36

176 5 1
                                    

Chapter 36

  Pagpasok namin sa popeyes ay agad naglingunan ang ilang mga babaeng kumakain. Pati ang mga babae sa cashier ay napatingin sa kanya, ngumuso ako. Sinabit ko ang kamay ko sa braso niya para ipaalam na ang gwapong 'to ay sa akin na.

"Possessive a," halata ang pang aasar sa tono niya. Sinamaan ko siya nang tingin saka mahinang kinurot ang tagiliran niya. Narinig ko ang mahinang tawa niya dahilan para tignan ulit siya.

"Ang hirap mo namang kasama," nakangusong sabi ko sa kanya.

Umupo kami sa pang dalawahan na upuan, inalalayan niya akong umupo bago siya umupo sa harapan ko.

" What do you want to eat?" tanong nito sa akin, ano bang pwedeng makain dito? Bawal ba 'yung nasa harapan ko na lang? Napailing ako sa naisip.

"You decide," sabi ko sa kanya, tinignan niya ako ng ilang segundo bago tumayo at naglakad papunta sa counter. Dahil sa sobrang tangkad niya talagang nakakaagaw pansin siya.

Wala pang sampung minuto nang makabalik siya dala ang isang tray. Ang bilis naman ata niya, nang tignan ko ang pila ay medyo mahaba. Anong ginawa niya?

"Ang bilis mo a," sabi ko sa kanya, nilapag nito ang tray saka inasikaso ang order.


"Mabilis sila," Aniya. Ngumuso na lang ako at di na nagsalita.

Naramdaman ko ang pagkalam ng sikmura ko  nang mailapag niya sa harapan ko ang pagkain. One piece chicken ito na may kasamang fries.

"Do you want extra rice?" tanong ni abo sa akin, umiling ako sa kanya. "Hindi na," sagot ko.

"Ok,"

Nagsimula na kaming dalawang kumain. Hindi ko alam kung bakit naiilang ako sa kanya ngayon. Hindi naman ito ang unang beses na kain naming dalawa.

"You ok?" maya maya ay tanong nito, mabilis naman akong tumango sa kanya. "Yeah, why?" umiling lang ito sa akin.


Saglit kaming nagpahinga bago naisipan na bumalik sa trion, nandoon kasi ang sasakyan niya dahil walking distance lang naman ang kinainan namin.


"Kailan ka uuwi sa inyo?" tanong niya, hawak nito ang kamay ko habang naglalakad sa parking.


"After exam, why?" tanong ko.


"Ihahatid kita," aniya, tumango ako. Kilala naman na siya nila mama, pero this time ay ipapakilala ko siya as my boyfriend.

Napahinto kami sa paglalakad ng may tatlong babaeng sumalubong sa kanya. Agad kong pinasadahan ng tingin ang tatlo, lalo na ang nasa gitna. Siya ang pinakamatangkad sa kanila at maganda ang pagkakangiti nito kay abo. Ok, who is she?


"Hudson, long time no see, huh." sabi nang babaeng nasa gitna. Mahaba ang blonde nitong buhok. Kulot ang ibaba.


"Ivana," casual na sabi ni abo sa kanya. Sino ang mga 'yan?


"I told you na babalik ako, bakit hindi mo' ko sinundo sa airport?" nakangusong sabi nang Ivana. Napapansin kaya nila ako? Hello, andito ako o, kahawak kamay ni abo.

"I'm busy." simpleng sagot ni abo, mas lalong humaba ang nguso nito. Sinulyapan ako nang tatlo.


"She's Charlotte, my girlfriend." pagpapakilala ni abo sa akin ng maramdaman niyang sabay sabay na tumingin ang tatlo sa akin. Hindi sila nagbigay ng anumang reaksyon kaya ganon din ang ginawa ko. Sino ba sila? Were not close para ngitian ko sila. Iba na agad ang pakiramdam ko sa kanila.

Sawyer Series#2: Here's your Perfect (Completed)Where stories live. Discover now