw na simula ng umuwi siya. Tatlong araw na rin kaming hindi nag uusap at nagkikita, kahit na same building lang kami ay hindi talaga kami pinagtagpo.

Nakakainis, miss na miss ko na siya.

"Hindi pa rin kayo nag uusap?" Tanong ni Marie sa akin, umiling naman ako sa kanya.

"Kinalimutan niyang may jowa siya," sambit ko, sabay silang tumawa kaya sinamaan ko sila ng tingin. Talagang hobby na nila na pagtawanan ako.

"Puntahan mo na kasi, baka mamaya ay ikaw lang ang inaantay niyan." Sabi ni Lyka.

"Baka kapag pinuntahan ko siya ay maulit na naman." Nakasimangot na sabi ko.

"Subukan mo ulit, mapapahiya ka lang naman." Inirapan ko na lang si Marie.

Pagkatapos mag almusal ay naligo na ako, may pasok ako ngayong araw pero isang klase lang. Kaya naman ay maaga akong uuwi ngayon, gusto ko sanang dumaan sa bahay pero wala na namang tao doon. Hindi ko tuloy makausap si papa tungkol sa sasakyan na gusto ko.

Tinignan ko ang sarili sa salamin, nakasuot ako ng highwasted black jeans at white top. Inilugay ko na lang ang buhok ko na medyo kinulot sa baba. Naglagay na lang din ako ng light make up. Kinuha ko na ang back pack ko saka lumabas ng kwarto.

"Ang aga naman ata ng pasok mo," ani Lyka. Palibhasa ay mamayang hapon pa ang klase niya kaya naman ay nakatambay pa ito.

"Oo, isang subject lang naman ako ngayon." Sabi ko.

"Tapos, susuyuin mo na si abo mo?" Nakangising tanong nito, inirapan ko siya. Nagsuot na ako ng puting sapatos.

"Manlalalake ako,"

Narinig ko ang pagtawa niya ng malakas. Nagpaalam na ako sa kanya saka lumabas na nang unit. Sana lang ay hindi mainit para hindi mahirap na mag commute. Pagpasok ko sa elevator ay nakasabay ko si Aj, nasa tabi nito si Aivan.

"Ang aga aga ang lungkot mo," puna ko kay Aj, mas lalo lang siyang sumimangot sa akin.

"Gusto kong puntahan si Andres," aniya, halata sa mga mata niya ang pamamaga. Ilang araw na nga ba silang nandoon? Ang pagkakaalam ko kasi ay hindi talaga nagpaparamdam ang dalawa sa kanila.

"Ikaw pa rin naman ang love non," ani Aivan, inirapan ko si Aivan.

"Wala kang dulot,"

"Nakita ko bf mo a, may kasama nang iba. Sabi ko sa'yo e, dapat ako na lang ang pinili mo." Aniya.

"Kapal naman ng mukha mo," irap matang sabi ko sa kanya. Gusto ko sanang tanungin kung saan niya nakita si abo, pero pakiramdam ko ay si Ivana na naman ang kasama niya. Edi magsama sila.

Pagdating sa baba ay naghiwalay na kami, ihahatid niya si Aj sa UP, nag aya pa si Aivan na isasabay ako pero tumanggi ako. Baka malate ako sa klase dahil nga ay ihahatid niya si Aj. Nakaramdam ako ng awa kay AJ, bakit ba naman kasi hindi magawa ni Andres na magparamdam, ayaw niya ba nang LDR? Mag wowork naman siguro sa kanila.

Nagkibit balikat na lang ako saka naglakad na sa sakayan, napahinto ako sa paglalakad ng makita si abo na kasama si Ivana, pero may kasama pa silang iba. Mapait akong ngumiti, talaga bang wala siyang balak na makipag usap sa akin? Nagtama ang paningin namin, ako ang unang nag iwas ng tingin saka nagpatuloy sa paglalakad.

Sawyer Series#2: Here's your Perfect (Completed)Where stories live. Discover now