40

147 2 0
                                    

Chapter 40

   Tapik ni Abo ang nagpagising sa akin, agad kong inikot ang paningin ko. Nakahinto ang sasakyan niya sa isang restaurant. Nasaan kami?

"How's your sleep?" Tanong nito, tumingin ako sa kanya saka ngumiti.

"Nawala 'yung hilo ko," sabi ko. Ngumisi ito sa akin. Bakit ang gwapo niya? Napakaswerte ko naman ata Lord at binigyan niyo ako nang ganitong boyfriend.

"Hungry?"

Tumango ako saka ngumuso.

"Let's eat first." Aniya.

Nauna siyang bumaba, sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa pagbuksan niya ako ng pinto. Saglit kong inayos ang itsura ko at bumaba na.

"Nasaan tayo?" Tanong ko sa kanya.


"BGC," simpleng sagot nito. Hindi pamilyar sa akin ang lugar. Kung sabagay ay malaki ang BGC.

Nilagay nito ang kamay sa aking bewang. Ang pintig ng dibdib ko ay nagiging abnormal na naman. Bakit ba siya ganyan? Palagi na lang niya akong pinapakilig.

Inalalayan niya akong umupo ng makapasok kami, nagtaka ako nang iurong nito ang upuan sa tabi ko. Hindi ito nagsalita at ngumiti lang.

"Menu please,"

Binigyan kami ng dalawang menu. Ang lalaking nagbigay sa amin ay nasa gilid lang, inaantay ang order namin. Medyo hindi ako pamilyar sa mga pagkain na nasa menu dahil puro pang italian ito. Kaya naman ay hinayaan ko na si abo ang mag order.

"Is that all sir?"

"Yes."

Tumango ang waiter saka naglakad na paalis. Umayos ako ng upo. Hindi naman ganoon kadami ang kumakain dito. Anong oras na ba? Bakit gising pa ang mga tao ngayon?

"Don't you have a work tomorrow?" Tanong ko sa kanya. Naramdaman ko ang kamay nitong sa upuan ko, muka na tuloy siyang nakaakbay sa akin.

"It's my off tomorrow, where do you want us tomorrow?" Bigla naman akong napaisip kung saan. Pagdating sa lugar ay wala akong alam. Ang gusto ko lang ay masolo siya bukas.

"I don't know. Ang gusto ko lang ay masolo kita bukas." Sambit ko sabay tingin sa kanya, nakita ko ang pag angat ng kilay nito kaya napangisi ako.

"Alright."

Maya maya ay dumating na ang mga pagkain. Gaya nang lagi niyang ginagawa ay inaasikaso na muna niya ang akin bago ang sa kanya. Ngumiti ako sa kanya at nagpasalamat.

"You're such a gentleman." Sabi ko.

"I know." Ngumisi ako.

Nag usap lang kami ng kung ano ano. Gusto kong iopen sa kanya ang tungkol kay Ivana pero mukang hindi ito ang tamang lugar para pag usapan. Maybe tomorrow? Iyong kaming dalawa lang.

"Let's take a selfie." Aya niya. Napangiti ako.

Umayos ako ng upo, hawak niya ang cellphone niya. Natawa pa ako dahil hindi siya marunong maghawak ng cellphone na pang selfie.

"Ako na nga."

Kinuha ko ang cellphone niya at maayos na inanggulo ito.

"Ok, smile."

Hindi ko alam kung ilang take ang kinuha namin. Tumigil na lang dahil kinuha niya na sa akin ang cellphone niya.

"You like selfies?" Tanong nito. Umiling ako sa kanya. Hindi ko hilig ang pagkuha ng litrato.

Sawyer Series#2: Here's your Perfect (Completed)Where stories live. Discover now