70

136 3 0
                                    

Chapter 70

   "Ma'am, naiintindihan niyo po ba?" Tanong ni Aki sa akin, kanina pa sila nakabalik dito. Maling mali talaga na pumayag akong pumunta dito!

"Ha?" Lutang na tanong ko sa kanya.

"Kumain na po ba kayo?" Tanong niya na nakangiti. Patago akong ngumuso, ano ba kasing sinasabi niya?

"Hindi pa,"

Tinignan ko ang oras, alas quatro na nang hapon. Breakfast lang ang kinain ko, hindi pa ako nag lunch kasi nagkulong ako sa kwarto dahil sa nangyari kanina. Inaantay daw ako ng dalawa, pero nagpanggap akong natutulog.

Gusto ko nang umuwi!

"Pwede na bang umuwi?" Maya maya ay tanong ko, naglalakad kami ngayon papunta sa restaurant ng resort.

"P—po?"

Umiling na lang ako.

Agad akong nag iwas ng tingin ng makita ang dalawa na kumakain. Liliko na sana ako para hindi nila ako makita pero tinawag ni Aki ang pangalan ko dahilan para lingunin ako ng dalawa, patago akong umismid, Aki naman! Sana marunong kang makiramdam.

"Bakit?" Walang emosyon na sabi ko, pinilit kong 'wag kabahan o mautal man lang.

"Dito po, sasabay po kayo sa kanila." Aniya sabay tingin sa dalawa na nakatingin sa amin. Paano ko ba tatanggihan?

"Ay—

"Be professional, Charlotte. Were going to talk about work." Sabi ni Andres sa akin, inirapan ko siya. Sinadya ko talaga siyang irapan, ngumisi siya sa akin. Nasaan ba si AJ? Bakit hindi ko pa siya nakikita.

Padabog akong umupo sa tabi ni Andres, gusto ko siyang saktan ng marinig ko ang mahina niyang tawa. Sumunod naman si Aki sa akin, umupo siya sa tabi ko, bale si Hudson lang ang nakaupo sa harap namin.

Eto na naman 'yung kakaibang nararamdaman ko, 'yung pagiging abnormal ng tibok ng puso ko.

"Order what you want, si Hudson na ang may sagot." Ani Andres, gusto ko sanang sabihin na may pambayad ako pero 'di na ako nagsalita. Hinayaan ko na si Aki na mag decide.

"Mag rice ba kayo ma'am? Hindi pa kayo nag lunch 'di ba?"

Wala sa oras na napatingin ako kay Hudson, inangatan niya ako ng kilay. Mabilis akong nag iwas ng tingin.

"Oo sige," sagot ko. Mamaya nga ay kakausapin ko si Aki, para alam niya kung kailan siya gagalaw at magsasalita. Napapahiya ako ng wala sa oras e, ilang beses na!

"Late na, bakit hindi ka pa kumakain?" Tanong ni Andres sa akin.

"Nakatulog ako," pagsisinungaling ko. Uubra naman 'yun, kasi hindi naman nila ako nakitang lumabas.

"Nakatulog o nagtago?" Tanong ni Andres, kumunot ang noo ko sa kanya. Isa pa siya!

Si Aki lang ang nakakausap nila, wala naman kasi akong alam sa pinag uusapan nila. Nakikinig lang ako, minsan ay tumatama ang paningin ko kay Abo, pero ni minsan ay hindi siya tumingin sa akin. Nakatingin lang ito kay Aki o kay Andres, pero mas madalas sa laptop na kaharap niya.

Aware naman siyang narito ako 'di ba? Bakit hindi man lang niya ako tapunan ng tingin?

"How about you, Charlotte? Do you have any suggestion?" Tanong ni  Andres sa akin dahilan para mag angat ako ng tingin sa kanya.

Ano bang trip niya? Alam ko naman na alam niyang hindi ako nakikinig.

"Wala," pabalang na sagot ko, inirapan ko siya ng makitang ngumisi siya sa akin.

Sawyer Series#2: Here's your Perfect (Completed)Where stories live. Discover now