66

118 3 2
                                    

Chapter 66

      "Hindi talaga kayo makakapunta?" Tanong ni Aj sa amin, narito na naman sila sa unit namin. Ewan ko ba kung bakit dito nila paboritong tumambay.

Umiling ako.

"Hindi, may kailangan akong asikasuhin sa business ni papa." Sagot ko, iyon ang totoo. Dahil ayaw ni ate na mangeelam sa business ni papa ay ako ang pinapaasikaso niya ngayon. Masyado pa kasing bata si Ingrid para ipasa sa kanya.

"E kayong dalawa?" Nakangusong tanong ni Aj kela Marie at Lyka, sabay naman na umiling sila.

"Ano ba 'yan," nakangusong sabi nito, mahina naman akong natawa.

Hindi naman sila nagtagal sa unit ko at umuwi na din, maaga pa ang byahe nila papunta sa show ni Tasha na gaganapin sa batangas. Nag ayos na ako nang gamit, sa bahay ako matutulog ngayon dahil bukas ay isasabay ako ni papa papunta sa kompanya niya.

"Doon ka na matutulog?" Tanong ni Lyka sa akin, nakahiga ito sa kama ko. Nag uumpisa na namang mang gulo.

"Oo, gusto kasi ni papa na sumabay ako sa kanya." Sabi ko.

"Alam na ba nila tungkol sa ate mo?" Tanong nito.

Umiling ako. "Hindi pa din, ewan ko kay ate. Ayaw niya pang sabihin."

Medyo halata na ang tiyan ni ate, nagkakalaman na rin siya kasi ang takaw niyang kumain nitong mga nakaraan. Wala namang napapansin sila mama dahil lagi niyang sinasabi na bloated lang daw siya. Pero alam ko naman na may nahahalata na sila, lalo na si mama dahil panay ang cravings ni ate ngayon.

"Ilang linggo ka nang narito, ni minsan hindi kayo nagkasalubong ni Hudson?" Napahinto ako sa ginagawa dahil sa tanong niya, nilingon ko siya pero nasa hawak na libro ang paningin nito.

"Hindi nga," iyon ang totoo, siguro ay mag iisang buwan na ako simula nang makauwi ako dito pero ni anino niya ay hindi ko man lang nakita. Nagtatago ba siya sa akin?

"Ano kayang magiging reaction mo kapag nagkita na kayo? Lalo kaya siyang sumarap, malamang na tutulo laway mo." Aniya sabay tawa ng malakas, binato ko sa kanya ang unan na nasa baba. Mas lalong lumakas ang tawa niya.

"Manahimik ka nga," kunyaring naiinis kong sabi sa kanya.

"Totoo sinasabi ko, Charlotte. Guwapo at masarap na siya noon, pero 'di mo aasahan ngayon. Swerte naman ni Ivana, nakakailan kaya sila?"

Sinamaan ko ng tingin si Lyka pero tinatawanan niya lang ako. Buset, nakakaramdam tuloy ako ng kirot ngayon sa dibdib, imbis na hindi ko iniisip e.

"Kahit kailan, panira ka." Irap matang sabi ko sa kanya.

"Nagsasabi lang,"

Hindi ko na siya pinansin at nagpatuloy na lang sa ginagawa. Pero ngayon ay hindi na mawala sa isip ko ang sinabi ni Lyka. Kasal na si Ivana pero lagi silang magkasama, bakit? Bakit dumidikit pa rin si Ivana sa kanya kung kasal naman na ito? Pumayag si abo na maging kabet? Natawa ako sa naisip, may nararamdaman pa kaya siya kay Ivana kaya hindi niya maiwan ito?

"Mahal ka non, 'wag kang masyadong mag isip diyan."

"Lumabas ka na nga lang," inis kong sabi sa kanya.

Malakas na tumawa ito pero hindi naman siya lumabas ng kwarto ko.

Maya maya ay may bigla akong naalala, kelangan ko palang pumunta ng mall ngayon dahil may pinapabili si ate. Kailangan kong bumili ng shawarma at milktea.

"O, saan ka pupunta? Ikaw na pupunta sa abo mo?"

"Gago!"

Muli ko na naman narinig ang tawa niya. Wala ba siyang ganap ngayon? Lakas niyang mang asar ngayon a.

Sawyer Series#2: Here's your Perfect (Completed)Where stories live. Discover now