13

166 5 1
                                    

Chapter 13

   Nakatuon lang ang atensyon ko sa harapan. Pinipilit kong ipokus ang atensyon ko pero hindi ko magawa. Ang katotohanan na si Bentley ang nasa harapan ko ay hindi ko magawang mag focus sa harapan.

"Are you ok?" tanong ni Zev sa akin, mahina lang ang pagkakatanong niya. Nilingon ko siya saka binigyan ng ngiti. "Oo naman, bakit?" takang tanong ko sa kanya.

"Parang wala ka sa sarili. Kilala mo ba siya?" tanong nito sabay nguso sa harapan ko.

"Yeah, he's my ex." diretsong sagot ko sa kanya. Nanlaki ang mata nito dahil sa narinig. Umawang pa ng bahagya ang kanyang bibig kaya mahina akong natawa. Sumulyap ako sa harapan, patuloy sa pag-di-discuss si prof.

"Really?" Hindi makapaniwalang tanong nito sa akin. Marahan akong tumango. "Yep!" sagot ko.

"Omaygi, wait...hindi ka pa ba nakakamove on?"

Mahina akong tumawa. "Tatlong taon na ang nakakalipas, nakamove on na ako." sagot ko sa kanya. Hindi ko lang maiwasan ang makaramdam ng galit ngayon. After what he did to me.

Tumango-tango siya sa akin. "Akala ko ay hindi pa. Kung sabagay, maintindihan kita kung hindi ka pa nakakamove on sa kanya. Ang gwapo kaya." sabi nito, muli akong natawa saka nagkibit balikat na lang sa kanya.

Gwapo?

Gwapo si Bentley pero gago.

Nagulat ako nang biglang humarap ito sa akin." You're ignoring me."sabi nito sa akin. Para bang ako pa ang may atraso sa aming dalawa.

Inangatan ko siya ng kilay."So?" tanong ko sa kanya, ngumisi ito sa akin. May galit na bigla na lang umusbong sa akin, nang aasar ba siya?

"Wala naman." sabi niya habang nakangisi.


"He's teasing you." bulong ni Zev sa akin habang nakangisi.


"Hayaan mo siya." sabi ko sa kanya.


Tinuon ko na lang ang atensyon ko sa harapan. Naramdaman ko ang pag vibrate ng cellphone ko sa bulsa ko. Pasimple kong nilabas ito at tinignan kung sino ang nag message sa akin.

Abo:
   Busy?

Kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang ngiting gustong kumawala sa labi ko. Tumingin ako sa harapan bago mag tipa ng reply sa kanya.

Ako:
   I have class. Kung gusto mong makipagkita sa akin ngayon ay magagawan ko 'yan ng paraan.

Mahina akong natawa ng ma send ko ang reply ko sa kanya. Tinignan ako ni Zev, nakakunot ang noo nito sa akin. Nilapit nito ang mukha sa akin.

"Bakit nangiti ka?" tanong nito sa akin.


"Masaya ang lesson." sabi ko sa kanya, ngumisi ito sa akin. Halatang hindi naniniwala sa sinabi ko.

Abo:
  Tsh, listen to your prof.

Ako:
  Nakikinig ako sir, bakit mo nga pala tinatanong kung busy ako?

Saktong friday ngayon!

Abo:
  Today is friday. You don't want us to meet?

Nagpakawala ako ng mahinang tawa. Hindi ko na nasundan kung ano ang sinasabi ni prof sa harapan. Nagdidiscuss lang naman siya, wala pa namang sinasabing activity o project.

Ako:
  I can't, maglilipat ako ngayon.

Abo:
  I'll help you.

Kinagat ko ang ibabang labi ko. Tinignan ko si Zev ng sikuhin niya ako. Nginuso niya ang harap kaya agad kong tinago ang cellphone ko. Muntikan na ako doon a!

Sawyer Series#2: Here's your Perfect (Completed)Where stories live. Discover now