69

154 4 2
                                    

Chapter 69

   Inunat ko ang parehas na kamay, kinuha ko ang remote saka pinatay ang tv. Tinignan ko ang dalawa, parehas ng nakapikit ang  kanilang mga mata. Natawa ako, ang panget kasi ng pwesto nila. Kinuha ko ang cellphone ko saka kinuhanan sila ng litrato, bahagyang nakanganga pa si Lyka. Sinend ko ito sa gc naming tatlo, malamang sa malamang na makakatikim ako ng mura sa kanila.

Bigla akong nakaramdam ng gutom kaya naman ay nagpalit ako ng damit at naisipan na maghanap ng makakain sa labas, may mga stocks naman dito sa condo. Gusto ko lang ng kakaiba.

Paglabas ko ay sakto naman ang pagbukas ng pinto sa kabila, hindi na ako nagtaka ng makitang si Ivana ang lumabas doon, para siguro sa kanya ang isang pinggan na inihahanda ni Hudson kanina.


"O, hi," nakangiting sabi ni Ivana, ngumiti din ako sa kanya. Tinignan ko si Hudson, nakatingin din ito sa akin kaya naman ay nag iwas ako ng tingin sa kanya.


"Hi." Sabi ko, hindi ko alam kung maganda ba 'yung ngiti na binigay ko.


"May lakad ka?" Tanong ni Ivana, makapagtanong siya ay akala mo close kami.

Napanguso ako, bakit ba ang sungit ko? Malamang na nagseselos ako!

"Ah, may dadaanan lang sa baba." Sabi ko.


"O, really? Sabay ka na sa amin," aya niya.



Umiling naman ako, hindi naman ako tanga para sumabay sa kanila. Muli kong binuksan ang pintuan ng unit namin, "Mauna na kayo, may naiwan pala ako." Sabi ko, hindi ko na sila inantay na makapag salita at pumasok na sa loob. Dali dali ko silang sinilip sa peep hole, nauunang maglakad si Hudson sa kanya.


"Madapa sana kayo," bulong ko sa isipan ko.



Nagpalipas ako ng sampung minuto bago lumabas ulit. Siguro naman ay hindi ko na sila makakasabay, ayokong makita ang pagmumukha nilang dalawa. Bigla akong natawa sa naisip.


Tinignan ko muna ang hallway, nang masiguro kong wala na ay sinara ko na ang pinto. Hindi ko alam kung bakit pinag iisipan ko kung saan ako dadaan, sa stairway ba o sa elevator. Namalayan ko na lang ang sarili ko na bumababa sa hagdan.


"Tangina, asa 12th floor pala kami. Ba't 'di ko naisip 'yun?"


Napanguso ako nang makitang nasa 9th floor pa lang ako pero hinihingal na ako. Kailan ba ang last na work out ko? Sa new york pa 'yun e. Hindi ko na kaya, kaya naman ay nag elevator na ako.


"Ano bang pumasok sa isipan mo, Charlotte at naghagdan ka?" Mahinang tanong ko sa sarili ko.


"Syempre katangahan,"


Paglabas ko ay ramdam ko pa rin ang pagod, napailing na lang ako at pumunta na sa dapat puntahan. Hindi ko alam kung saan ako pupunta, hindi ko alam kung anong kakainin ko. Kailangan ay may uwi akong pagkain para sa dalawa.


Hindi naman ako nagtagal sa baba at agad din na bumalik sa unit, pagdating ko ay gising na ang dalawa. Nanonood na naman sila ng TV.


"Wala ba kayong ganap? Himala at nakakulong kayo dito sa unit," sabi ko sa kanila. Agad naman nila akong nilingon, nilapag ko ang pagkain na dala ko sa mesa.


"Ano 'yang dala mo?" Si Marie ang nagtanong.


"Pizza, tara."


Hindi ako kumain nag isa kaya naman at tinake out ko na lang.



Sawyer Series#2: Here's your Perfect (Completed)Where stories live. Discover now